PINAS KAISA SA ASW; 3 PORTS GAGAWING PILOT AREA

BOC-PORT OF MANILA

TATLONG ports ng Bureau of Customs ang tatayong pilot ports makaraang pormal nang sumama sa live operations ng ASEAN Single Window (ASW) ang Pilipinas.

Ayon kay Finance Undersecretary Gil Beltran, ang BOC kasama ang tatlong port nito na tumatayong pilot ports – Port of Manila, Manila International Container Port at Ninoy Aquino International Airport – at Export Coordination Division (ECD) ang mag-iisyu ng electeonic Certificate of Origin (eCO) gamit ang national single window ng bansa.

Sinabi pa ni Beltran, ang pag-isyu ng eCOs ay alinsunod sa Customs Memorandum Order (CMO) No. 15-2019 na nilagdaan ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero noong nakaraang Marso 2019 na ginawa ng Pilipinas kasama ang Malaysia at Indonesia.

Iginiit ni Beltran na magiging mas mababa ng 10 porsiyento ng gastos sa pakikipagtalastasan kapag gamit ang ASW.

Ipinaliwanag ni Beltran na encourages small enterprises to take advantage of preferential tariffs under ATIGA (ASEAN Trade in Goods Agreement)”.

Sa isinagawang meeting ng ASEAN Committee of the Whole noong nakaraang Enero 11 sa Hanoi, Vietnam iniulat ni Beltran na ang ASW Steering Committee ay may karagdagang tatlong dokumento na magpapalitan via platform, kasama na ang e-Phyto-Sanitary Certificate, e-Animal Health Certificate at ang e-ASEAN Customs Declaration Document (ACDD).

Ang National Single Window ng bansa ay makikita sa TRADENET.gov.ph. Jo Calim

Read More

BOC NAGDIWANG NG 118TH ANNIVERSARY; MOVING TOWARDS A PROFESSIONAL CUSTOMS ADMINISTRATION – GUERRERO

BOC-11

IPINAGDIWANG ng Bureau of Customs noong Lunes ang kanilang 118th Founding Anniversary kung saan ipinahayag ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang kanyang pagnanais na maging maayos, moderno at mapagkakatiwalaan ang ahensiya.

Naging sentro ng kanyang mensahe ang “Moving Towards a Credible, Modern and Professional Customs Administration” kung saan marubdob ang kanyang pahayag na sa pag-upo pa lang niya sa puwesto ay ninais niyang maging malinis ang ahensiya mula sa katiwalian.

Kasabay ng kanyang pahayag ang pasasalamat sa mga tumanggap ng papuri at awards kaugnay ng pagdiriwang.

“To all our awardees and jubilarians, your service and contributions to the Bureau is much appreciated. Each of you has given the best years of your life and we hope that the awards and recognitions of your dedication properly express the gratitude and esteem that we have for each of you,” pahayag ni Guerrero.

“Let this Anniversary be a celebration of the record and service of the last 118 years of the BOC as well as the milestones that we have yet to make together. Magsama-sama tayo at magkaisa tayo para sa ating adhikain at sa ating hinaharap, para masolusyonan ang ating mga problema at hamon. At sa ating 118th Anniversary, ako ay bumabati sa inyong lahat na mabuhay ang Bureau of Customs.”

Sa panunungkulan ni Guerrero, marami siyang isinagawang pagbabago lalo na sa computerization system program bukod pa sa pinalakas ang kakayahan ng Intelligence Communication at pagbabagong-anyo ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS). Joel Amongo

Read More

BABAENG DRUG MULE NAARESTO NG CUSTOMS; P28-M SHABU NAKUMPISKA SA THAI PASSENGER

DAHIL mas pinahigpit ng Bureau of Customs (BOC) ang pagbabantay sa puerto upang hindi makalusot ang pagpasok ng ilegal na droga, isang babaeng Thai passenger ang inaresto ng mga tauhan ng ahensiya kaugnay sa tangkang pagpupuslit ng P28 milyong halaga ng droga sa Ninoy Aquino International Airport.

Ang suspek na nakilalang si Pakira Janwong, 27, ay inaresto matapos tangkain nitong ilusot ang 4.125 kilos ng shabu na may street o market value na P28,050,000 na nakatago sa kanyang luggage.

Natuklasan ang shabu nang dumaan ang luggage ni Janwong sa x-ray scanning kung kaya’t kaagad siyang pinigilan ng mga alertong tauhan ng BOC.

Nabatid na ang suspek na isang Thai national ay dumating sa Pilipinas lulan ng AirAsia Zest Flight Z2 288 mula Bangkok, Thailand bandang alas-3 ng umaga noong Pebrero 3.

Nang isailalim sa test ang droga, nagpositibo ito na shabu kung kaya’t ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang nakumpiskang droga ay kaagad na itinurn-over sa laboratoryo ng Philippine Drug Enforcement Agency para sa tamang disposisyon.

Bunga nito, pinuri ni Commissioner Rey Leonard Guerrero ang mga tauhan ng BOC-NAIA na sumusunod na maayos sa kanilang mandato na bantayang mabuti ang mga lugar na pasukan sa ating bansa upang hindi makalusot ang mga ilegal na droga at iba pang kargamento kasunod nang pagbibigay babala sa mga magtatangka pang magpalusot ng ilegal na droga sa bansa.  Joel Amongo

 

 

Read More

BRGY. CHAIRWOMAN PATAY SA AMBUSH 

COTABATO City – Binawian na ng buhay ang isang barangay chairwoman habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan sanhi ng mga tama ng bala sa katawan makaraang tambangan ng hindi kilalang mga suspek nitong Enero 28 sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Bai Ella Biruar ng Barangay Bagua Mother, Cotabato City habang ligtas na ang mga sugatang sina Jasmin Samson at Princess Odin.

Matatandaan, nitong Enero 28, bandang alas:12:30 ng tanghali nang tambangan ang biktima at mga kasama nito habang lulan ng sasakyan sa harap ng San Roque Chapel, Purok Manday MB Bagua ng naturang lungsod.

Napag-alaman, katatapos lamang kumain ng mga biktima sa Southseas Mall at pauwi sa kanilang bahay nang mangyari ang insidente.

Dinala sa ospital ang mga biktima para lapatan ng lunas ngunit makalipas ang isang linggo ay namatay si Biruar.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang pagkakakilanlan sa mga suspek at motibo sa krimen. (ANNIE PINEDA)

 

Read More

BUMILI NG MANTIKA TANOD NIRATRAT

COTABATO City – Pinagbabaril ang isang barangay tanod ng isang hindi kilalang mga suspek habang bumibili ng mantika, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Herman Villar Estrellanes, 54-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Bagumba, Midsayap, Cotabato.

Batay sa report ng Midsayap Police Station, habang bumibili ng mantika ang biktima sa isang tindahan nang biglang sumulpot ang mga suspek at siya ay pinagbabaril.

Pagkaraan, mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Northern Kabuntalan, Maguindanao.

Agad dinala sa pinakamalapit na ospital ang biktima ngunit kalaunan ay inilipat sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ngunit idineklarang dead on arrival.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente. (ANNIE PINEDA)

Read More

BIGTIME NA TULAK ANAK NG EX-COP

drugs200

BULACAN – Arestado ang isang hinihinalang bigtime drug pusher na lalaki na anak ng dating pulis, matapos mahulihan ng iba’t ibang uri ng armas at shabu sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Cullianin sa bayan ng Plaridel sa lalawigang ito, nitong Martes ng hapon.

Kinilala ni Bulacan PNP provincial director, Col. Emma Libunao ang arestado na si Israel Jake Buhain, 35, nakatira sa nasabing lugar.

Ayon kay Libunao, bandang alas-2:30 ng hapon nang salakayin ng Plaridel Police, sa pangunguna ni P/Lt. Col. Victorino Valdez, hepe ng nasabing himpilan, kasama ang mga opisyales ng Barangay Cullianin, ang bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Crisostomo Danguilan ng Branch 21 Regional Trial Court (RTC) City of Malolos.

Nakumpiska kay Buhain ang limang short firearms at tatlong long firearms (replica), mga bala at mahigit isang daang gramo ng shabu at cash na nagkakahalaga ng P160,840.00

Sinabi ni Libunao, bago ang nasabing pagsalakay, naunang ikinasa ang buy-bust operation at nang magpositibo ay agad kumuha sa korte ng search warrant.

Tanging ang suspek at anak nito na 12-anyos lamang ang dinatnan ng mga operatiba sa bahay. (ELOISA SILVERIO)

 

Read More

PARAK PATAY SA PUNONGKAHOY

BATANGAS – Patay ang isang pulis nang bumangga ang sinasakyan niyang motorsiklo sa nakatumbang punongkahoy sa bayan ng Alitagtag sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si P/Ssgt. Rex Catapang, 36-anyos, imbestigador ng Alitagtag police,

Nalagutan ng hininga ang biktima habang isinusugod sa Martin Marasigan District Hospital sa bayan ng Cuenca dahil sa grabeng pinsala sa ulo at katawan.

Batay sa report, pabalik na sa police station ang pulis  galing sa pagresponde sa isang kaso nang mangyari ang insidente sa national highway sa Barangay Pinagkurusan dakong ala-1:20 ng madaling araw.

Habang minamaneho ng biktima ang motorsiklo nang bumangga ito sa binunot na puno ng akasya na iniwan sa gilid ng highway.

Sa lakas ng pagkasalpok, tumilapon ang biktmia mula sa motorsiklo at bumagsak sa sementadong kalsada na siya niyang ikinamatay. (NILOU DEL CARMEN)

 

Read More

DOKTOR DINUKOT SA KLINIKA

SULU – Nagkasa ng rescue operation ang special unit ng militar para sagipin ang isang doktor makaraang dukutin sa kanyang klinika ng hindi kilalang mga suspek na nagpanggap na mga pulis at militar, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa bayan ng Jolo sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Dr. Daniel Moreno, ng Barangay Walled City, Jolo, Sulu.

Batay sa report ng Western Mindanao Command, dakong alas 7:00 nitong Martes ng gabi nang dukutin ang biktima ng apat na lalaking nakasuot ng uniporme ng pulis at militar

Ayon sa militar, isinakay ng mga suspek ang biktima sa isang Tamaraw FX  na pinasibad patungo sa  KM3, Indanan, Sulu.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa pagdukot kay Moreno. (ANNIE PINEDA)

 

Read More

PAHINANTE NAATRASAN, PINAGKAPEHAN

PINAGLALAMAYAN na ang isang pahinante makaraang maatrasan ng truck nang hindi mapuna ng driver nitong Martes ng hapon sa Valenzuela City.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Global Pacific Hospital si Sherwin Calilap y Cruz, 34, may asawa, ng Brgy.  Colonia Gabihan, San Ildefonso, Bulacan.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng truck na si Ronaldo Navarro y Cruz, 23, ng #424 Brgy. Gabihan, San Ildefonso, Bulacan.

Nangyari ang insidente dakong alas-2:40 hapon sa Sitio St., 6071 Omnicrete Corp. Compound, Ugong, Valenzuela City

Inaaalalayan umano ng biktima ang driver habang iniaatras ang isang Howo truck na may plakang 130108.

Inasistehan din ni Calilap ang isa pang nagmamaniobrang truck driver at dahil maliit umano ang biktIma ay hindi na ito nakita ni Navarro hanggang sa masagi at masagasaan.

Isinugod sa nasabing pagamutan si Calilap ngunit idineklarang patay ni Dr. Jauregui Angeles dakong alas-5:30 ng hapon. (ALAIN AJERO/FRANCIS SORIANO)

 

Read More