NATURALIZATION NI KOUAME NG ATENEO BLUE EAGLES, ISINULONG SA SENADO

0

INIHAYAG ni Senador Sonny Angara na kanyang inihain ang isang panukala upang gawing naturalized Filipino si Angelo Kouame ng Ateneo Blue Eagles para matiyak na malakas ang koponang Pilipinas sa pagsabak nito sa 2023 World Cup.

Sa pahayag, sinabi ni Angara na layunin ng panukala na maging solido at mapagtibay ang koponan ng Pilipinas sa naturang torneo.

Ayon kay Angara, chairman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), may counterpart na ang Senate Bill No. 1982 sa Kamara, ang House Bill No. 5951 na inihain ni SBP Vice Chairman Rep. Robbie Puno ng Antipolo City.

Nauna rito, inendorso ni Angara ang agarang pagpapasok kay Kouame ng Ivory Coast sa Gilas Pilipinas kaakibat ng panukalang Philippine citizenship para rito.

“Nakita natin ang galing, husay at tagumpay ni Kouame bilang miyembro ng Ateneo Blue Eagles sa loob ng tatlong taon. At sigurado tayo na sa mga darating na panahon, mas magiging matindi pa ang kanyang husay sa laro. Hindi pa ito ang sukdulan ng kanyang talento kaya, dapat ay bigyan natin siya ng sapat na suporta,” ani Angara.

“Mula 2016, dito na nanirahan sa Pilipinas si Ange at nakikita natin sa kanya ang sinseridad na makatulong na paunlarin ang Philippine basketball,” dagdag pa ng senador.

Sa edad na 20, inaasahang mapapabilang sa naturalized players ng Gilas Pilipinas si Kouame at sa kalaunan ay maging miyembro ng national team at maging professional player sa darating na panahon.

Sa kanyang istadistika sa nakaraang Season 82 ng UAAP, makikita ang husay ni Kouame na nakapagtatala ng 12.5 points average; 11.8 rebounds; 2.9 blocks at 1.4 assists, na naging malaking bahagi ng 16-0 sweep ng Ateneo.

Matatandaan na sa mga nakaraang taon, ilang dayuhang manlalaro rin ng basketball ang sumailalim na sa naturalization.

Kabilang sa mga ito sina Marcus Douthit at Andray Blatche na kapwa nagbigay ng malaking tagumpay sa koponang Pilipino.

“Alam naman nating lahat na dumaranas ang buong mundo ng matinding pagsubok. At isa ang sports, partikular na ang basketball sa mga nagpapasigla sa atin. Ang NBA, kailan lang, nakapagtapos ng isang season kaya ibinabalik na rin natin ang PBA. Nakakatuwang makita muli ang Gilas Pilipinas na balik-aksyon, kasama ang mga manlalarong tulad ni Kouame. Malaking pag-asa ito sa estado ng Philippine basketball,” lahad pa ni Angara. (ESTONG REYES)

Read More

“Walang dapat ikahiya!”

0

ITO ang mensaheng ipinarating ni Pilipino-Amerikanong coach na si Erik Spoelstra sa mga miyembro ng Miami Heat, sa kanilang mga taga-sunod at sa media sa aniya’y bigong kampanya nila sa 2020 NBA.

Naging emosyonal ang malambot magsalitang si Spoelstra sa paglalarawan ng madawag na daang tinahak ng kanyang koponan sa NBA Finals bubble na natapos noong Linggo, kung kailan natamo ng Los Angeles Lakers ang kanilang ika-17 titulo.

Ang malayong agwat ng resulta ng Game 6 sa pitong larong serye ay hindi inaasahan ni Spo at ng kanyang mga manlalaro, bagamat ang pagiging pangalawang pinaka-magaling na koponan sa daigdig ay hindi rin matatawaran.

Pumanglima ang Heat sa regular season at walang umasa na papasok sila sa post season playoffs. Sabihin ng himala, nakuhang madala ni coach Spo ang koponan sa playoffs kung saan tinablahan pa nila ang Lakers sa panalo-talong record na 12-3 matapos walisin ang Indiana Pacers, 4-0, sa first round ng best-of seven.

Ang Milwaukee Bucks ang nangunang koponan sa regular season, 4-1, ganoon din ang Boston Celtics, 4-1.

Umabante ang tropa ni coach Spo sa Finals para katawanin ang Eastern Conference kontra Lakers, na binigo naman ang tangka Portland Trailblazers, Houston Rockets at Denver Nuggets para katawanin ang Western Conference sa Finals.

Ang pagkatalo ng Heat, para kay Spo na ang inang si Elisa Celino ay tubong San Pablo City, Laguna, ay hindi kailanman magiging batik sa layo ng kanilang inabot.

“These are going to be lifetime memories that we have together,” anang Fil-Am coach sa media nang sumalang siya sa tradisyonal na post game press conference.

“Regardless of whatever happens in the future, we’re going to remember this year, this season, this experience and that locker-room brotherhood for the rest of our lives,” wika niya. “You’re in this business to be around people like this. And I can go on and on.”

Pagtatapat ni Spoelstra, two-time NBA champion, kung paanong ang kanyang mga manlalaro, sa kabila ng mga pinsalang natamo, ay isinulong pa rin ang kanilang sarili sa laban, at ginawang halimbawa sina Bam Adebayo at Goran Dragic na hindi nakalaro ng ilang beses sa Finals.

“That’s how this group was,” ani Spoelstra na nangailangan pang punasan ang luha sa kanyang mga mata bago sagutin ang mga katanungan ng media. “They wanted to do it for each other. I’m just really bummed that we couldn’t find a way to get over the hump and finish the season with the win. That’s not to take anything away, though, from the Lakers,” paglilinaw niya.

“It was great to share this stage with them. Congratulations on the championship. They earned it. They earned it in this series.”

Pinasalamatan ni coach Spo ang lahat ng nasa likod ng liga sa tagumpay sa bubble na idinaos sa Lake Buena Vista sa Florida, sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“To be a part of something as historic as this to continue our season, we felt — we feel — honored and grateful that we were able to be a part of this,” sabi pa ng Heat head coach.

Read More

Bakit tinawag na Lakers ang 2020 NBA champion?

0
SPORTS FEATURE Ni EDDIE ALINEA

ALAM nyo ba kung ano ang kaugnayan ng “lakes” sa Lakers sa maaraw, mainit at tuyong Southern California at kahanga-hangang Hollywood?

Ang sagot sa ­katanungang ito ay WALA! Walang kaugnayan ang “lakes” o Lakers sa Estado ng California.

Ang Lakers ay isinilang kalahating kontinente ang layo sa Estado ng Minnesota, na ayon mismo sa kasaysayan ay tumutugon sa tawag na “Land of 10,000 Lakes.

Ang Lakers, samakatuwid, ay nagsimula sa malamig at maniyebeng kambal na siyudad (Twin Cities) ng Silangan at ­Gitnang Silangan ng Minnesota at ­DePaul sa ­huling bahagi ng 1940s ­hanggang 1950s. ­Panahong ang Los ­Angeles ay kilala lamang sa Rams ng ­National Football League, na lumipat mula sa ­Cleveland noong 1946 at Dodgers ng baseball mula sa Brooklyn noong 1958.

Mula noong 1960, ang Lakers ay naging bahagi ng pinaghalong East, Midwest Basketball Association of America at National Basbetball League na binuo matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Noon pa man ang ­Lakers ay laging nakapagpoprodyus ng mga dominanteng manlalaro gaya ni George Mikan, isang kahanga-hangang higante mula DePaul University na pinakamimithing makuha ng bawat koponan sa kolehiyo.

Si Mikan ang naging haligi ng unang dinastiya ng Lakers sa pro basketball.

Ang kanyang presensiya sa loob ng court ay sapat para ang fans ng hoop sport ay magbayad para makapasok sa stadium at mapanood siya ng personal.

Ang sentro na si Mikan ang unang nagpatunay na hindi lamang taas at laki ang puwedeng magdomina ng basketbol kundi maging ang talento.

Unang tinanghal na hari ng propesyonal basketbol ang Lakers dahil kay Mikan nang bigyan niya ang prangkisa ng Minnesota ng limang kampeonato, sa tulong ng mga kasamang sina Tony Jaros, Jim Pollard, Don Carlson at Mike Bloom, at coach na si Johnny Kundla.

Nang lumipat ang ­Lakers sa Los ­Angeles, dala nila ang lahat ng sangkap na angkop sa mala-pelikulang ­Hollywood, kabilang ang magagaling sa opensa na mga manlalarong sina Elgin Baylor at Jerry West, isang All-American guard galing West Virginia.

Isang dosenang taon, makaraang lumipat sa West Coast, ang hinintay ng Lakers bago sila nanalo ng unang korona sa NBA.

Nangyari ito nang makuha nila ang matangkad na si Wilt Chamberlain, ang pinaka-talentadong big man noon sa sport ng basketbol.

Sinundan ito ng isa pang Goliath na si Kareem Abdul-Jabbar, isang All-American buhat sa UCLA (University of California-Los Angeles).

Nagkataon lamang marahil na nang makamit ng Lakers ang pangalawa nilang paghahari sa sport ay dumating si Earvin Johnson, isang 20 anyos na may ngiting nakahahawa at ang husay bilang court general ay naging basehan para siya binyagang “Magic” sa daigdig ng basketbol.

Nagpatuloy ang “Showtime at the fabulous Forum” sa presensiya nina Magic at Kareem noong 1980s, na sinundan ng tambalang Kobe Bryant at Shaquille O’Neal noong 1990s hanggang noong unang dekada ng 2000s.

At makaraan ang 10 taong pagkatuyot sa titulo ay dumating naman si LeBron James na bitbit si Anthony Davis ay ­inaasahan ng marami na ­maghaharing uri para sa susunod na imperyo ng Lakers.

Read More

Mula sa pagiging ‘homeless’ hanggang maging NBA superstar

0

GANITO ang kasaysayan ng buhay ni Jimmy Butler bago naging NBA superstar.

Sa murang edad na 13, si Butler ay pinalayas mismo ng kanyang ina sa kanilang tahanan at nabuhay na palaboy.

Lumaki si Butler sa isang maliit na bayan sa labas ng Houston na walang nakilalang ama.

Kung hindi ninyo alam ang kanyang istorya, malamang na ang iisipin ninyo ay kung paano siya pinalaki ng kanyang ina para marating ang kinalalagyan niya ngayon.

Sa isang banda, maaaring ganoon nga.

Pero hindi sa paraang inaasahan ninyo.

Bago siya pinaalis ng kanyang ina sa kanilang tahanan ay pinabaunan pa siya ng mapait na salitang: “I don’t like the look of you. You gotta go.”

Sa maraming taong lumipas, nagpalipat-lipat si Butler ng matitirhan, mula sa bahay ng isang kaibigan hanggang sa isa pa … at isa pa… Nang sumapit siya sa tamang edad, ang ina ng isa niyang kaibigan na may pitong supling ay inampon siya.

“They accepted me into their family, and it wasn’t because of basketball,” ani Butler patungkol sa ginang na nagngangalang Michelle Lambert. “She was just very loving. She just did stuff like that. I couldn’t believe it.”

Si Butler ay isang ‘di kilalang manlalaro ng kanyang eskuwelahan (two-star guard na may ranggong pang-73 sa Texas).

Mula sa hamak na kalagayang iyon, napasama si Butler sa NBA draft (kahuli-hulihan sa 1st round). Naging NBA Most Improved Player at naranasan pang makasama ni Michael Jordan sa ilang shooting exhibition.

Pero huwag kayong maawa sa kanya. Ayaw na ayaw niyang kaawaan siya.

Hindi sa dahilang ­mayaman at sikat na siya ngayon, kundi dahil na rin sa mga hirap na pinagdaanan niya sa buhay.

Galit si Butler sa kasaysayan niyang iyon.

Kinasusuklaman niyang matawag na “homeless,” na ayon sa kanya ay “blown “out of proportion” sa maraming pagkakataon.

“I was not living under a bridge. Or standing on the corner asking for change,” pagtatangol niya sa sarili. “That’s not what it was. I’m not going to say it was the easiest of times, don’t get me wrong, but I had a home. Or homes.”

“Me and my family are on great terms now,” sabi niya tungkol sa kanyang tunay na ina na nakasama niya noong nakaraang tag-araw sa bayan nila sa Tomball. “I’m good. I’m OK.”

Hindi siya naniniwala sa nangyari sa buhay niya sa Tomball, kung saan nahubog siya para maging NBA All-Star shooting guard noong naglalaro pa siya sa Chicago Bulls hanggang mapabilang sa Miami Heat ngayon.

“I would call it the step before a new beginning,” anang bagong Jimmy Butler. “I’m not going to say this is the beginning. This is the step right before.”

“Please, I know you’re going to write something. I’m just asking you, don’t write it in a way that makes people feel sorry for me,” kabilin-bilinan ni Butler sa panayam ng ESPN bago napunta sa

Miami sa pagsisimula ng 2020 season. “I hate that. There’s nothing to feel sorry about. I love what happened to me. It made me who I am. I’m grateful for the challenges I’ve faced. Please, don’t make them feel sorry for me.”

Read More

Thrilla in Manila: Handa ko nang patawarin si Clay – Frazier

0

SPORT FEATURE Ni EDDIE ALINEA

NOONG gabi matapos niyang maipagtanggol ang pandaigdig na ­kampeonato sa heavyweight laban kay Joe Frazier sa pamamagitan ng TKO sa ika-14 na round sa Philippine Coliseum sa Maynila noong Oktubre 1, 1975, buong pagpapakumbabang ipinahayag ni Muhammad Ali na tinatapos na rin niya ang limang taong hindi nila pagkakasundo.

Sa anak ni Frazier na si Marvis niya ipinarating ang paghingi ng tawad sa mga pang-iinsulto, panlalait at paghamak sa pagkatao ng karibal at dating kampeong si Smokin’ Joe.

“Tell yor dad the things I said, I really didn’t mean,” bilin niya kay Marvis na kanyang ipinatawag sa kanyang silid bihisan habang kausap niya ang mga miyembro ng media.

Pagkarinig sa sinabi ng dating kaibigan ng ama, agad itong tumakbo patungo kay Frazier para ihatid ang mensahe ni Ali.

Maliban sa pagsassabing: “Tell that to me personally himself,” wala nang iba pang sinabi ang challenger, habang patuloy si Ali sa pagpuri kay Frazier.

Ang katotohanan, sa isang panayam sa ­kolumnistang ito noong bisperas ng sagupaan, nagpahayag si Frazier na handa na niyang patawarin ang kampeon.

Ang inyong lingkod noon ay sports editor ng Philippines News Agency at nahirang para tumayong press liaison officer ni Frazier sa trilogy nila ni Ali.

Sa aming pag-uusap, minsan pang ipinakita ni Frazier ang tunay niyang pagkatao – mapagpatawad at may malambot na puso.

Sinabi niyang hindi siya maaaring mabuhay ng habang panahon na may galit kaninuman, kaya’t handa niyang kalimutan ang lahat ng pang-aapi at pag-aalipustang ipinalasap sa kanya ni Ali sa limang taong singkad na digmaan nila – kung sino ang mas magaling na boksingero.

“There’s a lot of ­animosity at this particular time. But I’m a guy who couldn’t go ­hating a man for the rest of my life,” wika ni Frazier sa 40 minutong panayam namin sa kanyang silid sa Hyatt Regency Hotel (ngayon ay Midas Hotel) kung saan siya tumira habang nasa Maynila.

“As long as we have nothing going on, he can make a lot of bad statements about me, sure.

But I’m a good man.

I don’t think good man can walk around with a lot of hate in his heart,” aniya.

“When a guy says things that are wrong to me, I don’t think I can’t forgive him,” wika ni Frazier na tinukoy ang isang malungkot na pangyayaring namagitan sa kanila, isang araw habang siya’y naghahanda sa itinakdang 15-round bout nila na tinawag na “Thrilla in Manila.”

Gayunpaman, nakiusap siya na huwag nang isulat ang pagyayaring iyon dahil hindi naman kailangan.

“It doesn’t bother me anymore. I think my man is afraid of me. He’s been watching me train for the last two or three days and he had people moving within my training camp ever since we were in Philadelphia. He’s just not quite sure of himself,” dugtong ni Frazier.

Sa pagtawag sa kanya ni Ali na “gorilla,” ­nakangiting patuloy ng naging katulong sa slaughterhouse sa bayang sinilangan niya na North Carolina: “All men are supposed to come from the same ancestors. And if I am a gorilla, then probably there was some foul play somewhere down the line.”

Read More

Thrilla in Manila: Pagkatapos ng laban, tapos na rin ang away

0
SPORT FEATURE Ni EDDIE ALINEA

NOONG gabing natuldukan ang limang taon at tatlong labang serye sa pagitan ni heavyweight champion Muhammad Ali at ni dati ring kampeong Smokin’ Joe Frazier, nagpahayag si Ali na tapos na ang “digmaang” namagitan sa kanilang ­dalawa.

Ang mga salitang binitiwan ni Ali, pagkaraang maipagtanggol ang kanyang korona sa pamamagitan ng 14th round TKO, pagpasok pa lamang sa kanyang silid bihisan ay naging hudyat na magiging tahimik na ang mundo nila mula noong araw na iyon.

“We went to Manila, Joe and me, as champions, and we came back as old men,” sabi niya sa mga miyembro ng media.

Inihagis ang tuwalya ng trainer-manager ng natalong si Frazier, si Eddie Futch, sa gitna ng parisukat na lona makaraan ang 14 na yugtong bugbugan bilang senyales na isinuko nito ang laban.

Paliwanag ni Futch, ginawa niya iyon upang maiwasan ang tuluyang pagkabulag ng kanyang ­estudyante na aniya’y halos hindi na nakakikita.

Halos sumuko na rin ang kampeon matapos ang 10 round na nakalaylay na sa lubid at gusto na ring magsabi sa kanyang trainer na si Angelo Dundee para itigil na ang laban.

“I always bring out the beast in the men I fight, but Joe Frazier, I’ll tell the whole world right now, bring out the best in me.

That’s one heeluva man, and God bless him,” deklara ni Ali na nagsilbi sanang musika sa pandinig ni Frazier kung narinig lamang ng ­challenger ang mga pangungusap nito.

“I’m happy there are no more Joe Frazier to fight. I will never call him gorilla again,” pangako ni Ali habang ipinatawag ang anak ni Frazier na si Marvis.

“Tell your dad the things I said, I really didn’t mean,” bilin niya kay Marvis na agad namang tumakbo patungo sa silid bihisan ng ama para ihatid ang mensahe ng kampeon.

“Tell that to me personally himself,” ani Smokin’ Joe sa anak.

Binalingan din agad nito ang mga nakikinig at nagsabing: “Man, I hit him (Ali) with punches that’d bring the wall of a city. Lawdy … Lawdy …he’s a great champion.”

Sabay-sabay na lumisan si Frazier at ang media sa Philippine Coliseum (Araneta Coliseum) matapos ang kuwentuhan, patungong Hyatt Hotel kung saan siya pansamantalang nakatira at magdamag na hinandugan ng mga awiting siya mismo ang humiling.

Kasama sa naturang piging sina Games and Amusements Board chair Luis Tabuena at kalihim ng agrikultura Arturo “Bong” Tangco.

Samantala, si Ali ay isinugod sa ospital matapos ang laban para magpagamot bago dumating sa victory party na inihandog sa kanya ni Unang Ginang Imelda Marcos sa Palasyo ng Malakanyang.

Kinabukasan ng umaga sa kanyang suite sa Manila Hilton, inamin niya sa mga reporter na umihi siya ng dugo mula pa nang matapos ang laban.

“Everything in me is on flame,” aniya habang ipinakikita ang namamagang mga kamay na hindi niya maitikom.

“What’s this man do to me? Why did I do this? Couple of times like I was leaving my body. The animal (Frazier) could have killed me. That man weren’t human in there. I must be crazy for what?

This is it for me. It’s over,” sabi pa ni Ali.

Read More

Thrilla In Manila: More than a fight

0

MULA noong lumabas siya sa kanyang lungga makaraan ang kanyang suspensiyon dala ng pagtangging magsilbi sa military, halata ang naging pagbabago ni Muhammad Ali sa kanyang pananaw sa buhay.

Nang siya’y pahintulutang makabalik sa boksing, makaraan ang tatlong taong sapilitang pagpapahinga at napatulog si Jerry Quarry sa City Auditorium ng Atlanta noong Oktubre 26, 1970, kinakitaan na ng pagbabago si Ali, nagmatyur sa pisikal at pagiisip. Ang kanyang dilang dati ay matalim ay lumambot.

Napansin ito sa mga sumunod niyang laban kina Chuck Wepner, Ron Lyle, Joe Bujgner at George Foremen, nang mabawi niya ang korona sa heavyweight para maging pangalawang boksingero lamang na nakuha ang titulo ng dalawang beses.

Natuto siyang kumatha ng mga salitang “Rope-A-Dope na ginamit niya laban kay Foreman, “Mirage” at “Russian Tank.”

Noong huling kabanata ng kanyang limang taon at tatlong laban kay Smokin ‘ Joe Frazier sa Mayila noong Oktubre 1, 1975, tinawag niya ang mahigpit na karibal sa pangalang “Gorilla,” na ‘di na nabura sa isipan ng fans sa boksing at sports sa pangkalahatan.

Sa unang paghaharap nila ni Frazier noong 1971 sa New York kung saan ay nakatikim siya ng kauna-unahang pagbagsak sa lona at kauna-unahan ding pagkatalo, lumabas ang ‘di nila pagkagusto sa isa’t isa, bagamat kinakitaan din ng paggalang sa bawat isa.

Matapos ang ikalawang pagtutuos, tumabla si Ali na lalong napagtindi sa kumpiyansa nila sa sarili at isiping ang Super Fight III o Thrilla in Manila ay magiging klasiko, na siya namang nangyari.

Ang pangatlo nilang pagkikita na nangyari sa Pilipinas ang nagpakilala kina Ali at Frazier kung ano talaga ang kanilang pagkatao.

Kung sino sila.

Ang malaki nilang puso na hindi sumusuko.

Ang huli nilang pagtatagpo na tinagurian ding Fight of a Lifetime, ang lumabas na pinaka-brutal, pinaka-malupit at pinaka-madugo sa lahat ng trilohiyang naganap at ­gaganapin pa.

Wika nga ng bantog na mamamahayag na si Red Smith, isa sa mahigit na 300 mediamen na dumating sa bansa para magkober ng laban: “You’re lucky to have this fight happen in your country.

You have to thank your government, President (Ferdinand) Marcos for bringing the fight here.

“No other third world country, if any, could ever duplicate the pride the two protagonists had been able to generate in their three-fight saga,” wika ni Ginoong Smith sa reporter na ito sa dapat ay victory party na nauwi sa pasasalamat ni Frazier sa media sa Hyatt Hotel noong gabi matapos ang laban.

Ayon naman sa iba pang mediamen, ang Ali-Frazier III ay mahigit pa sa laban ng dalawang boksingero.

Nagkakaisa sila sa pagsasabing ang naturang sagupan ay hindi na makakalimutan sa

mundo ng boksing kailan pa man.

Read More

Puno ng drama na “Thrilla In Manila”

0
SPORTS FEATURE Ni EDDIE ALINEA

NGAYONG araw na ito, 45 taon na ang nakalilipas, naganap sa Maynila ang huling kabanata ng ­trilogy sa pagitan ng nagtatanggol na kampeong pandaigdig sa heavyweight na si Mumammad Ali at ang humahamong si Joe Frazier.

Noong ika-1 ng umaga ng Oktubre taong 1975 nagsagupa ang mahigpit na magkaribal na si “The Greatest” Ali at “Smokin” Joe sa 15-round na bugbugan sa harap ng 32,000 manonood sa Araneta

Coliseum (bininyagang Philippine Coliseum para lamang sa naturang pagtutuos).

Kabilang sa mga saksi sa brutal at madugong ­paghaharap ang mga numero unong tagahanga ng dalawa na sina ­Pangulong Ferdinand Marcos at Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos.

Si Ali at si Frazier, dati ring kampeon, ay ­dumating sa lugar ng labanan sa magkahiwalay na itim na Mercedes Benz, tinahak ang halos walang lamang mga kalye mula Maynila patungong Cubao, Lungsod Quezon – senaryong makikita muli, makaraan ang ilang dekada, tuwing nagtatagumpay ang ­ipinagmamalaki ng bansa na si eight-division champion Manny Pacquiao.

Idineklara ni Pangulong Marcos na pista opisyal ang araw ng pagtutuos nina Ali at Frazier upang mas maraming Pilipino ang makapanood ng tinawag na “Thrilla In Manila” at Super Fight III.”

Kaya hindi pa naipakikilala ang magsasagupa sa ibabaw ng ring ay panalo na ang Thrilla!

Sa kabila ng pinalamig na bagong kabit na air condition ang arena, mainit pa rin ang pakiramdam sa loob dahil halos SRO (standing room only).

Nauwi sa tatlong yugto ang labanan nang si Ali, gaya ng nakaugalian, ay nagsimula na parang nasusunog na bahay sa unang limang round samantalang ang challenger ay parang buldoser na umatake sa sumunod na limang round.

Ang naiwang huling apat na kanto ang nagpasiya kung sino ang mas superyor sa dalawang pinakamagaling na heavyweight sa ibabaw ng lupa.

Ngunit maging ito ay pinaghatian nina Ali at Frazier.

Malupit ang naging palitan ng mga suntok na tila baga’y wala nang darating na bukas. Nang mapawi na ang usok ng sagupaan sa ika-14 na round, ang manager-trainer ni Smokin Joe na si Eddie

Futch ay nagpasiyang nasaksihan nang lahat ng mga manonood ang dapat nilang makita.

Ang kanyang estudyante, sa isip ni Futch, ay nakatanggap na ng sapat na parusa kaya dapat nang ihinto ang laban sa pamamagitan ng paghahagis ng tuwalya na tanda ng pagsuko. Ito’y sa kabila

ng pagtutol, siyempre, ng may dugong mandirigmang si Frazier.

Subalit sa ganoong pagkakataon, si Futch ang namalaging may hustong kaisipan at boses sa pagwiwikang: “Joe, I’m going to stop this,” dinig ng maraming nasa ringside kabilang ang media habang si Joe ay nakaupo sa kanyang stool.

“No, Eddie, no. Don’t do this me,” sigaw na protesta ni Smokin’ Joe sa halos hindi maintindihang tinig. Nagpatuloy ang pagsusumamo ni Frazier.

Pero tulad ng mga naunang pagkakataon sa napakatagal niyang pagiging ama ng kanyang alaga, alam ni Futch ang ginagawa niya.

Sa isang malumanay na tinig ay binigkas ito ni Eddie: “Sit down, son. It’s all over. The world will never forget what you did here today.”

Sa kabilang dako ng ­parisukat na lona ay nandoon si Ali, duguan din at naghahabol ng hininga, ­subalit nagdiwang nang marinig na inihagis na ng kabilang kampo ang tuwalya. Kumulapos sa

kanyang bangko si Ali na animo’y tinamaan ng bala mula sa isang sniper.

Sa loob ng kanyang dressing room, inamin ng kampeon na kung si Frazier ay tumugon sa tunog ng bell, hudyat ng ika-15 round, siya na ang magpapatigil ng kanilang sagupaan.

“It was like death. The closest thing to dyin,’ that I know,” bulalas niya.

Pagkababa sa ring, halos hindi makagulapay kapwa ang dalawang ­boksingero. Si Ali ay ­akay-akay ng dalawa niyang staff patungo sa dressing room.

Lumuluha si Joe nang pumasok sa kanyang silid-bihisan samantalang inaalo ni Futch.

Nang tanungin ni Bob Goodman, ang press ­liaison ni promoter Don King, kung kaya pa ni Joe na makaharap ang media para sa tradisyunal na post fight press conference, agad tumayo ang natalong challenger patungo sa lugar ng presscon.

Kasunod nito ay nagtungo si Goodman kay Ali para tanungin kung puwede siyang dumalo sa presscon. Pasigaw na sumagot si Drew Brown, isa sa mga alalay ni Ali: “You insane? Look at him!” sabay turo sa kanyang amo na nakalupasay sa sopa, halos hindi makakilos.

“Joe’s already there,” sagot ni Goodman na pagkarinig ng kampeon ay saka lamang tumayo para makisalamuha sa press.

Read More

Pagsasaayos sa Ali-Frazier III pinuri ng magkabilang kampo

0

SPORTS FEATURE Ni EDDIE ALINEA

HANDA na ang lahat. Tapos na ang mga dapat tapusin. Tahimik na ang lahat, maliban sa nagtatangol na kampeong si Muhammad “The Greatest” Ali na patuloy pa rin sa panlalait sa humahamon sa kanyang si Smokin’ Joe Frazier.

Ang lugar na pagdarausan ng pagtutuos, ang huling kabanata sa labanang Ali-Frazier na tinawag na “Thrilla in Manila,” o “Super Fight III,” o “Fight of a Life Time,” ang Araneta Coliseum, na ­bininyagang Philippine Coliseum, ay handa na rin.

Maghaharap ang ­dalawa upang pagpasiyahan kung sino sa kanila ang tunay na hari ng heavyweight sa daigdig sa ika-1 ng Oktubre, taong 1975.

Ang dalawang nilalang na namumuno sa magkabilang kampo – si Angelo Dundee, trainer ni Ali, at si Eddie Futch, trainer-manager ni Frazier, ay kapwa nagpahayag ng kasiyahan na naayos nang lahat para sa pagtutuos ng dalawa sa pinakamagagaling na heavyweight sa balat ng lupa.

Ang imported na Everlast ring ay naikabit na sa loob ng arena na ­pag-aari ng pamilya Araneta sa Cubao, Quezon City.

“This is a fine arena for the staging of the world heavyweight title fight,” nagkakaisang opinyon nina Futch at Dundee pagkakita sa kondisyon ng coliseum matapos nila itong ­inspeksyunin sa presensya ni GAB chair Luis Tabuena, na tumayong co-promoter ni international matchmaker Don King.

“All the needed improvements that we suggested during the first time we inspected the place have been followed to the letter,” dagdag nina Dundee at Futeh. “We couldn’t ask for more.”

Kapwa pinuri ng dalawa ang lahat ng nagawa ng organisador ng laban sa arena, sa sentro ng lahat ng aktibidades sa Philam Life building at sa Bayview Plaza, Manila Hilton, at sa Fok Arts Theater kung saan ang dalawang boksingero ay nagdaos ng kanilang ­paghahanda.

“We’ve gone to many countries before, but definitely, the arrangements here in Manila are very admirable.

You’re, indeed, way ahead of time in terms of organizing events of this size and magnitude,” anila.

Pinasalamatan din ng dalawa ang pamahalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos sa pagsasabing: “The governmet had really left no stone unturned in its efforts to make the event a truly successful one.”

“Fantastic, very efficient,” dugtong ni Futch na inaming nasa Maynila siya ilang dekada na ang nakararaan.

“Your people are very thorough in performing their job. They do things just right like before.”

Ang Araneta Coliseum ay naitayo sa ­malaking lupaing pag-aari ng pamilya Araneta sa Cubao, Lungsod Quezon na bahagi ng Kalakhang Maynila.

Ang coliseum ay may kapasidad na 27,000 upuan o standing room only (SRO) na 32,000.

Ito ay inumpisahang gawin noong 1958 bilang tugon ng pamilya sa panawagan ng marami para sa isang makabagong cultural, sports at entertainment venue kung saan ay puwedeng magtanghal ng local at internasyonal na pagtatanghal sa murang halaga lamang.

Si J. Amado Araneta, isang kilalang businessman-sportsman ay isang taong may progresibong kaisipan sa kanyang pagpapagawa ng Araneta Colisum.

Pinasinayaan ang coliseum noong ika-15 ng Marso sa laban ni local boy Gabriel “Flash” Elorde at ni Harold Gomez para sa world junior-lightweight title, kung saan naaagaw ng Pilipino ang korona sa pamamagitan ng 7th round knockout.

Apat na buwan makalipas ang Ali-Frazier fight, ang Araneta Coliseum ay nagsilbing opisyal a tahanan ng Philippine Basketball Association, ang kauna-unahang liga propesyonal ng basketball sa buong Asya na ipinanganak din noong 1975.

Read More