LAMIG SA BAGUIO CITY PUMALO SA 11.4 DEGREES CELSIUS 

baguio
0

(NI ABBY MENDOZA)

NAITALA sa 11.4 degrees celsius ang temperatura sa Baguio City, Sabado ng umaga.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astrononomical Services Administration (PAGASA) ang pinakamalamig na temperatura ay naitala sa Atok, Benguet na nasa 7 degrees celsius.

Asahan  pang lalamig  ang panahon sa mga susunod na araw dahil sa peak ng hanging amihan.

Ang 11.4 degrees ang pinakamababa na naitala sa loob ng apat na buwan mula nang punasok ang northeast monsoon o hanging amihan noong buwan ng Setyembre.

Hanggang buwan ng Pebrero ang peak ng hanging amihan kaya mahaba pa ang mararanasang malamig na panahon.

 

 

 

Read More

P400-M NG DOT ILALAAN SA REHAB NG BURNHAM PARK

0

(NI KIKO CUETO)

LALAANAN ng P400 na milyon ng Department of Tourism ng P400 ang rehabilitasyon sa Burnham Park sa Baguio City.

Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na kabilang sa kanilang plano ang pagsilip sa sewerage system sa Burnham.

Plano nilang i-develop ang itsura ng mga pasyalan sa 34 na ektaryang complex.

Ang nasabing park ay kilala sa pagbibisikleta, mga picnic at pamamangka sa isang lagoon.

“What’s more important is we discussed wala nang cutting of trees and no more new buildings kasi crowded na yung Baguio,” ani Puyat.

Taliwas naman ito sa kumalat na balita na gagawing parking lot ang Burnham Park dahil sa pagdami ng mga sasakyan at lumalalang trapik sa lungsod.

Target din ng ahensiya na gawing pedestrianized ang ilang area sa Baguio para maengganyong maglakad ang mga tao sa halip na magsasakyan.

Maging ang mga local market ay ire-rehabilitate at gagawing smart city ang Baguio.

Nangako rin si Puyat na ide-develop ang mga katabing munisipalidad para magpunta rin doon ang mga tao at hindi lahat nagsisiksikan sa Baguio.

 

Read More

‘DI LANG 3 ANG SANGKOT SA HAZING– PAMILYA DORMITORIO

0

(NI KIKO CUETO)

HINDI kumbinsido ang pamilya ng napatay sa hazing na si Darwin Dormitorio na tatlo lang ang sangkot sa pagkamatay nito sa loob ng Philippine Military Academy (PMA).

“Kami ng tatay ko, hindi kami convinced na ‘yung tatlo lang ang may hand dito,” sabi ng kapatid ni Darwin na si Dexter sa panayam sa DZBB.

“Definitely siguro may iba pang involved na mga kadete, hindi lang namin ma-conclude. Sa amin lang parang ang hirap paniwalaan, dalawang tao tsaka isang senior magagawa talaga ‘yun?” dagdag nito.

Kwento ni Dexter, na siyang nagsisilbing tagapagsalita ng pamilya, nakita nila ng personal ang mga suspek.

Hindi man nagsalita ng sorry, naniniwala si Dexter na nagsisisi ang mga suspek.

“Medyo may remorse sa mukha nila,” sinabi nito, sabay pag-amin na siya at ang kanyang ama na PMA graduate, ay hindi sinugod ang mga suspek.

“Tinignan lang namin sila ng tatay ko. Sabi ng tatay ko, balita ko hindi kayo na-haze dati. Hindi kayo marunong mag-haze, ano? Nakayuko lang sila,” sinabi ni Dexter na sinabi umano ng tatay nila.

Sinabi rin ni Dexter na sinabi ng kanilang ama kay Darwin na may kakaharapin siya na paghihirap bilang PMA cadet.

“Aware na aware naman yung kapatid ko kasi pinrangka siya ng tatay ko na ganito yung nangyayari diyan sa loob,” sinabi nito.

Pero inamin ni Dexter na hindi nila inakala na mangyayari ang araw-araw na pambubugbog.

“Hindi lang po napaghandan at di namin na-foresee eh yung araw-araw na mabubugbog siya,” sinabi nito.

Sinabi ni Dexter na ang 20-taong gulang niyang kapatid ay kinuryente rin , base sa autopsy findings.

 

 

Read More

BONG BINATO NG BOTTLED WATER SA PENAGBENGA

bong
0

(NI KC GUERRERO)

SAKSI AKO copyMARAMING ganap sa Baguio City last weekend dahil Panagbenga Festival 2019.

Napakalaki ng balitang binato raw ng bote ng mineral water si Bong Revilla habang pumaparada noong Sabado sa mga lansangan ng City of Pines.

Ang iba pang mga kandidato na namataan namin ay sina Lito Lapid, at Bong Go.

Sa unang araw ng flower festival ay mayroong street dancing competition. Second day naman ay ginanap ang contest ng floats.

Send ko sa ‘yo My fave editor BenThought ang video ko na tinitilian ng fans si Bong Revilla.

Taun-taon since 2016 ay sumasakay sa float si Coco Martin para sa “FPJ’S Ang Probinsiyano,” ang longest-running action teleserye ng ABS-CBN.

This year, nag-inquire kami sa manager ni Coco kung sa Baguio City ba ang aktor. Waley raw, ang tugon ni Biboy Arboleda, ang talent manager niya. Nasa Abra raw sila for another festival.

In full force ang cast ng “The General’s Daughter” kasama ang main stars na sina Angel Locsin, Paulo Avelino at JC de Vera.

Sa bisperas ng Panagbenga, nag-show ang mga Kapamilya. Confirmed namin marami talagang fans si Donny Pangilinan, anak nina Anthony Pangilinan at Maricel Laxa. “Pambansang husband” ang tawag sa kanya ng mga fantsina, dahil daw marami raw ang nangangarap na maging husband siya.

# # #

May sumpa ba ang pangangampanya sa Panagbenga nang sobra-sobra?

Saksi ako nang ang kaibigan naming congressman ay nangarap na itanim siya ng mga mamamayan sa Senado.

Sa Panagbenga ay very high-profile ang campaign ng kaibigan namin. Siya lang ang may sariling helicopter na dala. Nagpaulan siya ng fliers at election paraphernalia.

Nalanta ang kaibigan namin. Hindi namukadkad sa Senado. Pero balik sa Lower House siya ngayon.

Happy days are here again ang theme song nila ni Ma’am.

# # #

Nangarap ang tatlong candidate sa pagka-senador na maging easy ang pangangampanya nila sa Panagbenga.

Kahit may ban ng campaigning sa Panagbenga andoon pa rin si former actor at Sen. Lito Lapid at former Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.

Nakita mo naman my have editor BenThought, most of the time ay tinitilian si ex-Sen. Bong. Cheers mostly ang natatanggap niya.

Pero habang naglalakad siya lagpas ng Igorot Park ay binato siya ng bottled water.

Sanay na ang mga artista sa mga ganoong eksena. Kaya deadma siya.

Kamakailan lang ay na-acquit si Bong sa plunder charges mula sa pork barrel scam.

Kahit may ban sa pangangampanya andoon sila sa imbitasyon ng isang local councilor ng Baguio City.

Pero kitang-kita mo, BenThoough, ang video namin kay Bong Revilla: mostly ay tinitilian siya.

Ibang artista nga ay sexually molested pa ng mga fans pag nakalingat.

Sa isang bayan sa Iloilo nang hindi pa sikat na sikat si Daniel Padilla ay dinakma ng baklush fan ang kargada ng Box Office King!

Kaya sa mga sumusunood na appearances ni Daniel ay mahigpit na ang  security sa mga out-of-town shows ni DJ.

Read More

LAMIG SA BAGUIO PANANDALIAN NA LANG; EL NINO PAPASOK

bag3
0

(NI ABBY MENDOZA)

SA mga nagnanais pa rin ng malamig na klima, magtungo na sa Baguio City.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical.Astronomical Services Administrtion(PAGASA) ramdam pa ang hanging amihan sa Baguio City subalit panandalian na lamang ito at sa mga susunod na linggo ay asahan na ang pagpasok ng panahon ng tag-init.

Kahapon ng alas 5:00 ng madaling araw ay  nakapagtala ng 11.8 degree celsius sa Baguio, mas malamig ito kumpara noong Martes na nasa 12.5 degree celsius.

Sinabi ng PAGASA na asahan na ang paghina ng hanging Amihan at maghanda na sa panahon ng tag init kung saan ibinabala ng ahensya ang El Nino Phenomenon.

Dala ng El Nino ay  mas mababa ang dami ng ulan sa ilang probinsya sa bansa sa mga susunod na buwan kaya makakaranas ng tagtuyot samantala ang init factor o maalinsangang hangin ay maaring umablot umano ng hanggang 40 degree celsius.

Ang El Nino ay maaari umanong maranasan sa kalagitnaan o sa katapusan ng buwan ng Marso at maaari itong tumagal ng ilang buwan.

Read More

P492-M LOAKAN AIRPORT REHAB SUPORTADO

baguio
0

(NI NOEL ABUEL)

SUPORTADO ng ilang senador ang plano ng pamahalaan na paglaanan ng malaking pondo ang rehabilitasyon ng Loakan Airport na magbibigay rin ng magandang pagkakakitaan ng mga residente ng nasabing lalawigan.

Ayon kay Senador Sonny Angara, malaking tulong ang P492 milyong pondo na ilalaan sa pagsasaayos ng nasabing paliparan upang makadagdag na tulong sa negosyo at kabuhayan ng mga naninirahan sa Baguio City.

Idinagdag pa ng senador na maliban sa kilala ang Baguio City bilang Summer Capital ng bansa ay mahalaga rin na malaman ng marami na ang nasabing lungsod ay mahalagang urban center sa Cordillera kung kaya’t hindi dapat maiwanan sa itatayong infrastructure program ng pamahalaan.

“Hindi dapat maiwan ang Baguio City sa mga programang pang-imprastraktura ng national government, lalung-lalo na ang Loakan Airport, dahil malaki ang maitutulong nito upang lalo pang yumabong ang ekonomiya ng siyudad,” sabi ni Angara.

Kaugnay nito, nagpaalala rin ang senador sa kinauukulan na tulungan ang mga maapektuhang residente sa naturang proyekto.

“Dapat ay isaalang-alang din ang mga residenteng maaapektuhan. Dapat ay kasama sila sa plano ng pag-unlad,” dagdag pa nito.

Read More

DOH NAGBABALA SA MALAMIG NA PANAHON

foggy
0

BAGUIO CITY – Pinayuhan ng Department of Health (DoH) sa Cordillera ang mga residnete na manatiling malusog sa harap ng patuloy na pagbaba ng temperature sa lugar.

Miyerkoles ng umaga, sinabi ng weather bureau Pagasa na pumalo na sa 9.2 degrees Celsius ang termperatura, itinuturing na pinakamababang naitalaga ngayong taon.

Gayunman, sa mga mas malalamig na lugar tulad ng Mount Sto. Tomas sa Tuba, Benguet. Ang lugar na kilala bilang Sitio La Presa, umabot sa 6.2 degrees Celsius ang lamig.

Nagrereklamo na sa ubo at lagnat ang mga residente dahil sa sobrang lamig.

Sinabi ng DoH na laganap ang respiratory illnesses tulad ng cough, colds, asthma at influenza sa panahon ng tag-lamig.

Pinaalalahanan naman ni Dr. Amelita Pangilinan, DoH Cordillera Regional Director, na kailangan ng madalas na paghuhugas ng kamay dahil 70% umano ng mga virus ang namamatay kung maghuhugas lamang ng sabon at tubig.

Gayon man, posible umanong sanay na sa malamig na klime ang mgaCorilleran dahil bumaba pa sa 32% ang mga nagka-influenza base sa naitala mula Enero 1-12 kumpara sa katulad ng panahon noong nakaraang taon.

Read More

10.4 C NAITALANG TEMPERATURA SA BAGUIO

LAMIG
0

NAITALA ngayong araw sa lungsod ng Baguio ang isa sa pinakamababang temperatura sa lamig na 10.4 celsius.

Ayon kay weather forecaster Wilson Locando, naitala kaninang madaling araw ang 10.4° Celsius na pinakamababang temperatura ng Baguio mula sa pagpasok ng taon.

Aniya, posible pang maitala ang mas mababang temperatura sa lungsod sa mga susunod na araw o linggo.

Gayunman, inaasahang mas mababa ang temperatura ng ilang bayan sa lalawigan ng Benguet gaya ng Atok, Kibungan, Buguias at sa bayan ng Bauko sa Mt. Province.

Maaalalang sinabi ni Mt. Pulag Protected Area Superintendent Victor Gorinto a naglalaro sa 4-6° Celsius ang naitatalang temperatura sa summit ng ikalawang pinakamataas na bundok sa bansa.

Naitala ang 6.3° Celsius na lowest temperature sa City of Pines noong January 18, 1961 na sinundan ng 6.7° Celsius noong February 23, 1963 at 6.8° Celsius noong January 8, 1968.

Read More

8 KALSADA SA LUZON SARADO

kennon
0

BUNSOD ng walang humpay na pag ulan, isinara sa mga motorista  ng Department of Public Works and Highways,  ang Kennon Road at Baguio Bontoc Road sa Baguio City.

Bukod sa dalawang kalsadang nabanggit, nadadaanan pa naman ng mga motorista ang iba pang kalsada patungo at mula sa Baguio.

Sa Cordillera Administrative Region, sarado rin ang Banaue-Hungduan- Benguet boundary Road dahil pa rin sa mga naranasang pag-collapse ng lupa, bunsod ng mga pagulan.

Sarado rin ang Claveria-Calanasan-Cabugaw Road

Pinukpuk-Abuk Road, Tabuk-Banaue via Tanudan, Barlig Road at Kiangan-Tinuc-Buguias Road

dahil pa rin ‘yan sa mga naitalang pagguho ng lupa at mudflow sa lugar dala ng mga pagulan.

Pinapayuhan ang mga motorista na humanap na ng mga alternatibong ruta, upang di na maabala sa pag biyahe. (MITZI YU)

Read More