COMELEC COMMISSIONER IMBIYERNA SA YOUTH LEADER

lolitAng isa pang nakakalokang eksena noong papunta kami ng Bacolod.

Nasa eroplano kami, dinig na dinig namin ang boses ng isang lalaki na parang may tinatalakan siya.

Parang may kausap siya na isang general.

Nagkaproblema yata sa driver niya na nahuli.

Hindi ko lang alam ang buong detalye kung may nakita bang baril or something!

Nakakaloka! Kasi ang dami dami niyang kinausap na iritable na siya.

Kaya dinig na dinig namin ‘yung tinatalakan niya.

Si Kevin Tan pala iyun na anak ni Andrew Tan ng Resorts World.

Pagbaba namin ng airport ng Bacolod, doon namin nasalubong ang Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

Di ba iritable ‘yan sa Youth leader na si Ronald Cardema?

Ang dami-dami niyang sinasabi tungkol kay Cardema. Ang deretso magsalita na parang kaya akong talunin sa pagkarapido ng bibig ha?

Gusto ko siya, kasi ang deretso ng sagot, walang eklay, pero ang sweet naman niya.

Nakakaloka! Dahil kung nasa showbiz itong si Comm. Guanzon, tiyak na maaaliw sa kanya ang mga reporter.

Sabi nga ni Gorgy, ano kaya kung mag-host kaming dalawa ng isang talk show.

Ay naku! Riot yun tiyak!

Read More

GRAFT CASE NA ISINAMPA NI CUATON VS COMELEC OFFICIALS; REP. MERCADO NO COMMENT

“WHAT shall I say?”

Ito ang tugon ni Southern Leyte Rep. Roger “Going” Mercado sa graft and corruption case na isinampa ni dating St. Bernard Southern Leyte Mayor Napoleon Cuaton laban sa mga Commission on Elections (Comelec) officials sa pagpoproklama sa kanya bilang lone district representative ng nasabing lalawigan.

Sa panayam ng SAKSI Ngayon kay Mercado, ayaw nitong magsalita hinggil sa kasong isinampa ni Cuaton sa Office of the Ombudsman laban kina Comelec Chairman Sheriff Abas at mga commissioner na sina Al Parreno, Louie Tito Guia, Maria Rowena Amelia Guanzon, Socorro Inting, Marlon Conquejo at Antonio Kho Jr.

May kaugnayan ang kaso sa pagpoproklama ng Comelec kay Mercado bilang kinatawan ng nasabing lalawigan noong Disyembre 17, 2019 at pagbabalewala sa Republic Act (RA) 11198 na nagtatakda ng dalawang distrito sa Southern Leyte.

Gayunpaman, sinagot ni Mercado ang usapin sa pagpoproklama sa kanya ng Comelec na nangyari umano matapos niyang maghain ng petisyon sa komisyon para ‘ma-avail” ang Supreme Court (SC) decision sa Bañas-Nograles v Comelec.

Sa nasabing kaso, pinaboran ng Kataas-taasang Hukuman si Shirlyn Bañas-Nograles na nanalong kinatawan ng Unang distrito ng South Cotabato (General Santos City) noong 2013 election.

Hindi kaagad nakaupo si Bañas-Nograles matapos maglabas ng resolusyon ang Comelec na nagdedeklarang stray votes ang boto sa unang distrito sa General Santos City noong May 2013 election Oktubre 2013 ba pa dapat ang isagawa ang special election sa bagong distrito dahil March 11,2013  na napirmahan ang batas para sa dagdag na distrito ng nasabing batas.

Dahil dito, naghain ng petisyon si Bañas-Nograles sa Korte Suprema at noong Setyembre 22, 2019 ay naglabas ng desisyon ang Kataas-taasang Hukuman na pumabor sa kanya kaya iprinoklama siya ng Comelec.

“Nag-file ako ng motion for reconsideration sa Comelec dahil nga I want to avail the doctrine of Bañas-Nograles Supreme Court decision,” ani Mercado dahil pareho umano sila ng kaso at pinaboran naman ng komisyon kaya noong Disyembre 17, 2019 ay iprinoklama na ito ng komisyon at nagsimula na siya sa kanyang tungkulin, matapos ang mahigit 6 na buwan.

Ang RA 11198 na inakda umano ni Mercado para magkaroon ng isa pang congressional district sa Southern Leyte ay sinasabing napirmahan lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 2019, o tatlong buwan bago ang May 2019 election.

Dahil dito, hindi nakasama sa eleksyon noong 2019 election ang pangalawang distrito ng lalawigan dahil Oktubre 2018 pa nagsimula ang paghahain ng certificate of candidacy ng mga kandidato at iniimprenta na ang balota nang mapirmahan ang nasabing batas.

Muling itinakda umano ang special election sa Southern Leyte noong Oktubre 25, 2019 subalit hindi natuloy dahil na rin aniya sa desisyon ng Korte Suprema sa Bañas-Nograles vs Comelec case na ang susunod na election ay sa 2022 na. BERNARD TAGUINOD

 

Read More

VOTERS’ REGISTRATION SINUSPINDE NG COMELEC SA MGA LUGAR NA APEKTADO NG BULKANG TAAL

comelec

IPINAG-UTOS ng Commission on Elections ang pagsuspinde sa voters’ registration sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal kasama na rin ang ilang lugar sa Palawan at Cotabato.

Inihayag ni Comelec Spokesperson James Jimenez ang pagsuspinde sa pangkalahatang  pagpapatala ng mga botante na dapat ay magsisimula ng Lunes, Enero 20, 2020 at matatapos sa Setyembre 20, 2021.

Bunga ng pagsabing ng taal, suspendido ang pagpaparehistro sa ilang lugar sa Cavite at Batangas na lubhang apektado ng ashfall na nasa loob ng 14km danger zone tulad ng Agoncillo, Alitagtag, Lemery, Balete, Laurel, Mataas na Kahoy, Sta. Teresita, Taal, Talisay at San. Nicolas.

Maging ang mga bayan ng Balayan, Calaca, Calatagan, Tuy, Nasugbu, Cuenca, Lian, Lipa, Mabini at San Luis pawang sa Batangas, Tagaytay, Amadeo, Alfonso, Silang at Indang naman sa Cavite, na nasa labas na ng 14km danger zone  na apektado ng  volcanic eruption.

“Resumption of registration in areas affected by Taal Volcano eruption is contigent to the ability of those places to recover and return to normalcy,” sinabi ni Jimenez sa Pulong balitaan.

Ang pagpapatala ay simula Lunes hanggang Biyernes mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon at puwede rin kapag holiday maliban na lang sa April 9 at 10 (Maundy Thursday at Good Friday) at December 25 (Christmas day).

Maaaring alamin ng publiko kung mayroon satellite registration sa kanilang lugar upang hindi na sila mahirapan pa sa pagbiyahe, dagdag ni Jimenez. (DAHLIA ANIN)

Read More

HIGIT 500-K OVERSEAS VOTERS TINANGGAL SA VOTER’S LIST

comelec vote12

(NI ROSE PULGAR)

NASA  578,185 overseas na mga botante ang tinanggal sa listahan ng Commission on Election (Comelec) matapos na hindi bumoto ang mga ito nitong nakaraang 2016 at 2019 national at local election.

Ito ang pahayag ng Department of Foreign Affairs Overseas Voting Secretariat (DFA-OVS).

Kung kaya’t hinikayat ng DFA na muling magparehistro ang mga ito upang makaboto sa 2022 Presidential Elections.

Ayon sa DFA, lahat ng OFWs, immigrants, seafarers, mga  estudyanteng nasa ibang bansa at hindi pa rehistradong overseas voters  ay maaaring magparehistro mula Disyembre 16, 2019 hanggang Setyembre 30, 2021.

Narito ang mga lugar na maaaring magparehistro sa mga embahada ng Pilipinas:  Consulate General, Mission, Manila Economic and Cultural Office (MECO) at ang mga Overseas Voter Registration Centers na itinalaga ng Comelec.

 

Read More

NBI KUMIKILOS VS EX-COMELEC CHAIR BAUTISTA

(NI DAHLIA S. ANIN)

MALAYA pa ring nakagagala si dating Commission on Election (Comelec) chief Andres Bautista sa Estados Unidos kahit na mayroong standing arrest warrant na inilabas ang Senado.

Isa ito sa mga isyu na nabanggit sa debate para sa P22-bilyong budget ng Department of Justice (DOJ).

Ayon sa National Bureau of Investigation, attached agency ng DOJ, humahanap na sila ng paraan upang mahuli si Bautista na napatalsik sa puwesto ng House of Representatives noong 2017 dahil sa mga alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman nito.

Pero, bago pa man umusad ang impeachment case ay nag-resign ito noong Oktubre 2017.

Nag-ugat ang reklamo sa alegasyon ng kanyang estranged wife na si Patricia, na tumatanggap siya ng nga komisyon sa nga referred case, mayroon din umano siyang mga ghost employee at unexplainable trips.

Nalaman na lang na lumipad patungong Amerika si Bautista noong Nobyembre 21, 2017. At ayaw niyang bumalik sa bansa para dumalo sa mga Senate hearings kahit na pinadalhan na siya ng subpoena dahil umano sa ‘medical challenge’ at iginigiit na hindi siya nakatanggap ng summons na ipinadala ng mga mambabatas.

Naghahanap na ng update sa kasong ito si Senate President Tito Sotto.

Nais na rin ng Senado na mahuli si Bautista dahil sa hindi nito pagsulpot kahit na may subpoena na ipinadala dito.

“They (NBI) said he is really in the US. They are studying their next moves,” ani Senator Sonny Angara sa plenary debate.

Dagdag pa ng senador, ayon sa Presidential Commission on Good Governance (PCGG), ang Office of the Ombudsman ay nakikipag-ugnayan na sa kanilang opisina para sa nasabing kaso.

Bago maging commissioner ng Comelec ay nanilbihan din bilang head ng PCGG at naging dean ng Institute of Law ng Far Eastern University.

Nagprisenta ng dokumento sa NBI ang asawa nitong si Patricia para isiwalat ang mahigit P335 million sa local at foreign bank accounts ni Bautista na hindi nito inilagay sa kanyang Statment of Assests and Liabilities, kasama pa ang 14 na real properties na nagkakahalaga ng aabot sa P300 million.

Inakusahan din niya si Bautista na tumanggap  ito ng ‘gift wrapped’ cash package sa kanilang bahay.

Nauna nang itinaggi ni Bautista ang lahat ng alegasyong ito at inakusahan ang kanyang asawa na ninakaw nito ang kanyang pera, bank cards at iba pang dokumento noong 2016, upang kikilan siya.

Sa isang kolum sa BusinessMirror noong Lunes, sinulat ni Atty. Lorna Kapunan, abogado ni Patricia, nakita si Bautista na gumagala sa US na ‘comfortable and self-exile’.

Itinuro rin ang mga facebook post kung saan, ipinakita ang pagpunta ni Bautista sa screening ng isang documentary film na The Kingmaker.

 

Read More

EX-COMELEC CHAIR ANDRES BAUTISTA TUTUGISIN

(NI KIKO CUETO)

IPINAHAHANAP ni Senador Vicente “Tito” Sotto III sa National Bureau of Investigation ang impeached na Commission on Elections chair na si Andres Bautista na matagal na umanong nagtatago at iniiwasan ang arrest order na inilabas ng Senado laban sa kanya.

“There was a standing warrant of arrest for the former chairman of the Comelec Andy Bautista,” sinabi ni Sotto habang nagsasagawa ng 2020 budget ng Department of Justice (DOJ).

Muli itong pinalutang ni Sotto dahil attached agency naman umano ang NBI sa DOJ.

Ipinag-utos ng

Senado na arestuhin si Bautista noong Pebrero 2018.

Ito’y dahil sa patuloy na pag-isnab sa mga hearing ng Senado kaugnay sa umano’y tagong yaman nito.

“Some media personalities are asking us and there is already a complaint in the Ombudsman filed against them. Because in the Facebook, they’re bragging that they found Andy Bautista but the NBI cannot find him,” dagdag ni Sotto.

Sinabi naman ni Senador Sonny Angara, na alam naman ng NBI na nasa Estados Unidos na si Bautista.

“They said he’s really in the US but they’re studying their next move,” sinabi ni Angara.

Inatasan na rin umano ng Office of the Ombudsman ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) na magbigay ng mga dokumento kaugnay sa naging pagsisilbi ni Bautista sa ahensya.

“There was also a recommendation by the PCGG to the NBI to investigate the charges against Andy Bautista and some other personalities, so we’d just like to ask for an udpate,” sinabi ni Sotto.

Nabalot sa krisis pulitikal si Bautista nang ibunyag ng kanyang asawa na si Patricia Bautista, na mayroon itong tagong yaman.

Na-impeach naman siya sa Kamara, pero nagresign bago simulan ang pormal na proceedings sa Senado.

 

 

Read More

COMELEC NAGPAALALA SA VOTERS REGISTRATION

comelec vote12

(NI HARVEY PEREZ)

PINAALALAHANAN ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko kaugnay sa hinggil sa  pagtatapos ng idinaraos nilang voter registration sa bansa  sa Lunes, Setyembre 30.

Hinimok ng Comelec ang mga kuwalipikadong botante na samantalahin ang nalalabing dalawang araw nang pagpaparehistro para  makapagpatala at makaboto sa mga susunod na eleksyon sa bansa.

Sinabi ni  Comelec Spokesperson James Jimenez,  na inaasahan nilang daragsa ang mga magpaparehistro ngayong Sabado, Setyembre 28, at sa Lunes, Setyembre 30, na siyang deadline ng voter registration.

Ayon kay Jimenez, sa ilalim ng Section 6 ng Comelec Resolution No. 10549, may mga procedure na dapat na ipatupad sa huling araw ng voter registration.

Nalaman na pagsapit ng alas  3:00 ng hapon, ang lahat ng aplikante na nakapila na para magparehistro ay kukunin ang pangalan at papayagan pa ring magpatala pero kinakailangang nasa tanggapan sila ng Comelec sa sandaling tinawag na ng election officer ang kanilang pangalan ng tatlong ulit, upang makuhanan ng biometrics at maiproseso ang kanyang aplikasyon.

Gayundin, maglalagay rin  ang poll body ng express lane para sa mga taong may kapansanan o persons with disabilities (PWD), senior citizens at yaong mga buntis o heavily pregnant applicants, upang hindi mahirapan ang mga ito sa pagpaparehistro.

Nabatid na umabot na sa 2,645,446 umabot ang bilang ng mga nagparehistro nang ipatupad ito noong Agosto 1 hanggang Setyembre 21.

Samantala, inabisuhan  ng Comelec ang mga aplikante na hahabol sa dalawang huling araw ng pagpapatala na maagang magtungo sa Office of the Election Officer (OEO) sa lungsod o munisipalidad, o satellite registration center.

Read More

WITHDRAWAL NI CARDEMA ‘DI PA PINAL

cardema44

(NI HARVEY PEREZ)

INIHAYAG ni Commission on Election (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na hindi  awtomatikong  matatanggal bilang first nominee ng Duterte Youth Party-List Group si dating National Youth commissioner Ronald Cardema, matapos na maghain ng notice of withdrawal sa poll body.

Nabatid kay Guanzon, kailangan pa rin itong  desisyunan ng Commission en banc kung aaprubahan ba o hindi ang naturang kahilingan ni Cardema.

“His ‘withdrawal’ is not automatic. The Commission En Banc has to rule on that,” post ni  Guanzon, sa kanyang Twitter account.

“We are not a stamping pad of an overaged, disqualified pretender,” ayon sa opisyal.

Una nang ipinabatid ni Guanzon ang notice of withdrawal na inihain ni Cardema noong Setyembre 13, kung saan sinabi nitong isasakripisyo na lamang niya ang kanyang sarili, sa pamamagitan nang pag-uurong ng kanyang nominasyon, para makaupo na sa pwesto ang kanilang partido.

Binuntunan din ng sisi ni Cardema si Guanzon sa  kanyang pag-urong at inakusahan ito nang panggigipit at pangingikil, na kaagad namang inalmahan ng lady commissioner.

Nilinaw ni Guanzon na isinapubliko niya ang notice of withdrawal ni Cardema dahil ito’y notaryado at itinuturing namang isang public document.

“Why do I make it public?  Because his ‘notice’ was notarized. It is a public document. He cannot claim privacy.   And the people have a right to information,”  ayon kay Guanzon.

Tinawag din na estupido ni Guanzon si Cardema  dahil sa paninisi at pagbibintang sa kanya ng ‘under oath’ dahil libelous umano ito.

Nabatid na una  nang  itinanggi ni Guanzon ang mga naturang alegasyon ni Cardema at nagbanta na sasampahan ng libel sa susunod na taon.

Read More

COMELEC MAGDARAOS NG VOTER REGISTRATION PARA SA IPs

(NI HARVEY PEREZ)

IPATUTUPAD ng Commission on Elections (Comelec), ang limang araw  na  Indigenous Peoples (IP) Satellite Registration sa susunod na linggo para  lahat ng mamamayan sa bansa ay makaboboto sa susunod na  halalan.
Ang  IP Registration Week ay idaraos sa buong bansa simula Setyembre 16 hanggang 20, 2019.

Nabatid na sa panahon umano ng IP Registration Week, magdaraos ang poll body ng satellite registrations sa bawat lalawigan sa buong bansa na tukoy na may IP population.

Binanggit ng Comelec  na isinasapinal pa ng provincial at regional offices ng poll body ang mga lugar kung saan isasagawa ang naturang satellite registrations.

Layunin ng proyekto na paigtingin ang kanilang registration efforts sa iba’t ibang IP communities sa buong bansa, maipakita ang kahalagahan ng mga IP voters bilang miyembro ng electorate, at mapataas pa ang kaalaman ng mga IP communities hinggil sa mga electoral issues at concerns sa bansa.

Maari umanong  direktang makipag-ugnayan sa Office of the Election Officer (OEO) sa kanilang lungsod o munisipalidad o sa Office of the Provincial Election Supervisor (OPES) sa kanilang lalawigan,ang  lahat umano ng gustong  lumahok sa pagsasagawa ng naturang satellite registration para sa kapakinabangan ng mga IP voters .

Ayon sa  Comelec, ang  nationwide voters registration ay sinimulan nila noong Agosto at magtatapos hanggang sa Setyembre 30, 2019.

Read More