SAFETY MEASURES SA SESSION, INILALATAG NA NG SENADO

0

PINATITIYAK ni Senate President Tito Sotto na nakalatag na ang mga kinauukulang safety measure at protocols sa kanilang pagbabalik-sesyon sa Mayo 4.

Bukod sa thermal scanner at paglalagay ng mga alcohol sanitizer sa bawat pasukan at bawat pinto ng mga kwarto, nagpalagay rin si Sotto ng disinfecting mat system sa main entrance at sa entrance mula sa covered parking na siyang dinadaanan ng mga senador.

Ayon kay Senate Secretary, Atty. Myra Villarica, ang disinfecting mat ay mayroong disinfecting solution at mayroong katabing drying mat.

Kahapon ay nag-inspeksyon si Sotto kasama si Villarica, gayundin sina Deputy Secretary Arnel Banas at Senate Sergeant at Arms General Rene Samonte.

Sinilip din ng mga ito ang dry run ng ipatutupad na teleconferencing system para sa kanilang virtual session sakaling maamyendahan ang kanilang regulasyon at payagan ang teleconferencing.

Dahil extended pa hanggang sa Mayo 15 ang enhanced community quarantine sa Metro Manila, mananatili ang restricted access sa Senado kung saan limitado lang ang papayagang makapasok.

Maging ang mga miyembro ng media ay hindi muna papayagang mag-cover at sa halip ay magmo-monitor na lamang sa live streaming. DANG SAMSON-GARCIA

Read More

SENIORS ‘WAG IWAN SA BENEPISYO – SOLON

0

UMAPELA si Senador Christopher Bong Go sa national government na tingnan din ang kapakanan ng mga senior citizen sa gitna ng COVID-19 pandemic partikular sa isyu ng gamot ng mga ito.

Ipinaliwanag ni Go na sa gitna ng delikadong panahon ngayon, kasama ang mga may edad na sa vulnerable sector at madaling mahawa ng iba’t ibang sakit.

Aniya, dapat bigyan ng kaukulang atensiyon ang mga senior citizen at ipatupad nang maayos ang Republic Act no. 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010 na naglalayong mapangalagaan ang kalagayan ng mga ito.

Apela ni Go sa national government at sa Department of Health na siguraduhing available ang gamot at mga kailangang supplements ng elderly population.

Maliban dito, sinabi ni Go na kabilang sa mga dapat bantayan ng mga kinauukulan ang mapanatiling abot-kaya ang presyo ng mga gamot at kilalanin ang 20% discount ng mga may edad na. NOEL ABUEL

Read More

ONLINE PROTEST NGAYONG LABOR DAY, OKAY SA MALAKANYANG

0

WALANG problema sa Malakanyang kung magpahayag man ng hinaing ang mga manggagawa bukas, Araw ng Paggawa.

Kailangan lamang na sundin ng mga ito ang quarantine protocols na ipinatutupad ng pamahalaan para pigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

“Hinahayaan naman po natin na magsalita at ilabas ang hinaing ng ating mga uring manggagawa,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Nakarating sa kaalaman ni Sec. Roque na sa halip na ang kadalasang massive assembly kada Mayo 1, ang labor groups ay naghahanda na ng kanilang annual Labor Day protests online.

Iyon nga lamang, ang paalala ni Sec. Roque sa mga manggagawa ay ipinagbabawal sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang mass gathering dahil sa COVID-19 crisis.

“Bawal po ang physical gathering ‘no. So puwede naman po kayong magprotesta online kung ninanais ninyo. Huwag lang nating lalabagin iyong ECQ dahil mas malaking banta iyan sa kalusugan,” aniya pa rin.

May ilang labor groups gaya ng Kilusang Mayo Uno at Nagkaisa Labor Coalition, ang nagpaplano na maglunsad ng online protest, sa halip na ang tradisyonal na protesta sa Mendiola Peace Arch sa lungsod ng Maynila.

Hinikayat naman ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino, ang mga manggagawa na makiisa sa noise barrage bukas, Labor Day sa pamamagitan ng pagpapaingay at pagkalampag sa mga walang laman na kaldero at kawali sa harap ng kanilang bahay.

Sa kabilang dako, humirit naman ang labor groups ng paid quarantine leave, guaranteed income at hazard pay dahil sa COVID-19 pandemic.

Ani Sec. Roque, kasalukuyan nang gumagawa ang pamahalaan ng recovery plan para sa mga manggagawa.

“Mag a-unveil po tayo ng recovery plan para nga po sa ating mga manggagawa. It will be announced on May 1,” ayon sa kalihim.

Maliban aniya sa recovery plan para sa mga manggagawa ay may ilang programa na aniya ang inilunsad ng gobyerno para tulungan ang mga displaced worker na panatilihin ang kanilang pangangailangan bunsod ng COVID-19 crisis.

Sa katunayan nga aniya, simula nang sumipa ang COVID-19 pandemic, ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay agad nagpatupad ng COVID-19 Adjustment Program at

Tulong Panghanapbuhay sa Displaced or Disadvantaged Workers Program.

Sa ngayon, may 2.3 milyong manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 outbreak. CHRISTIAN DALE

Read More

ISKOLAR NG BAYAN MAAAPEKTUHAN SA COVID-19

0

MAAAPEKTUHAN ang mga iskolar ng bayan kapag tuluyang binawasan ang free education budget.

Ito ang ibinabala ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero “Popoy” De Vera sa virtual hearing ng House Committee on Higher and Technical Education nitong Huwebes.

“If you do not release [the] 35 percent, we are afraid to inform Congress that we will not be able to do a lot of things for Republic Act (RA) No. 10931,” pahayag ni De Vera sa mga komite na pinamumunuan ni Baguio City Rep. Mark Go.

Magugunita na naglabas ng kautusan ang Department of Budget and Management (DBM) na binabawi ang 35% sa mga allotted budget ng mga ahensya ng gobyerno para magamit sa paglaban sa covid-19.

Kasama sa mga ahensyang ito ang CHED na siyang nagpapatupad sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act o mas kilala sa libreng tuition fees sa state universities and colleges (SUCs).

“That is what we are worried [about] because if you reduce by 35 percent, we will not be able to fully reimburse the tuition and miscellaneous fees of State Universities and Colleges. We won’t be able to release all the TES (Tertiary Education Subsidy) money for 2020. So that is our concern,” ani De Vera.

Ngayong taon ay P7.1 Billion ang inilaang pondo para sa libreng edukasyon ng mga kabataan na nag-aaral sa SUCs sa bansa kaya kung hindi aniya mababawasan ito ng 30% ay mapipilitan ang mga ito na maningil sa mga estudyante.

Dahil dito, hiniling ni Northern Samar Rep. Paul Daza sa DBM na huwag nang isama ang CHED sa babawasan ng pondo upang hindi maapektuhan ang pag-aaral ng mahihirap na estudyante. BERNARD TAGUINOD

Read More

BANTA SA KARBON ‘DI MAPAPAWI SA PAG-ANTALA SA POWER BID

0

SINITA ng Power for People Coalition (P4P) ang isang power company nang hilingin nito na ipagpaliban ang pagsasagawa ng bagong Competitive Selection Process (CSP) dahil ang napiling gasolina at karbon ay parehong walang kakayahan na magsulong ng seguridad sa enerhiya sa bansa at mabigyan ng abot-kayang elektrisidad ang mga konsyumer.

Umapela ang power firm sa Department of Energy (DOE) na payagan silang ipagpaliban muna ang pag-bid sa kanilang bagong 1,800 megawatt (MW) ‘power capacity requirement’ sa gitna ng sitwasyon ngayon sa COVID-19 crisis at saka na lamang idetermina, sa dahilang pabago-bago umano ang presyo ng gasolina ngayon.

“We’re hearing from their mouths that the fuel sources they are eyeing for this new bid are extremely vulnerable to shock. The crisis we are going through is already exposing how unstable an economy that relies largely on coal and fossil fuels for its power is,” paliwanag ni P4P Convenor Gerry Arances.

Mahigpit na tinututulan ng grupong nagsusulong ng malinis na enerhiya at karapatan ng konsyumer sa bansa at ng mga apektadong komunidad sa Atimonan ang iminumungkahing ‘coal-fired power plant’ dahil malaki ang magagawa nitong pinsala sa ekonomiya, kalikasan at sa kalusugan ng mamamayan. TJ DELOS REYES

Read More

PAG-ABUSO NG PULISYA, MILITAR SA ECQ KINONDENA

0

KINONDENA ng Hustisya (Pagkakaisa ng mga Bikma para sa Hustisya) ang mga pulis at militar sa paggamit ng labis na pwersa sa mga ordinaryong mamamayan sa pagpapatupad ng mga patakaran sa enhanced community quarantine.

Binanggit ng grupo ang pagbaril at pagkakapatay kay Army Corporal Winston Ragos ni Police Master Sergeant Daniel Florendo Jr. noong Abril 21; ang paghataw, tadyak at pagtrato na parang baboy ng mga Task Force Disiplina sa fish vendor na si Michael Pasage Rubuia sa Brgy. South Triangle, Quezon City noong Abril 27; at ang pagsita ng mga pulis kay Javier Salvador Parra, residente ng Dasmariñas Village sa Makati City dahil sa hindi umano pagsusuot ng face mask ng kasambahay nito nang magdilig ng halaman sa kanilang bakuran noong Abril 28.

Ilan lamang anila ang mga ito sa mga napabalitang kaso ng pagmamalabis ng mga pulis at militar sa pagpapatupad ng ECQ.

Walang ibang mananagot sa hindi makataong pagtrato ng mga pulis at militar sa mga taong diumano’y lumalabag sa ECQ kundi mismong si Pangulong Duterte, ayon pa sa grupong Hustisya.

‘Di kaila sa mamamayan ang kanyang pagbabanta at kagaspangan ng pananalita, ang pagkandili sa mga pulis at militar sa harap ng kaliwa’t kanang balitang pagmamalabis nila sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Lahat ng ito ay lalong nagpapalaki sa ulo ng mga pulis at militar upang ipagpatuloy pa ang kanilang marahas at pagmamalabis sa pagpapatupad ng mga patakaran sa ECQ, banggit pa ng grupo. JOEL O. AMONGO

Read More

WORK FROM HOME EPEKTIBO SA PANAHON NG KRISIS – DTI

0

PARA sa pamahalaan, epektibo at malaki ang naitulong ng work from home na ipinatupad ng ilang kumpanya at mga tanggapan ng gobyerno upang magpatuloy ang kanilang operasyon o trabaho kahit nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang ibat ibang lugar sa bansa dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez, kahit nasa bahay lamang kasi aniya nagtatrabaho ang ilan nating mga kababayan, makikita pa rin ang pagiging abala o busy ng mga ito dahil sa mga online meeting, video conferencing.

Subalit, sa actual manufacturing ay hindi pwede ang work from home dahil dapat nandoon sa planta ang mga manggagawa ng factory dahil nangangailangan ito ng physical activities at physical presence. CHRISTIAN DALE

Read More

COVID-19 POSITIVE, MAHIGIT 8K NA

0

PUMALO na sa mahigit walong libo ang positibong kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH).

Umabot sa 276 ang bagong kasong naitala kaya umakyat na sa 8,488 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dalawampu naman ang nadagdag sa mga nakarekober sa sakit kaya umabot na sa 1,043 ang kabuuang bilang ng mga ito.

Sampu naman ang mga namatay at sa kasalukuyan ay nasa 568 na ang kabuuang bilang nito.

Magpapatuloy ang ang enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR at iba pang bahagi ng bansa hanggang sa Mayo 15.

Isasailalim naman sa general community quarantine (GCQ) ang ilang probinsya na walang naitalang kaso ng naturang sakit. D. ANIN

Read More

Isinusulong ng women inventors ‘SINTA’ LABAN SA COVID-19

0

ITINUTULAK ng Women Inventors Association of the Philippines, Inc. (WIAPI) ang paggamit ng Andrographis Paniculata o Sinta bilang food supplement sa mga pasyente ng coronavirus 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa liham na kanyang ipinadala kay Sec. Fortunato Dela Peña ng Department of Science and Technology (DOST) kamakailan, ipinahayag ni Dra. Edinelda O. Calvario ang pagsuporta ng kanilang grupo sa kampanya ng liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte na labanan ang global pandemic outbreak.

Ani Dra. Calvario, ang kasalukuyang President ng WIAPI, naniniwala ang Women Inventors na ang raw form ng Andrographis Paniculata o Sinta, kilala rin bilang “King of Bitters” ay matagal nang kilala na may medicinal benefits at matatagpuan sa mga bansa sa Asya, partikular sa India.

Ayon sa Memorial Sloan-Kettering Cancer Center, ang active ingredient ng andrographis na andrographolides ay may potent anti-inflammatory at antimalarial properties. Bukod dito, nagtataglay rin ito ng antimicrobial properties na makatutulong para labanan ang impeksiyon mula sa mga virus, bacteria at fungi.

Ang andrographis ay mahusay na antioxidant laban sa sinasabing ‘free radical induced damage’ sa cells at DNA. Ito ay nagpapalakas sa immune system.

Nakahanda ang grupo ng Women Inventors na pondohan ang isinusulong na panukala bilang ayuda sa patuloy pa ring paglobo ng bilang ng mga pasyente ng COVID-19 sa bansa na umabot na sa 8,212, batay sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkoles, April 29.

Binigyang-diin ni Dra. Calvario, kilala bilang ilang dekadang naturopathic doctor, na subok na ng marami ang kanyang Serpentina Tablet na nagmula sa Sinta o Andrographis Paniculata bilang pangontra sa iba’t ibang mabigat na karamdaman tulad ng inflammation hanggang cancer. Ang Serpentina tablet na aprubado ng Food & Drug Administration ay isa sa mga food supplement na inirerekomenda ni Dra. Calvario sa kanyang programang Healing Galing sa Radyo5 at OnePH at Healing Galing sa TV sa TV5.

Matatandaan na ang Serpentina Herbal Topiceutical na isa pa rin sa mga imbensyon ni Dra. Calvario ay kinilala bilang 2nd Runner-Up sa Likha Award (Creative Research –Private Funded) sa ginanap na 2019 Regional Invention Contest and Exhibits (RICE) ng DOST.

Dra. Edinell Calvario, presidente ng Women Inventors Association of the Phils., Inc.

Read More