KAHIRAPAN, EKONOMIYA ‘DI PRAYORIDAD SA P4.506-B 2021 BUDGET

0

NADISMAYA nang husto si Senadora Leila de Lima sa ipinasang P4.506 bilyong badyet ng pamahalaan dahil pinabayaan ng kanyang mga kapwa mambabatas na hindi taasan ang pondo laban sa kahirapan, ayuda sa mga manggagawa, suporta sa mga negosyante at iba pa.

Sa ipinasang General Appropriations Bill (GAB) ng Senado noong Nobyembre 23 para sa P4.506 bilyong pondo na hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte na aprubahan ng Kongreso, idiniin ni De Lima na ang mga hakbang upang maresolbahan ang kahirapan at ang bumagsak na ekonomiya at masamang epekto nito sa mga manggagawa at sektor ng micro, small, medium enterprises (MSMEs), ay hindi man lang itinaas ang pondo.

Ang P4.506 bilyon ay pondong gagamitin ng pamahalaan para sa taong 2021.

Ayon sa mambabatas na pinuno ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Development: “Centerpiece to this year’s budget should be the poverty alleviation and social amelioration, along with the economic recovery program. However, it appears that the welfare component has taken a back seat to other programs of the government”.

“There is barely any change in the DSWD aid programs. There is less assistance for affected workers and Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs). The Pantawid Pamilyang Pilipino Program or the 4Ps has increased only by P5.3B, representing what is mostly increase in operating costs… We also need to address the needs of many of our senior citizens,” patuloy ng senadora.

Ang pinagdiskitahan nang husto ng mga mambabatas ay ang kuwestyonableng badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ngunit ang napabalitang ibinawas lang sa mahigit P613.7 bilyong pondo ng DPWH ay mahigit P63 bilyon, samantalang umabot sa P135.8 bilyon ang muling pinondohang proyekto ng DPWH (may pondo na para sa 2020, ngunit binigyan uli ng pondo para sa 2021) at P396.4 bilyon ang “lump sum” (mga proyektong walang detalye) na badyet ng nasabing kagawaran.

Idiniin ni De Lima, itinaas pa ang pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Office of the President (OP) kaysa pondong panggastos laban sa tuminding kahirapan at huminang ekonomiya dulot ng mga bagyo at hindi matapos-tapos na problema sa coronavirus disease (COVID-19). (NELSON S. BADILLA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment