DUTERTE INUUNA PAMBU-BULLY

0

MULING gumanti ng banat si Senador Richard Gordon kay Pangulong Rodrigo Duterte na tinawag nitong “bully” kasabay ng paghamon sa Punong Ehekutibo na gawin na nito ang kanyang ‘worst’ laban sa kanya.

“Quite frankly, Mr. President, you are boring. Di ako natatakot sa inyo. Di po ako duwag. Do your worst, as you did with the ABS-CBN. Do your worst like what you did to senator who was elected by the people,” saad ni Gordon sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa iregularidad sa paggamit ng pondo ng gobyerno sa COVID-19.

“I know you will try to do your worst like you did with Speaker (Prospero) Nograles before, when you used ‘P.I.’ to a very very respected schoolmate from Ateneo,” diin ni Gordon.

“I’m not going to waste my time with you, Mr. President, because you’re no longer respectable as far as I’m concerned and as far as most of the Filipinos are concerned,” diin pa nito.

Sa kanyang pinakahuling public address, sinabi ni Pangulong Duterte kay Gordon na gagawin nito ang kanyang “worst” kung magpapatuloy sa pakikipaglaban sa kanya.

“Wala akong pakialam ‘di ako nagbigay ng pera sa’yo and as far as I’m concerned, Red Cross does not exist. You can create a controversy there or a crisis. I do not mind because I said I’m on the right track. Either you submit the auditing procedure or we quarrel. If we quarrel do your worst because I will do mine,” pahayag ni Duterte.

Nanindigan naman si Gordon na hindi siya duwag.

“Saktan ninyo na ako. Akala ninyo ba matatakot ninyo ako? Pinatay ang tatay, pinahirapan ang tatay ko. Ginagranada, inaabangan. You think matatakot ako sa isang nilalang? Takot ako sa Diyos. Takot ako sa tao pero hindi ako duwag, Mr. President,” diin ng senador.

“You’re a bully. And I’m sorry, Mr. President, but the Filipino people can fight back against bullies. Filipinos can have a revolution against bullies,” dagdag pa nito.

Muli ring binatikos ni Gordon ang Punong Ehekutibo na tinawag niya bilang “Attorney Duterte” sa pagtatanggol sa mga Chinese businessmen at mga appointees.

Kinuwestyon din ni Gordon ang paggamit ni Duterte sa kanyang regular public briefing upang batikusin siya, ang Senado at ang Philippine Red Cross.

“Atty. Rodrigo Duterte, instead of reporting to the people, spent the time of this government, the national television to lambaste the Senate and lambaste this person,” diin ni Gordon.

“Instead of talking about the pandemic, jobs and unemployment, he decided that he would try to demolish this person as well as even the society that I have religiously worked without pay for the last 53 years,” dagdag pa nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment