VISUAL ARTS NINA PUEBLO AT YAMAGATA MASISILAYAN SA CCP

PUEBLO AT YAMAGATA

Sa Nobyembre 14, ganap na alas-6:00 ng gabi ay masisilayan na sa Cultural Center of the Philippines (CCP) ang mga obra ng visual artists na sina Mervy Pueblo and Atsuko Yamagata mula sa katatapos lamang na 7th International Art Festival na tinawag na Nakanojo Biennale sa Japan.

Inaanyayahan ng CCP ang mga panauhin na masilayan ang exhibition na ito na tumatalakay sa historical, contemporary at societal specters.

Sina Pueblo at Yamagata, mga visual artist na nakabase sa Maynila, ay nagkakilala, lumikha at nagkaroon ng exhibition para sa kanilang mga likha sa biennale na ginanap sa Japan noong Setyembre.

Parehong nagtatrabaho nang indibiduwal bilang artists sa biennale, napag-isipan nang husto nina Pueblo at Yamagata na magkaroon ng proyektong tutugon sa pisikal at hindi pisikal na larangan.

Ang installation ni Pueblo ay nakaugnay sa co­ded references, na lumilikha ng misteryosong draperies na sumasalamin sa ating contemporary reality.

Si Yamagata ay nagpapahayag naman ng materialistic definitions ng immaterial tulad ng kung paano ang isang indibiduwal ay makapagtala ng kanyang paglalakbay sa sariling bakas ng yapak nito.

Tunghayan ang kanilang mga obra sa nasabing petsa sa Bulwagang Carlos V. Francisco sa CCP. Ito’y magpapatuloy hanggang Pebrero 9. Bukas ang exhibit mula Martes hanggang Linggo mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.

Sa detalye tumawag sa Visual Arts and Museum Division, Production and Exhibition Department sa (632) 88321125 loc. 1504/1505 at (632) 88323702, 0917-6033809, email ccp.exhibits@gmail.com or visit www.culturalcenter.gov.ph.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment