Kung walang information campaign MASS VACCINATION MABIBIGO – MARCOS

0

NAGBABALA si Senador Imee Marcos na magdudulot ng malaking perhuwisyo ang mass vaccination program ng pamahalaan kontra sa COVID-19 virus kapag nagbulag-bulagan ito sa mataas na bilang ng mga Pinoy na nag-aatubiling magpabakuna.

Ayon sa senador, kailangang kumilos ang mga ahensya ng pamahalaan at kung walang masinsinang information campaign na gagawin ay mababalewala ang vaccination program nito.

“Ang dapat unahin ay kumbinsihin ang mga Pinoy na magpabakuna. Gamitin na natin ang panahon na naaantala ang bakuna at himukin ang lahat na magpaturok para sa kalusugan at kaligtasan ng ating mga pamilya at mga kaibigan. Dapat tayong agarang mabakunahan ng alin sa mga aprubado na ng FDA,” ani Marcos.

“Nababalisa ang marami dahil sa posibleng side effects pero minimal at bihira lang naman – ngunit mas mapanganib ang banta ng impeksyon dahil ito’y nakamamatay. Mabibigo ang kahit anong planong pagbabakuna kung 46% hanggang 47% ng mga Pilipino ang duda o ayaw sa kahit anong covid vaccine. Masasayang lang ‘yan kung walang masinsinang information campaign na gagawin!” dagdag pa nito.

Aniya, sinalubong ng mataas na tinatawag na vaccine hesitancy rate ng Pilipinas ang pagdating ng unang batch ng Sinovac mula China na halos 600,000 doses, habang humihingi rin ng iba pang pagpipilian ang mga health worker na may unang prayoridad sa pagbabakuna. (NOEL ABUEL)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment