Sa bayan ng Noveleta, Cavite… BAWALA ANG NAKASIMANGOT

Cavite – Mahigpit na ipinapagbawal ang pagsimangot sa lahat ng empleyado ng munisipyo sa bayan ng Noveleta. Kasabay na pagpapaalala na iwasan ang pabili ng mga maluluhong kagamitan sa opisina at magarbong aktibidad.

Ito ang kauna-unahang executive order ng bagong Mayor ng Noveleta na si Mayor Davey Reyes Chua.

Ayon sa EO-No.1, s.2025, bukod sa pagngiti, mahigpit nitong pinag-utos sa lahat ng empleyado na maging magalang at magiliw sa lahat ng taong lumalapit at humihingi ng tulong sa munisipyo.

“Magbigay tayo ng tamang respeto sa bawat mamamayang,” ani ni Mayor Chua.

Idinagdag pa nito na iwasan ng lahat ng empleyado na magkaroon ng superiority complex o feeling na mas mataas sila sa taong-bayan.

Bilang panghuli, pinapaalalahanan din ni Mayor Chua na mag-suot ng naaangkop na kasuotan sa bawat opisina na sumasailalim sa katapatan, kababaang-loob at propesyonalismo.

Nakapaloob din sa EO na ito na lahat ng opisyal at empleyado ay inaasahan na kumilos ng mahusay na tutugon sa pangangailangan ng publiko. Ang kasanayang ito ay sumasailalim sa bagong administrasyon para sa tiwala ng publiko alinsunod sa batas.

“Dahil naniniwala ako na ang lahat ng opisyal at empleyado na pamahalaan ang siyang dapat magsilbonsa taong-bayan at hindi siya ang pagsisilbihan” pagtatapos ni Mayor Chua.

48

Related posts

Leave a Comment