INDUSTRIYA NG PAPUTOK HIHIGPITAN NG SENADO

0

INIHAYAG ni Senador Roland “Bato” Dela Rosa na mas hihigpitan ng Senado ang regulasyon sa pagbebenta, pagmamanupaktura at paggamit ng anomang uri ng paputok upang mas maging epektibo ang umiiral na batas.

Sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs, sinabi ni Dela Rosa na sa kabila ng pagkakaroon ng ilang panukalang batas na may titulong “total ban”, ay wala pang panukala na nakasalang ngayon na naghihimok na tuluyang ipagbawal ang paggawa, pagbebenta o paggamit ng paputok.

Kasunod nito, ipinakita ni Dela Rosa sa komite ang ilang larawan ng mga doktor at nars sa mga pagamutan na gumagamot sa mga biktima ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon kabilang ang mga bumbero na inaapula ang sunog sanhi ng paputok.

Aniya, ito ang dahilan kung bakit naisabatas ang Republic Act 7183. “It was enacted to regulate the sale, manufacture, distribution and use of firecrackers and other pyrotechnic devices to ensure public safety, as well as for the ‘enhancement of cultural traditions’.”

“While this may be a good piece of legislation, there have been several appeals to Congress to revisit the twenty-eight (28) year old law, that it should effectively serve its purpose. Public health, public safety and environmental issues surround the proposed amendments to the law,” ayon kay Dela Rosa.

Sinabi ni Dela Rosa na noong unang taon ni Pangulong Duterte sa Palasyo, ipinalabas ang Executive Order No. 28 na pinapayagan ang paggamit ng paputok at iba pang pyrotechnic devices sa inilaang lugar ng local government units (LGUs) na pamumunuan lamang ng sanay at propesyunal.

“On the other hand, we are not discounting the role of firecrackers and other pyrotechnic devices in our Filipino tradition of celebration and festivities. Kaya naman po, ang mga panukala natin sa araw na ito ay nagmumungkahi na magkaroon ng designated place at trained individuals na magpapaputok nang ligtas. Katulad po ito ng taunang ginaganap na Philippine, International Pyromusical Competition na sinasalihan ng major fireworks makers galing sa iba’t ibang bansa,”ayon kay Dela Rosa.

Iginiit pa ni Dela Rosa na habang isinusulong ng komite ang epektibong regulasyon sa paggamit ng paputok at iba pang pyrotechnic device, hindi dapat kalimutan ang mga manggagawa na nakadepende sa pagbebenta nito. (ESTONG REYES)

Related posts

Leave a Comment