Aksyon ng WBA kay Pacquiao, insulto sa Pilipinong mambabatas

0

NITONG nakaraang Biyernes at Sabado, niyanig ng dalawang malalaking balita ang daigdig ng boking. Una, ipinahayag ng World Boxing News (WBN), sinasabing may ­pinakamaraming bumibisitang independent ­boxing news website, na hindi na nito kinikilala ang World ­Boxing Association (WBA) bilang isang opisyal na nagbibigay ng titulo sa mga bokingero.

Hindi ito masyadong nagbigay ng malaking epekto sa boksing sa daigdig dahil ang WBA gaya ng World Boxing Council (WBC), International Boxing Federation (IBF), World Boxing Organization (WBO), at iba pa ay isa lamang sa mga organisasyong nag-gagawad ng pagkiklala o parangal sa boksingero.

Ang mas malaking balita ay ang aksiyon ng WBA na alisan ng titulo ang ating si Manny Pacquiao, kaisa-isang nilalang sa ­kasaysayan ng sweet science na humawak ng ‘di kukulangin sa 12 pandaigdig na kampeonato sa walong timbang o dibisyon.

Ikinamangha at ikinagalit ng maraming nagmamahal sa ­boxing ang ginawa ng WBA kay ­Pacquiao nang ilagay sa ­kategoryang “Champion in Recess” o sa ­madaling sabi, pagkabigo ng ­maalamat na Pilipinong maidepensa ang kanyang korona simula noong Hulyo 20, 2019 nang dahil sa COVID-19 pandemic.

Bagama’t para sa mas marami ay may mga kampeong ‘di na kinakailangan ng sinturon para sambahin ang nagawa nilang ­kagitingan at kadakilaan sa larangang pinili nila, ang ginawa ng WBA, para sa kolumnistang ito, ay isang insulto sa katauhan Pacquiao, ‘di lamang sa kanyang pagiging kampeon sa maraming dibisyon kundi bilang isang Pilipinong mambabatas.

Ayon sa WBA Championship Committee, naaayon ito sa regulasyon ng organisasyon sa C14 at C22-24.

“The WBA, according to its rule C.14, dictates that champions and their teams are required to know the WBA rules and regulations. Rule C.22-24 states that when a champion is unable to defend the belt for medical, legal or other reasons beyond his control, he may be named champion in recess. The medical reasons must be ­documented before the WBA Medical Committee, while the legal reasons must be evidenced before the legal director and the ­Championships Committee.”

Ipinagwalang bahala naman ni Pacquiao ang huling pangyayaring ito sa kanyang 25 taong pro-career.

Sa kanyang Instagram selfie noong Sabado, nakangiti pa siya makalipas ang ilang oras nang lumabas ang pasya ng WBA.

Ayon kay Sean Gibbons, pangulo ng MP (Manny Pacquiao Promotions), ang pangyayaring ito ay lalong nakapagpalakas sa tsansang matuloy ang laban ng kanyang amo kay WBC interim lightweigrt champion Ryan Garcia, ang huling boksingerong nagpahayag ng pangarap na makaharap si Manny.

Si Pacquiao mismo, pahayag ni Gibbons, ay nagsalitang tangka niyang harapin ang 22-anyos na si Garcia sa darating na Mayo 1, sa lugar na malamang ipahayag sa mga darating na araw.

“The focus now is to do the Garcia fight,” ani Gibbons sa aksyon ng WBA na aniya ay insensitive given the pandemic. “Still, Pacquiao is not going to lose sleep over the WBA’s drastic action.”

“Even if the Senator fights without a title at stake, fans are still going to see him fight,” paniniguro ng pangulo ng MP Promotions. “Pacquiao has grown so big that the boxer himself is bigger than the title he carries.”

Nakamit ni Manny ang ­pagiging regular champion ng WBA welterweight matapos ­patulugin si Argentine’s Lucas ­Matthysse sa Kuala Lumpur noong 2018 at naidepensa ito laban kay Adrien Broner. Nakoronahan naman siya bilang WBA super champion nang talunin si Keith Thurman noong Hulyo 2019. Ito ang koronang tinanggal sa kanya ng WBA.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment