Protesta ni BBM halos isang taong ‘pinatulog’ sa PET MARCOS CASE KUMUPAD KAY AJ LEONEN

ISANG buwan na lang ay isang taon nang ‘natutulog’ ang electoral protest ni dating Senador Ferdinand Marcos II laban kay Maria Leonor Robredo sa Korte Suprema bilang Presidential Electoral

Tribunal (PET) mula nang mapunta ito kay Associate Justice (AJ) Marvic Leonen.

Naglabas ng “press briefer” nitong Setyembre 30 ang public information office ng Korte Suprema kung saan inihayag nito na nitong Setyembre 29 ay nagpasya si Leonen sa kaso ni Marcos.

Bilang pontente sa kaso, nagdesisyon si AJ Leonen na “ipasa” sa Commission on Election (Comelec) at Office of the Solicitor General (OSG) ang resolusyon ng PET na may petsang Oktubre 15, 2019 hinggil sa electoral protest ni Marcos laban kay Robredo.

Sentro ng protesta ni Marcos, o BBM, ang malawakang pandaraya na isinagawa ng kampo ni Robredo upang manalo ang huli bilang pangalawang pangulo ng bansa noong halalang Mayo 2016.

Kasama rin sa desisyon ni Leonen na bigyan ng kopya ng magkahiwalay na “memoranda,” o pananaw, ng panig nina Marcos at Robredo hinggil sa desisyon ng PET, o Tribunal.

Ayon sa ponente ni Leonen, magbibigay ng komentaryo ang OSG at Comelec hinggil sa resolusyon ng PET sa kaso.

Kailangang ilahad din ng OSG at Comelec ang kanilang pananaw sa magkahiwalay na memoranda nina Marcos at Robredo sa naturang resolusyon ng PET.

Dalawampung araw ang ibinigay ni Leonen sa OSG at Comelec kung saan hindi maaaring palawigin pa ito.

Kinatigan ng mga mahistrado ang desisyon ni AJ Leonen maliban kina Justices Edgardo delos Santos at Priscilia Baltazar-Padilla na kapwa naka-leave, banggit ng PIO ng mataas na korte.

Napunta kay Leonen ang kaso laban kay Robredo noong Oktubre 29, 2019.

“Welcome” naman sa kampo ni BBM ang desisyon ng PET, banggit ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita at abogado ni Marcos sa kaso.

“We welcome this latest assertion by the Tribunal on the validity of our second cause of action calling for the annulment of the election results in Lanao del Sur, Basilan and Maguindanao as separate and distinct from the manual recount and judicial revision,” pahayag ni Rodriguez.

Ngunit may pagkadismayang tinuran ni Rodriguez na: “Notwithstanding such affirmation, we view with extreme reservation the route chosen by the justice in charge.

Instead of directly proceeding with the technical examination and forensic investigation he lamentably added another layer that would cause tremendous delay in referring the matter to the Office of the Solicitor

General and the Comelec to file their respective Comment.”

“Considering the very thin time left in the term of the contested position, our protest is under real threat of becoming moot and academic by events leading to 2022 such as the filing of candidacy, campaign and national election that would reduce the clamor and right of the people to know who really won the vice presidency illusory,” dagdag pa nitong pahayag.

Bukod sa resolusyon ng PET at mga pananaw ng panig nina Marcos at Robredo, inatasan din ng PET ang Comelec na mag-ulat tungkol sa mga eleksyong naganap sa Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao.

Pinagkokomento rin ng PET ang Comelec hinggil sa ikatlong “cause of action” sa electoral protest ni Marcos kaugnay sa sinasabi niyang mga dayaang naganap sa halalan sa Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao.

Gusto ring malaman ng PET mula sa Comelec at OSG kung ang PET “is empowered by the Constitution” na magdesisyon ito tungkol sa paglulunsad ng halalan at kung aaksyon ang PET hinggil sa pinagdudahang halalan ay hindi mabalewala ang kapangyarihan ng Comelec tungkol dito na ibinigay sa kanya ng Konstitusyon.

Batay sa ponente ni Leonen, “required” ang Comelec at OSG na bigyan ng kopya sina Marcos at Robredo ng kani-kanilang mga komentaryo.

Pagkatapos, ipapasa sa PET ang mga sagot nina Marcos at Robredo sa komentaryo ng Comelec at OSG nang hindi lalampas sa labinlimang araw.

Nanalo si Robredo laban kay Marcos sa lamang na botong 263,473 boto.

Kinuwestyon ito ni Marcos sa kanyang protesta sa Korte Suprema noong Hunyo 2016.

Si Robredo ay kandidato ng Liberal Party (LP) at ng administrasyong Aquino sa pangalawang pangulo.

Si dating Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III ang nagtalaga kay Leonen sa Korte Suprema noong Nobyembre 2010.

80

Related posts

Leave a Comment