NANANATILING suspendido ang color coding o number coding scheme sa Kalakhang Maynila na nasa ilalim ng Alert Level 3.
Ang paliwanag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos sa Laging Handa public briefing ay hindi pa kasi normal ang
public transportation sa Kalakhang Maynila.
“I’m talking of the public network, iyong mga buses natin, mass transport, mga LRT ‘no. So habang inaayos po iyan, hanggang maaari po sana ay sinususpinde muna namin ang color coding,” ani Abalos.
“Sapagka’t isipin mo kung isa lang ang kotse mo, saan ka sasakay? Sasakay ka sa dyip, sasakay ka sa bus, sasakay sa MRT, at baka magkasiksikan lalo ‘no. So iniisip namin, sige na lang payagan na lang natin,” dagdag na pahayag ni Abalos. “At pangalawa, iyan kasing sasakyan mo, personal bubble mo iyan e, kung nandiyan ka parati, you feel safe, etc. Siyempre kung ito ay pagbabawalan natin, iyong ibang may sasakyan, makikiangkas, hindi ba? So ito’y patulong na rin tungkol dito sa impeksiyon.”
Tiniyak naman nito na araw-araw minu-monitor ng MMDA ang trapiko sa MM. (CHRISTIAN DALE)
