CHIONG SISTERS KILLERS, IBA PA, POSIBLENG IPAARESTO NG DOJ

chiong55
0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NANINDIGAN si Senate Minority Leader Franklin Drilon na maaaring muling ipaaresto ng Department of Justice (DOJ) ang 1,914 napalayang heinous crime convicts kasama ang tatlong convicts sa rape-slay sa Chiong sisters noong 1997.

“The DOJ has valid and legal reasons to seek re-arrest of the 1,914 prisoners serving a life sentence but were wrongly released by the Bureau of Corrections (BuCor),” saad ni Drilon.

Sinabi ni Drilon na ang interpretasyon sa batas ay magbibigay ng hustisya sa mga biktima kasabay ng pagsasabing anumang interpretasyon na papabor sa mga akusado ay magdudulot ng pagkawala ng tiwala ng publiko sa justice system.

“It was clearly established that the procedures were not followed and on that basis and in accordance with the case of People vs. Tan, they can be re-arrested. Let them question it in the Supreme Court,” diin ni Drilon.

“Ultimately, it is the Supreme Court that will decide on this,” dagdag pa ng senador.

Nanindigan si Drilon na malinaw na may mali sa pagpapalaya sa mga heinous crimes convicts kaya’t maaari itong bawiin at ipaarestong muli.

Iginiit ng senador na maaaring humiling ang DOJ sa korte ng warrant of arrest.

“They can order the re-arrest of these prisoners, they can go to the courts that convicted these heinous crimes prisoners and seek a warrant of arrest,” dagdag ni Drilon.

Read More

RELEASE ORDER NG KILLERS NG CHIONG SISTERS, PIRMADO  

chiong55
0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

TINUKOY na ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang opisyal ng Bureau of Corrections na nakalagda sa release order ng mga sangkot sa panggagahasa at pagpatay sa Chiong sisters.

Sinabi ni Lacson na isang correctional technical superintendent ang lumagda sa release order ng mga responsable sa rape-slay nina Marijoy at Jacqueline Chiong sa Cebu noong 1997.

“Maria Fe Marquez, Parang Correctional Technical Superintendent, yan ang nagpirma. So dapat alamin natin,” saad ni Lacson.

Kinuwestyon din ni Lacson kung bakit ang opisyal ang nakalagda sa dokumento gayung ang director lamang ang may awtoridad na pumirma sa release order.

“Kung hindi siya authorized at talagang hindi siya authorized ibig sabihin nag-usurp siya ng authority ng prisons director. Kung siya naman ay inutusan na pirmahan mo yan, dapat i-certify niya yan,” diin ni Lacson. Kasabay ng pagsasabing posibleng kasuhan ang opisyal ng usurpation of authority.

“Otherwise, talagang glaring yan. Kasi hindi mismong prisons director ang nagpirma, isang tao na hindi authorized,” dagdag nito.

Read More

RAPIST-KILLERS NG CHIONG SISTERS NAKALAYA NA?

chiong55
0

(NI ROSE PULGAR)

MATAPOS ang kontrobersiyal na tangkang pagpapalaya kay dating Calauan mayor Antonio Sanchez, nangangamba ang pamilya Chiong sa Cebu na nakalaya na rin ang killers ng magkapatid na Chiong na dinukot, ni-rape at pinatay noong 1997.

Sa isang press conference nitong Huwebes, inamin ng Bureau of Correction (BuCor) na halos 2,000 preso ang napalaya dahil sa ‘good behavior’ sa loob ng piitan at maraming bilang sa mga ito ay convicted rapists at murderers.

Nauna nang pinabulaanan ni Bucor chief Nicanor Faeldon na may pinirmahan siyang release order para sa paglaya nina Rowen Adlawan, Ariel Balansag at Alberto Caño na responsable sa panggagahasa at pagpatay kina Marijoy at Jacqueline Chiong.

Magugunitang dinukot at ginahasa bago pinatay ang magkapatid na Chiong sa Cebu kung saan natagpuan ang bangkay ni Marijoy sa bangin.

Ikinabahala naman ng pamilya ng mga biktima ang napabalitang nakaambang paglaya o pinalaya na ang mga suspect kung saan nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo sa loob ng New Bilibid prison.

Tumanggi rin si Atty. Frederick Antonio Santos, chief legal office ng Bucor, na banggitin kung kasama sa napalaya ang apat na Chinesse drug lord at ang tatlong inmates na responsable sa panggagahasa at pagpatay sa magkapatid na Chiong.

Simula umano ng taong 2013 hanggang kasalukuyan taon ay halos nasa dalawang libong inmates ang napalaya na ng Bureau of Correction (BuCor) na may iba’t ibang kasong kinahaharap sa loob ng New Blibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Sinabi ni Santos na ‘figures’ lamang ang kanilang maibibigay sa mga nakalayang preso at aniya hindi nila puwedeng pangalanan kung sinu- sino ang mga ito.

Itinanggi rin nitong sabihin kung may mga high-profile na inmates na nakasamang lumaya matapos pagsilbihan  ang kanilang sentensiya sa loob ng bilibid.

Ayon kay Santos, umabot sa 1,914 ang kanilang napalaya simula taon 2013 hanggang sa kasalukuyang taon na may kasong parricide, na umabot sa 29.

Habang nasa 797 ang napalaya sa kasong murder, lima sa kidnapping w/illegal detention, 274 naman sa robbery w/violence or intimidation, 3 sa destructive arson, 758 naman sa rape at 48 naman sa dangerous drug act.

Sinabi pa ni Santos na hindi qualified ang dating Calauan Laguna Mayor Antonio Sanchez na makakalaya kahit pa komputin ang kanyang Good Conduct and Time Allowance (GCTA).

Nauna nang napabalita noong Agosto 20 na si Sanchez ay isa  sa 11,000 inmates na makakalaya sa loob ng dalawang buwan matapos na ma-compute na ang GCTA.

Aniya sa ngayon ay tigil muna ang recomputation ng GCTA hanggang Setyembre 5 habang nire-review ng binuong technical working group.

“Ibig sabihin hold muna ang pag-compute sa gcta ng 10,200 na mga preso” ani ni Santos.

 

Read More