COCO LEVY TRUST FUND BILL LUMILINAW SA SENADO

0

PUMASA na sa ikalawang pagbasa ng Senado ang panukalang batas para sa pagbuo ng trust fund ng coconut farmers sa bansa sa pamamagitan ng pagbebenta ng assets na nabili gamit ang coco levy fund.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1396 o ng “Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act,” inaatasan ang pamahalaan na ipagbili ang P75 bilyong coconut levy assets sa susunod na limang taon upang makabuo ng trust fund para sa coconut farmers.

Ayon kay Senador Cynthia Villar, chairperson ng Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform at principal sponsor ng panukalang batas, sa oras na maisabatas ito, mabibiyayaan nito ang may 3.5 milyong coconut farmers mula sa 68 coconut producing provinces.

Ang mga ito na may-ari ng hindi tataas sa 5 ektaryang sakahan ay kabilang sa pinakamahirap na sektor sa bansa.

“The coconut farmers are the poorest in the country. They earn only about P1,500 a month. This fund which rightfully belongs to the coconut farmers, should be plowed back to them for their own direct benefit,” ayon kay Villar.

Inaasahan na ipapasa ng Senado sa third at final reading ang coconut levy bill sa kanilang sesyon ngayong Miyerkoles.

Kumpiyansa rin si Villar na agaran itong maisasabatas dahil natugunan na ang ‘concerns’ sa dating na-veto na bersyon ng panukalang batas.

Ayon kay Villar, kapag naisabatas, agad na ililipat ng Bureau of Treasury ang P10 billion sa trust fund; P10 billion sa second year; P15 billion, third year; P15 billion, fourth year; at P25 billion sa fifth year.

Kapag naisabatas, gagamitin ang P5B trust fund sa mga programa bukod sa mga programa ng PCA na bibigyan ng hiwalay na budget.

Kabilang dito ang 15% sa pagtatanim at replanting ng hybrid coconut seedlings at produksyon ng hybrid coconut seedlings ng Philippine Coconut Authority.

Sa ilalim ng panukala, muling bubuuin ang Philippine Coconut Authority Board na kinabibilangan ng mga kalihim ng Department of Trade and Industry, Budget and Management Finance, DOST at PCA, at tatlong farmer-representatives mula sa Luzon, Visayas at Mindanao. (NOEL ABUEL)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment