NEGOSYANTE, PULIS ITINUMBA SA MAYNILA

BARIL-7

PATAY ang isang negosyante at pulis makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa magkahiwalay na lugar sa Manila nitong Huwebes.

Sa Sta. Cruz, Manila, patay ang isang 33-anyos na negosyanteng babae matapos tambangan habang sakay ng kanyang motorsiklo nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Mary Grace Li y Sandoval, isang online seller at residente sa Sta. Cruz, Manila.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek na mabilis na tumakas.

Batay sa ulat ni Det. Richard Escarlan, bago mag-alas-4:00 ng hapon nang mangyari ang pamamaril sa panulukan ng Claro M. Recto Avenue at Tomas Mapua St. sa Sta. Cruz.

Sa report ni Det. Escarlan, habang binabaybay ng biktima ang Tomas Mapua St. lulan ng kanyang motorsiklo nang sundan siya ng riding in tandem at pinagbabaril.

Samantala, sa Malate, Manila, hindi umabot nang buhay ang isang 47-anyos na pulis makaraang pagbabarilin ng dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo kamakalawa ng gabi sa loob ng restaurant.

Kinilala ang biktimang si P/Staff Sergeant Roel Orihuela y Gohetia, ng 118 P. Zapanta St., Singalong, Malate.

Base sa ulat ni Det. Bernardo Cayabyab ng Manila Police District-Homicide Section, nangyari ang insidente bandang alas-8:45 ng gabi nitong Huwebes sa loob ng Arjurie Restaurant sa #2547 Arellano Avenue sa panulukan ng Don Pedro St., sa Malate.

Sa inisyal na imbestigasyon, abala sa panonood ng telebisyon sa loob ng nasabing restaurant ang biktima nang biglang dumating ang dalawang lalaki at pinaulanan ng putok si Orihuela. (RENE CRISOSTOMO)

 

Related posts

Leave a Comment