4 SUNDALO PATAY, 17 SUGATAN SA ABU SAYYAF

SULU -Apat na mga tauhan ng Philippine Army ang namatay habang 17 pa nilang kasamahan ang nasugatan makaraan ang sagupaan ng mga tauhan ng mga Western Mindanao Command at mga Abu Sayyaf terrorist sa bayan ng Patikul sa lalawigang ito.

Ayon kay Major Arvin Encinas, tagapagsalita ng WESTMINCOM, nagsasagawa ng combat operation ang mga tauhan ng 6th Special Forces Battalion nang masabat ang 40 kasapi ng local terrorist group sa Sitio Lagaron, Brgy. Kan-Ague sa Patikul.

Agad nagkaroon ng matinding sagupaan na tumagal may 40 minuto bago tuluyang umatras ang mga terorista bitbit ang sugatang nilang mga kasamahan.

Ayon kay Encinas dalawa ang kumpirmadong napatay sa hanay ng ASG ngunit may apat na sundalo ang idineklarang killed in actions at 17 ang sugatan (JESSE KABEL)

Related posts

Leave a Comment