White Beach ng Boracay, Nacpan Beach ng El Nido pumwesto sa TripAdvisor’s Top Beaches sa Asya

0

Ipinagdiriwang ng Department of Tourism (DOT) na napasama ang world-famous White Beach ng Boracay na nasa 12th spot at El Nido, Nacpan Beach ng Palawan bilang 18th sa TripAdvisor Travelers’ Choice 2021 Best of the Best Awards Top 25 Beaches – Asia category.

“The TripAdvisor recognition is all the more heartwarming as sun and beach have always been the country’s best tourism products. Boracay, well known for its White Beach and El Nido, Palawan, home of Nacpan Beach, are among the first destinations we opened up,” ani Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Sa taong ito kung saan ang TripAdvisor Travelers’ Choice na may batayan ang salik ay nakatuon sa bilang ng beses na ‘nai-save’ ng mga gumagamit ang mga beach na ito sa kanilang mga account kasabay ng kalidad at dami ng mga pagsusuri.

Ang world’s largest travel guidance platform ay naglista sa kategorya ng Top Beaches sa buong mundo at nahahati sa iba’t ibang mga rehiyon.

“Filipinos miss going to the beach. In fact, it is one of the top choices of outdoor activities now according to the recent Philippine travel survey,” dagdag pa ni Puyat.

Going to the beach, hiking, and biking are among the preferred activities stated in the latest online survey conducted by the DOT with the Asian Institute of Management (AIM) – ayon kay Dr. Andrew L. Tan Center for Tourism, and Guide to the Philippines.

Binigyang diin din ng survey ng paglalakbay ang iba pang mga pangunahing implikasyon mula sa mga nais na pagbago ng mga manlalakbay na kasama ang mga labas at maaliwalas na lugar sa mga nakakulong na puwang o pasilidad na muling nagpapalipat-lipat ng hangin.

“And while we celebrate our beaches being named among the best in Asia, please be responsible tourists when travelling. Follow all the health and safety protocols for a safe and fun beach trip,” pahayag pa ni Puyat.

Ang Agonda at Cavelossim Beaches ng India ang nakapuwesto sa top two spots para sa Asia sa taong ito na sinundan ng Ngapali Beach ng Myanmar.

Tingnan ang kumpletong ranking dito: www.tripadvisor.com.ph/TravelersChoice-Beaches-cTop-g2

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment