PAGHAHATI SA MAGUINDANAO NAPAPANAHON

0

NANINIWALA si Senador Francis ‘Tol’ Tolentino na mas bubuti ang kalagayan ng ekonomiya at sitwasyong politikal sa Maguindanao kung ito’y hahatiin sa magkahiwalay na lalawigan.

Sinabi ni Tolentino, chairman ng Senate Committee on Local Government, hinog na ang panahon upang mahati sa dalawang probinsya ang Maguindanao upang mas mapabilis ang pasok ng mga pangunahing serbisyo na may kinalaman sa edukasyon, kalusugan, at transportasyon sa mga liblib nitong komunidad.

Si Tolentino ang pangunahing may akda sa Senado ng panukalang batas na layong hatiin ang nasabing probinsya sa ilalim ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)—ang Northern Maguindanao at Southern Maguindanao.

Paliwanag ng senador, bagama’t biniyayaan ng likas na yaman ang Maguindanao kabilang na ang Liguasan Marsh, hindi pa rin tuluyang makausad ang lalawigan tungo sa pag-unlad dahil sa ilang mga balakid na kinakaharap tulad na lamang ng seguridad.

Sa ilalim ng partition plan, 12 munisipalidad ang bubuo sa lalawigan ng Northern Maguindanao, samantalang 24 na bayan ang magiging kasapi ng Southern Maguindanao. (NOEL ABUEL)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment