PROBLEMA ANG KAWALAN NG DATABASE SA EKSAKTONG BILANG NG MAHIHIRAP

Badilla Ngayon

NAPAKALAYO na ng iniunlad at iniangat ng ekonomiya ng Pilipinas mula noong 1960s.

Sa kasalukuyan, isa ang Pilipinas sa nangungunang mataas ang gross domestic product (GDP), sukatan ng pag-unlad ng ekonmiya ng isang bansa.

Ngunit, milyun-milyon ang hindi nakikinabang sa maunlad na ekonomiya ng bansa.

Napakaraming mahihirap na mga pamilyang Filipino mula tuktok ng Luzon hanggang talampakan ng Mindanao.

Ngunit, hindi sila kasama sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kaya, hindi lahat ng mahihirap ay nabibigyan ng pampinansiyal na ayuda (Conditional Cash Transfer at Modified Conditional Cash Trtansfer) ng pamahalaan kada buwan.

Hindi rin pinabayaan ng DSWD ang mga miyembro ng 4Ps nang ipatupad ng administrasyong Duterte ang P5,000 hanggang P8,000 kada buwan na Social Amelioration Program (SAP) mula sa P275 bilyong
pondong inihiwalay para sa pagpapatupad ng bagong batas na “Bayanihan to Heal as One” laban sa kahirapan ng buhay dulot ng novel coronavirus disease 2019 (COVID – 19).

Ang inilabas ni Senate President Vicente Sotto III ang bilang ng mga mahihirap na pamilya makikinabang sa P275 bilyon sa media. Lumalabas na ay 18 milyong pamilya (pamilya po ha!), ang hindi

ko lang alam kung saan galing ang 18 milyon ni Sotto.
Nitong Oktubre 2018, binanggit ni DSWD Undersecretary Florita Villar “4,178,985 are active household beneficiaries.”

Sa binanggit ni Villar, 3,950,012 kabahayan ang regular na nakatatanggap ng pera dahil kasama sila sa Conditional Cash Transfer (CCT) ng DSWD, samantalang 228,973 naman ang nakapaloob sa Modified Conditional Cash Transfer (MCCT).

Pansinin sana ng lahat na ang ginamit na termino ay,“household”.

Dito sa Pilipinas, maraming bahay ang umaabot sa dalawa, tatlo hanggang apat na pamilya dahil sa sobrang kahirapan.

Kaya, siguradong napakaraming bahay o tinirahan ng mga kasapi ng 4Ps na pinaghahatian ng dalawa, tatlo o higit pamilya ang CCT at MCCT na ibinibigay ng DSWD kada buwan.

Nitong 2019, naglabas ng feature story ang Philippine Information Agency (PIA) hinggil sa 4Ps na ganito ang inihayag ni DSWD Secretary Rolando Joselito Bautista: “As of November 2019, 4Ps

has a total of 3,993,180 household beneficiaries provided with cash grants utilizing funds in the amount of P57,863, 606,400. “

Idinagdag ni Bautista na “with the on-going Listahan household assessment, more beneficiaries will be added to reach its goal of sustained 4,400,000 household beneficiaries.”

Nitong Byernes, sinimulan ng DSWD ang pamamahagi ng P16.34 bilyon sa 3.5 milyong kabahayang tumatanggap ng CCT ng 4Ps sa iba’t ibang panig ng bansa, kasama ang Metro Manila.

Sa tulong ng mahigit 42,000 barangay, kukunin ng DSWD ang bilang ng mga mahihirap na pamilyang Filipino na hindi kasama sa 4Ps upang mabigyan din ng P5,000 hanggang P8,000 na SAP mula sa natitira sa P275 bilyon.

Nasimulan na ito dahil namigay na ng SAP card ang bawat barangay.

Magandang balita dahil binilisan ng DSWD ang ayuda kumpara sa mga nakalipas na buwan at taon.

Pero, ipinakita ng pangyayaring ito na palpak ang pamahalaan hinggil sa totoong bilang ng mga mahihirap na pamilya sa bansa.

Ipinamukha sa atin ng pamahalaan na wala ito ng tinatawag na “database” o listahan ng mga mahihirap sa bawat lungsod at bayan ng bansa.

Ang sabi ni Sotto nitong Linggo na nagkausap na sila ni Finance Secretary Carlos Dominguez III hinggil sa palpak na listahan.

Idiniin ni Sotto na nangako si Domiguez na aayusin ang magkasalungat na listahan ng DSWD at ng local government units (LGUs) hinggil sa totoong bilang ng mga mahihirap na pamilya.

Importante ang totoo at tapat na listahan ng mga mahihirap upang malaman ng pamahalaan kung ilan ang totoo, eksakto at tapat na listahan ng mga mahihirap na pamilya, sapagkat ginagamit hindi lamang sa pamamahagi ng tulong sa kanila, kundi ang listahan din ang ginagamit sa pagsubaybay kung nababawasan o dumarami ang bilang ng mga mahihirap bawat buwan, kwarter at taon.

Nakadidismaya at nakakabuwisit naman sa sobrang haba na ng panahong napakaraming mahihirap na mga Filipino, ngunit ganoon din kahaba ang panahong walang matino, eksakto at tapat na listahan o database ng mga mahihirap ang pamahalaan.

Read More

FRONTLINERS DAPAT ALAGAAN NG TAUMBAYAN

PRO HAC VICE

NAKAKALUNGKOT naman ang mga napabalita na ang mga taong handang magbuwis ng kanilang sariling buhay para lamang sa nakararaming mamayan ay binu-bully pa ng iba nating mga kababayan.

Naiintindihan po natin ang sentimento ng ilan nating mga kababayan dahil natatakot silang baka iyong mga frontliner nilang kapitbahay o kabarangay ay mayroong dalang Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 na mula sa mga ospital na kanilang pinaglilingkuran at baka mahawa sila ng nakakamatay na naturang sakit dahil hindi nga ito visible sa mga mata natin.

Gayunman, paala-ala lang po doon sa mga nambubully sa mga frontliner na kapag sila po ay wala, sino po ang mag-aaruga sa atin kung tayo po ay dapuan ng naturang karamdaman?

Hindi po ba ang dapat nga sa mga frontliner na mga yan kung iyan po ay kapitbahay ninyo o kabarangay ninyo ay inyong bigyan nang pagpupugay dahil sa kanilang ipinapakitang katapangan na harapin ang nakamamatay na karamdaman?

Dapat nga po kayo ang kanyang sandigan ng kanyang katatagan at maging inspirasyon upang lalo pang lumakas ang kanyang loob na pumasok pa sa ospital na kanyang pinaglilingkuran kahit alam niyang maaring isa rin siya sa mahawahan ng nakamamatay na COVID-19.

Sa halip na pandirihan po ninyo sila, dapat nga po sa tuwing sila ay dumating sa inyong lugar ay ipagbunyi ninyo sila at ipakita o ipadama ang inyong pagsuporta sa kanilang katapangan na

gampanan ang kanilang tungkulin sa kabila ng alam naman nilang maaring isang araw ay sila na naman ang makikipaglaban kay Kamatayan dahil sila ay nahawahan na ng COVID-19.

Pakiusap po sa ating mga KA-SAKSI na mahalin natin at suportahan ang mga frontliner dahil kapag sila po ay wala na, ay ubos din tayong mga Pinoy dahil tayo rin ang kasunod na magkakasakit at wala ng mga frontliner na magaaruga sa atin!

Huwag po nating tularan ang ibang mga walang kuwentang mga politiko na puro puna at ngawa wala namang ginagawa upang makatulong sa kinakaharap na krisis ng ating bansa!!!

Maiba ko nga pala dahil sa paglabag sa protocol ng isang person under investigation dahil sa posibilidad na mayroon itong taglay na COVID-19 ay kinasuhan na sa department of Justice si Sen Aquilino “koko”Pimentel Jr.

Batay sa inihaing reklamo ni Atty Rico Quicho sa pamamagitan ng electronic filing, nilabag ni Sen Pimentel ang isinasaad ng Republic Act 11332 o mas kilala sa tawag na Mandatory Reporting of

Notifiable Disease and Health Events of Public Health Concern Act., kabilang din sa reklamo ay ang paglabag sa ilang regulasyon ng Department of Health o DOH.

Ayon naman kay Secretary of Justice Menardo Guevara, kaagad niyang ipapasailalim sa preliminary Investigation ang naturang kaso sa sandaling bumalik na sa normal ang situwasyon ng bansa dahil sa kinakaharap na krisis kaugnay ng COVID-19.

Sa oras na mapatunayan na nagkasala nga sa naturang batas si Sen. Pimentel ay maari itong makulong ng hanggang anim na buwan o multang 20,000.00 hanggang 50,000.00 piso.

Read More

ECQ EXTENDED HANGGANG ABRIL 30

KINUMPIRMA ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na in-extend na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Luzon-wide quarantine hanggang 11:59 p.m. ng April 30.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na layon ng Pangulo na magkaroon ng sapat na panahon sa pamamagitan ng pag- extend ng enhanced community quarantine sa Luzon ng hanggang Abril 30 para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Aniya, tinanggap ng Pangulo ang rekomendasyon ng IATF-EID na palawigin pa ang enhanced community quarantine sa luzon.

Kagabi, araw ng Lunes, Abril 6 ay sinabi ni Pangulong Duterte na pabor siya na i-extend ang Luzon-wide quarantine ng hanggang Abril 30.“Provided, that all exemptions granted by the Office of the President or the IATF shall continue to be in effect for the duration of the extended ECQ,” ani CabSec Nograles, na pinagbasehan ay ang resolusyon ng IATF na ipinasa nito sa nasabing araw.

“Provided further that such extension of the ECQ shall be without prejudice to the discretion of the President to relax the implementation of the ECQ in some local jurisdictions, or the granting of exemptions in favor of certain sectors, as public health considerations and food security may warrant.”

Samantala, ang rekomendasyon ng IATF ay bahagi ng IATF Resolution No. 20 na inilabas ngayon ng Task Force sa publiko. CHRISTIAN DALE

Read More

HUWAG IPAUBAYA SA LOCAL OFFICIALS

DPA

HINDI sa walang tayong tiwala sa local officials dahil marami naman ang matitino kahit papaano pero nararapat lang na mismong ang national government ang maghahatid ng tulong pinansyal sa bawat pamilya sa bawat barangay para matulungan ang mga dapat matulungan.

Marami na kasing kuwento’t karanasan ang mamamayan sa local officials mula sa mga mayor, city at municipal councilors hanggang sa barangay officials na hindi nakararating ang dapat dumating na tulong sa kanila.

Hindi kayang mag-isa ng isang mayor na maihatid ang tulong sa bawat pamilya sa lugar na nasasakupan nito kaya pinakikilos nito ang kanyang mga konsehal at ang mga konsehal naman ang magpapakilos sa mga barangay officials na siyang nakakaalam at nakakikilala sa mga tao sa kaniyang barangay.

Imposible na magbahay-bahay mismo ang mayor o kahit ang mga city at municipal councilors  kaya itatalaga nila ang kanilang barangay captain para maghatid ng tulong pero dahil sa politika sa ibaba, iyong mga dapat matulungan ay hindi natutulungan at ang mga hindi dapat tulungan ang siyang nakakukuha ng biyaya.

Kapag naging gahaman ang mga barangay captain, hindi lang sila  ang masisira kundi ang mga konsehal at mayor at nagagamit pa ang ganitong pagkakataon para pabanguhin pa ng local officials ang kanilang pangalan para maalala siya pagdating ng eleksyon.

Kaya tama ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang maghahatid ng tulong sa mga tao ay ang mga sundalo upang makarating ang dapat makarating sa mga mamamayan na walang labis at walang kulang.

Ang nangyayari kasi kapag ang  local officials ang inaatasang maghatid ng tulong, hindi tugma  ang halaga ng relief goods sa idinedeklara nilang gastos kaya hindi mo masisisi ang mga tao na mawalan ng tiwala sa kanila.

Kunwari, sasabihin ng mayor na ang bawat relief goods ay P1,000 pero kung kukuwentahin mo ang halaga ng laman ng bag na ipinamigay ay aabot lang ng P300 kaya marami ang ayaw magtiwala.

Posibleng totoo na ganyan ang halaga ng budget na inilabas ng mayor pero pagdating sa ibaba ay binawasan ng kapitan o kung hindi man ay binawasan ng kanyang mga tao kaya talagang magrereklamo ang mga tao.

Marunong nang magkuwenta ang mga tao at hindi mo na sila maiisahan lalo na kung ganitong panahon ng krisis na kailangan nila ang tulong pero imbes na kumpleto ang tulong na matatanggap nila ay kinukupitan pa.

Madali nang magreklamo ngayon dahil sa social media. Halos lahat na ng mga tao ay may cellphone na may camera na at konektado na sila sa internet (kahit mahina) kaya naipo-post na nila ang kanilang mga hinaing.

Oo nga pala, ang barangay officials din pala ang inaatasan na magsumite ng pangalan ng pamilyang dapat bigyan ng tulong pinansyal mula sa national government.

Dapat suriing mabuti ang listahan dahil  baka inilista diyan ang lahat ng miyembro ng pamilya. Ang usapan, bawat pamilya, isang miyembro lang ang makakukuha. Kailangan magkalinawan sa usapang iyan.

HINDI sa walang tayong tiwala sa local officials dahil marami naman ang matitino kahit papaano pero nararapat lang na mismong ang national government ang maghahatid ng tulong pinansyal sa bawat pamilya sa bawat barangay para matulungan ang mga dapat matulungan.

Marami na kasing kuwento’t karanasan ang mamamayan sa local officials mula sa mga mayor, city at municipal councilors hanggang sa barangay officials na hindi nakararating ang dapat dumating na tulong sa kanila.

Hindi kayang mag-isa ng isang mayor na maihatid ang tulong sa bawat pamilya sa lugar na nasasakupan nito kaya pinakikilos nito ang kanyang mga konsehal at ang mga konsehal naman ang magpapakilos sa mga barangay officials na siyang nakakaalam at nakakikilala sa mga tao sa kaniyang barangay.

Imposible na magbahay-bahay mismo ang mayor o kahit ang mga city at municipal councilors kaya itatalaga nila ang kanilang barangay captain para maghatid ng tulong pero dahil sa politika sa ibaba, iyong mga dapat matulungan ay hindi natutulungan at ang mga hindi dapat tulungan ang siyang nakakukuha ng biyaya.

Kapag naging gahaman ang mga barangay captain, hindi lang sila ang masisira kundi ang mga konsehal at mayor at nagagamit pa ang ganitong pagkakataon para pabanguhin pa ng local officials ang kanilang pangalan para maalala siya pagdating ng eleksyon.

Kaya tama ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang maghahatid ng tulong sa mga tao ay ang mga sundalo upang makarating ang dapat makarating sa mga mamamayan na walang labis at walang kulang.

Ang nangyayari kasi kapag ang local officials ang inaatasang maghatid ng tulong, hindi tugma ang halaga ng relief goods sa idinedeklara nilang gastos kaya hindi mo masisisi ang mga tao na mawalan ng tiwala sa kanila.

Kunwari, sasabihin ng mayor na ang bawat relief goods ay P1,000 pero kung kukuwentahin mo ang halaga ng laman ng bag na ipinamigay ay aabot lang ng P300 kaya marami ang ayaw magtiwala.

Posibleng totoo na ganyan ang halaga ng budget na inilabas ng mayor pero pagdating sa ibaba ay binawasan ng kapitan o kung hindi man ay binawasan ng kanyang mga tao kaya talagang magrereklamo ang mga tao.

Marunong nang magkuwenta ang mga tao at hindi mo na sila maiisahan lalo na kung ganitong panahon ng krisis na kailangan nila ang tulong pero imbes na kumpleto ang tulong na matatanggap nila ay kinukupitan pa.

Madali nang magreklamo ngayon dahil sa social media. Halos lahat na ng mga tao ay may cellphone na may camera na at konektado na sila sa internet (kahit mahina) kaya naipo-post na nila ang kanilang mga hinaing.

Oo nga pala, ang barangay officials din pala ang inaatasan na magsumite ng pangalan ng pamilyang dapat bigyan ng tulong pinansyal mula sa national government.

Dapat suriing mabuti ang listahan dahil baka inilista diyan ang lahat ng miyembro ng pamilya. Ang usapan, bawat pamilya, isang miyembro lang ang makakukuha. Kailangan magkalinawan sa usapang iyan.

 

Read More

CASH O FOOD PACKS, DSWD, ANO BA TALAGA?

PUNA

BAGAMAN ilang araw na lang bago sumapit ang itinakdang pagtatapos ng enhanced community quarantine sa buong Luzon sa Abril 12, 2020,  marami pa ring reklamo sa distribusyon ng P5K-P8K na tulong pinansiyal ng pamahalaan.

Maging sa mga namimigay ng form para sa special amelioration project ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay hindi malinaw sa mga ito kung sino ang dapat mabigyan.

Kaliwa’t kanan ang natatanggap na reklamo ng PUNA mula sa iba’t ibang lugar dahil hindi sila binibigyan ng form.

Ilan din sa mga nangangasiwa sa ipinamamahaging form ay pinipili lang ang binibigyan lalo na iyong mga nakarehistro sa barangay.

Marami sa nabigyan naman ang nais na umatras dahil sa napakaraming hinahanap na requirements para maging kuwalipikado sa benepisyong P5K-P8K na ayudang ipinamimigay ng DSWD.
Updated po ang PUNA sa press briefing na isinasagawa ng Inter-Agency Task Force (IATF) gayunman, maging tayo ay nalilito sa magkakaibang sinasabi nina DSWD Spokesperson Irene Dumlao

at DSWD Secretary  Rolando Bautista sa pamamahagi ng perang ayuda.
Si Dumlao ay nagsabing P3K lang ang cash at ang P5K ay ‘in kind’ na ibig sabihin ay grocery items para mabuo ang P8K para sa mga taga-National Capital Region (NCR) pero iba naman ang

sinasabi ni Bautista na P5K-P8K cash ang kanilang ipamamahagi.

Paano ngayon magiging maayos sa ibaba kung mismo sa pamunuan ng DSWD ay magkakaiba ang kanilang sinasabi kaugnay sa pamamahagi ng perang ayuda?.

Bakit naging iba ang sinasabi ng tagapagsalita ng DSWD (Dumlao) sa kanyang boss (Sec. Bautista)?

Kaya ngayon sa nasa ibabang mga empleyado na namimigay ng form ay sinasabing ang iba ay cash ang iba ay pera.

Linawin n’yo rin ang sinasabi n’yong informal at formal sectors na dapat bigyan ng P5K-P8K dahil ngayon ay inuulan ng tanong ang PUNA  mula sa aking mga suking mambabasa tungkol dito.

Dapat iulat n’yo rin kung hanggang ilan na ang inyong nabigyan at sino-sino sila.

Isa pang malabo kung sino ang benepisyaryo ng food packs na ipinamimigay ng DSWD.

Bago pa man maapruban ang P5K-P8K ay namimigay na ng food packs ang DSWD.

Marami sa mga nagrereklamo sa PUNA na hindi sila nabigyan ng grocery mula sa kani-kanilang mga barangay at Local Government Units (LGUs) ay nagsabing hindi rin sila binibigyan ng form

para sa ayudang pera mula sa DSWD.

Ang mga lugar na tinutukoy natin na may mga reklamo ay ang Valenzuela City, Quezon City, Caloocan City at maging sa San Julian, Eastern Samar.

Nagrereklamo rin ang mga nangungupahan sa apartment at mga nakatira sa mga subdibisyon na hindi sila binibigyan ng ayuda, pera man o grocery items.

Sabi nila hindi po lahat ng mga nakatira sa mga subdibisyon ay mayaman.

Ilan sa kanila ay nangungupahan lang at umaasa rin ng tulong sa kanilang mga kamag-anak.

Marami ring mga manggagawa ang hindi pa nakatatanggap ng P5K ayuda mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Alam ng mga manggagawang sila ang tinutukoy ng gobyerno na informal sector na dapat kasama sa makatatanggap ng P5K-P8K ayuda mula sa DSWD.

May mga reklamo rin mula sa beneficiary ng 4Ps na hindi kumpleto ang kanilang natanggap mula sa nasabing ayudang pera.

Kamakailan, sinabi ni Sec. Bautista na ang mga beneficiary ng 4Ps ay makatatanggap ng ayudang cash at idadagdag na lamang ito sa kasalukuyan nilang tinatanggap na pera para mabuo ang P5K-

P8K.
Ang pamamahagi ng perang ayuda mula sa DSWD ay dalawang beses gagawin sa loob ng dalawang buwan.

Sana po maayos ng gobyerno ang mga hinaing na ito ng taumbayan.

Stay at home para po sa ating kaligtasan.

oOo

Para suhestiyon at reaksyon magemail joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com.

Read More

DAGDAG ALLOWANCE IBIBIGAY SA PUBLIC HEALTH WORKERS

MAKATATANGGAP ng karagdagang allowance ang mga public health worker na nasa frontlines na lumalaban sa coronavirus.

Ang mga health frontliner ay makatatanggap ng quarter ng kanilang basic pay bilang one-time special risk allowance bukod sa kanilang hazard pay, base sa Administrative Order No. 28.

“There is a need to recognize the heroic and invaluable contributions of our public health workers throughout the country, who bravely and unselfishly risk their lives and health by being at the forefront of the national effort to address the public health emergency,” ang nakasaad sa kautusan ni Pangulong Duterte.

Ang National government agencies, government-owned or controlled corporations, at lahat ng local government units ay pinapayagan na magbigay ng special risk allowance sa “public health workers who have great exposure to health risks and physical hardships in the line of duty, in light of the COVID-19 pandemic.”

Ang mga public health worker na eligible para sa special risk allowance ay ang medical, allied medical, at iba pang personnel na nakatalaga sa mga ospital at healthcare facilities, at iyong mga direktang nagsisilbi o may contact sa COVID-19 patients, persons under investigation o persons under monitoring.

Ito ay maaaring civilian employees na regular, contractual, casual o part-time positions, o manggagawa na konektado sa contract of service o job order kabilang na ang mga barangay health workers na nakatalaga sa mga ospital at iba pang healthcare facility. CHRISTIAN DALE

Read More

IATF nilinaw na isa lang kada pamilya ang bibigyan MANDADAYA SA CASH AID MANANAGOT

BINALAAN ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang mga pamilyang mandadaya makakuha lamang ng doble o tripleng cash aid mula sa pamahalaan bunsod ng Luzon-wide quarantine.

“It’s a per family basis, hindi po iyan per member of the family. Otherwise, magkukulang talaga at magkakadoble-doble,” ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Binigyang diin ni CabSec Nograles na ang mga “poorest of the poor” o low-income households ang dapat na iprayoridad sa probisyon ng pagbibigay ayuda ng national government.

Binalaan din ni CabSec Nograles ang mga lokal na komunidad laban sa “selective” o pagpili ng mga potential beneficiary.

“Kung may dayaan po tayong nakikita gaya niyan, isang bahay, tatlong social amelioration card or yung iba hindi pinayagan dahil hindi ninyo kaalyado, kung hindi kayo mahuhuli ngayon, mahuhuli rin kayo eventually,” ang babala ni CabSec Nograles.

Idinagdag pa niya na ang Department of Social Welfare and Development, Philippine National Police, at National Task Force on COVID-19, ay naka-monitor sa potential cases ng korapsyon at iba pang anomalya na may kaugnayan sa ipinamamahaging ayuda.

Samantala, ang Department of Labor and Employment ay magbibigay rin ng monetary assistance na P5,000 para sa daily wage earners at informal workers na nasa ilalim sa lockdown. CHRISTIAN DALE

Read More

DOJ TINIYAK ANG MABILIS NA AKSYON SA REKLAMO VS KOKO

SINIGURO ng Department of Justice (DOJ) na agad nilang aaksyunan ang reklamong inihain ni Atty. Rico Quicho laban kay Senador Koko Pimentel.

Sa pahayag ng DOJ, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na agad siyang magtatakda ng preliminary investigation sa reklamo.

Tiniyak din niya sa publiko na ipatutupad nila ang batas nang patas kahit ano pa ang estado o posisyon ng nasasakdal.

Nauna rito, pormal nang sinampahan ng reklamo sa DoJ ni Atty. Rico Quicho si Pimentel dahil sa umano’y paglabag sa quarantine protocol nang lumabas ito ng bahay kahit ikinokonsidera na bilang person under investigation (PUI).

Kamakailan, umani ng batikos sa social media si Pimentel matapos magtungo sa Makati Medical Center (MMC) para samahan ang manganganak na asawa.

Bukod dito, nag-grocery din ang senador at dumalo sa ilang pagtitipon.

Ayon kay Quicho, walang pagsisisi si Pimentel sa mga ginawa nito kaya dapat umanong mapanagot. DAVE MEDINA

Read More

ECQ EXTENSION DADAAN SA BUTAS NG KARAYOM

DADAAN sa butas ng karayom si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bago mag-anunsyo kung ie-extend o hindi ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon na magtatapos makalipas ang Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na sobrang hirap ang gagawing desisyon ng Pangulo sa usaping ito.

Aniya, hindi biro at hindi gawa-gawa lang kasi ang sitwasyon ng krisis dulot ng COVID-19 kaya’t kukuhanin ng Pangulo ang expert opinions bago magdesisyon.

Ang Luzon-wide quarantine ay nakatakdang magtapos sa Abril 13 ngunit may panawagan naman ang ilang government officials na palawigin ito ng dalawang linggo pa upang tuluyang mawalis ang virus.

‘Di ko po masasabi ngayon kung kailan nila ia-announce ang desisyon tungkol sa ECQ, pero makakasiguro kayo na sa desisyon na ito, papakinggan po ng IATF at ni Pangulong Duterte ang lahat ng experts bago makarating sa napakaimportanteng desisyon na ito,” ayon kay CabSec Nograles.

3,660 COVID-19 CASES

Hanggang kahapon ng alas-4 ng hapon, ang Pilipinas ay may 3,660 COVID-19 cases.

Sa ulat muna sa DOH, 414 ang naitalang panibagong kaso ng sakit sa bansa sa nakalipas na 24-oras.

Samantala, 11 pasyente ang nasawi kayat umabot na ang COVID 19-related deaths sa Pilipinas sa 163.

Kabilang sa mga pumanaw si Dr. Mary Grace Lim ng Asian Hospital and Medical Center.

Siyam namang pasyente ang nakarekober o gumaling sa virus dahilan para umabot ang total recoveries sa bansa sa 73. CHRISTIAN DALE

Read More