2 BATA PATAY, 3 SUGATAN SA LANDSLIDE SA DAVAO

DIGOS City – Binawian ng buhay ang magkapatid na bata makaraang gumuho ang kanilang bahay dahil sa landslide sa Sitio Batangon, Brgy. Binaton sa llungsod na ito.

Kinilala ni Lieutenant Col. Vici Anthony Tababa, hepe ng Digos City Police Office, ang mga biktimang sina Roniel Jay Laguna, 13, at Roxel, 10-anyos.

Habang sugatan naman ang 7-anyos na kapatid ng mga biktima, inang si Mary Jean, 29, at amain na si Dommy Aquil, 31- anyos.

Ayon sa ulat ng pulisya, bumuhos ang malakas na ulan noong Huwebes ng gabi at dakong madaling araw kinabukasan ay nangyari ang landslide na nagresulta sa pagguho ng bahay ng mga biktima.

Agad namang nagresponde ang mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) at sinagip ang mga biktima ngunit wala nang buhay nang matagpuan ang dalawang bata. (DONDON DINOY)

Related posts

Leave a Comment