DRUG GROUP MEMBER, 21 PA HULI SA CAVITE BUY-BUST

0

CAVITE – Arestado ng Cavite police ang isang miyembro umano ng Guites robbery/drug group at 21 iba pa sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operation sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.

Kinilala ang arestadong miyembro umano ng Guites robbery/drug group na si Michael Tabana, alyas “Zuma,” nasa hustong edad, ng Brgy. Magdiwang, Noveleta, Cavite.

Ayon sa ulat ni Corporal Michael Semania ng Noveleta Police Station, dakong alas-7:00 noong Biyernes ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang Noveleta MPS sa Brgy. Magdiwang Noveleta, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at nakumpiska ang walong pirasong hinihinalang sachet ng shabu at buy-bust money.

Ang Guites robbery/drug group ay responsable umano sa serye ng robbery at drug pushing sa Cavite at karatig na mga probinsiya.

Samantala, sa isinagawang magdamagang buy-bust operation, 21 hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang nadakip sa pagitan ng alas-12:45 ng madaling araw hanggang alas-2:00 ng madaling araw nitong Sabado sa tatlong lungsod at apat na bayan ng lalawigan.

Nanguna sa may pinakamataas na bilang ng arestadong mga tulak ang Dasmariñas City, 8; sumunod ang Bacoor City, 4; tig-tatlo sa Cavite City at Naic; at tig-isa sa Kawit, Alfonso at Rosario. (SIGFRED ADSUARA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment