P1-B PEKENG SIGARILYO NAKUMPISKA NG BOC

PEKENG SIGARILYO-3

UMABOT sa P1 bilyon ang halaga ng mga pekeng cigarilyo ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC_ Enforcement and Security Services (BOC-ESS) habang nasa 20 Chinese ang naaresto sa isinagawang pagsalakay sa isang bodega sa Nueva Ecija noong Sabado.

Armado ng Letter of Authority (LOA) na pirmado ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, sinalakay ng BOC-ESS ang target na bodegang pagawaan ng pekeng sigarilyo.

Kasama ng nasabing tanggapan ng BOC ang Cabiao Municipal Police Station, Criminal Investigation and Detection Group Region 3, Regional Mobile Force Battalion Region 3 at opisyales ng barangay nang salakayin ang bodega na nakumpiskahan ng 3 kahon ng pekeng stamp ng Bureau of Internal Revenue (BIR), iba’t ibang makina sa paggawa ng sigarilyo at filter, isang mixer, isang dryer at mga kagamitan sa paggawa ng pekeng sigarilyo.

Maliban sa 20 Chinese na pawang empleyado ng pagawaan, may 100 empleyadong PInoy ang inaresto ng mga awtoridad.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbentaryo ng mga nasabat na produkto ang BOC-ESS upang maihanda ang kaukulang kaso laban sa mga sangkot sa paglabag sa batas na may kaugnayan sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). (Joel Amongo)

Related posts

Leave a Comment