EXCISE TAX SA OIL PRODUCTS SUSPENDIHIN – IMEE

0

HINIMOK ni Senadora Imee Marcos ang Malakanyang na maglabas ng kautusan upang suspendihin na ang ipinapataw na excise tax sa produktong petrolyo sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo nito.

Kung sasapat naman, sinabi ni Marcos na maaaring ang Department of Finance (DOF) na lamang ang magpalabas ng kautusan.

“Kahit suspension ng excise taxes at VAT para sa PUV lamang at labis-labis na ang dagok sa mga TODA, jeep, atbp. To amend TRAIN so soon after its passage would be difficult and would just take too long!” diin ni Marcos.

Ipinaliwanag ng senadora na ang maaaring gawin ay katulad ng suspensyon na ipinatupad ng DOF sa PEZA.

“Strictly speaking, the executive cannot suspend the imposition of taxes. However, similar to what they did with the DOF suspensions on the PEZA matter, they can suspend levy of excise and VAT on petroleum,” paliwanag nito.

“Sure, we already flag the fact that this may raise constitutional questions – but how can anyone object to this compassionate rescue effort during a 20- month pandemic?” dagdag pa ng mambabatas. (DANG SAMSON-GARCIA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment