BOC REVENUE COLLECTION TATAAS PA DAHIL SA ITINATAG NA PCAG   

BOC-REVENUE

Inaasahang lalo pang tataas ang revenue collection ng Bureau of Customs (BOC) makaraang maitatag ang Post Clearance Audit Group (PCAG).

Sa isinagawang institutional transformation effort ng BOC alinsunod  na rin sa Customs Administrative Order (CAO) No. 01-2019, ang Post Clearance Audit (PCA) functions ng Customs ay opisyal nang itinatag sa ilalim ng PCAG.

Nasa ilalim ng pamumuno ni Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla ang PCAG.

Sinabi ni Maronilla, layunin ng PCA na pataasin ang ‘trade facilitation, encouraging voluntary disclosures and protecting government revenue through compliance audits of imported goods.’

Bukod dito, sinisikap ding pagsamahin ang non-traditional sources ng reve­nue para makalikom ng karagdagang revenue.

Target  din umano ng PCAG na makakolekta ng  karagdagang P2.5 bilyon o higit pa sa natitira pang mga buwan para maabot ang  P4 billion projected benchmark.

Kasabay nito, iniulat pa ni Maronilla na sa loob ng nakaraang anim na buwan mula sa reconstitution ng PCAG ay nakapagtala sila ng  karagdagang P1,448,989,881.05 reve­nue  collection.

Ito umano ang pinakamataas na collection na naipost ng dating Post Entry Audit Group.

“While the BOC has continually increased its collection efficiency and has seen increasing reve­nue collection growth since the start of the Duterte administration, much revenue is still needed,” dagdag  ni  Maronilla. (Boy Anacta)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment