Chua Brothers, nanguna sa survey sa Noveleta, Cavite

Noveleta, Cavite – NILAMPASO ng Team Unlad ang Team Aksyon sa pinakabagong survey ng Mavowe-Optima Marketing & Management Consultants Corp. na inilabas noong ikatlong linggo ng Abril ng kasalukuyang taon

Ayon sa Mavowe-Optima Survey, kung ngayon gaganapin ang eleksyon, kakain ng alikabok ang Team Aksyon dahil nakapagtala ang Team Unlad sa pangunguna ni Board Member Davey Chua ng 81% preference vote sa pagka-alkalde, laban sa 18% preference vote lamang ni Vice Mayor Arlynn Torres para sa parehong posisyon.

Habang si Mayor Dino Chua ay humakot ng 85% preference vote para sa pagka-bise alkalde, laban sa 14% preference vote naman ni Konsehal Ronel Lamit.

Samantala, ayon naman sa trust rating na isinagawa ng Mavowe-Optima, nakuha ng Chua brothers ang buong tiwala ng Noveleteño, na nagtala si Davey Chua ng 76%, habang humakot si Dino Chua ng 86%, malayong mataas kumpara sa 19% trust rating ni Arlynn Torres at 16% ni Ronel Lamit.

Ayon sa Mavowe-Optima, maituturing nang selyado ang eleksyon sa Noveleta dahil 84% ng supporters ni Davey at 87% ng supporters ni Dino ang nagsabing hindi na magbabago ang desisyon o kaisipan sa kanilang pagboto sa May 12, 2025 sa National and Local Elections.

Habang ang lokal na pamahalaan ng Noveleta ay nakapagtala ng 82% performance rating na nangunguhulugan lamang ng maganda at maayos na serbisyo at pamamalakad nito sa bayan ng Noveleta.

97

Related posts

Leave a Comment