PULILAN SUBSTATION NG MERALCO LALONG PINATIBAY

0

Pinasinayaan kamakailan ng Meralco ang bagong 50-MVA transformer bank no. 2 sa kanilang Pulilan 69 kV – 13.8 kV Substation na matatagpuan sa kahabaan ng Plaridel-Pulilan Diversion Road, Pulilan, Bulacan.

Magbibigay ito ng karagdagang kapasidad sa nakatayong 33-MVA transformer bank no. 1 na kasalukuyang kritikal ang loading.

Sa pamamagitan ng karagdagang switching flexibility tuwing may emergency, pinabuting voltage regulation at mas mababang technical system loss, makatutulong ang proyektong ito upang matiyak na tuloy-tuloy ang serbisyo ng kuryente para sa mga customer sa mga bayan ng Pulilan, Bustos, Baliwag at Plaridel sa lalawigan ng Bulacan.

Sa kabila ng patuloy na pagpapatupad ng community quarantine sa buong bansa dulot ng pandemyang COVID-19, ang Meralco at ang mga subsidiaries nito ay walang tigil na nagtatrabaho upang maisagawa ang mga mahahalagang electric capital projects na may layuning makapaghatid ng ligtas, sapat, at maaasahang serbisyo ng kuryente sa lahat ng customers nito.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment