PDu30 sa local leaders POLL INTEGRITY PROTEKTAHAN

0

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga lokal na kandidato ng kanyang ruling party, Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), na pangalagaan ang integridad ng 2022 national at local elections.

Ang panawagan ng chief executive ay bilang paalala na rin sa local bets ng PDP-Laban na sumunod sa prinsipyo at values ng partido, bago, habang at pagkatapos ng eleksyon sa Mayo 9, 2022.

Sa idinaos na proklamasyon ng mga lokal na kandidato ng PDP-Laban sa Iligan City, Lanao del Sur, tiniyak ng pangulo na kukunin nila ang buong suporta ng partido.

“It is my hope that all of you will stand by the PDP-Laban’s principles and aspirations throughout the campaign period and on election day and beyond. I urge you to ensure the integrity of the elections for your respective positions despite the challenges that you may face,” aniya pa rin.

Sinabi rin ng Pangulo sa mga lokal na kandidato na siguraduhin lamang na ang kanilang pangunahing layunin ay pagbutihin ang kalidad ng buhay ng mamamayang Filipino. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment