PALASYO SA MGA KAWANI NG GOBYERNO: DAGDAG-SAHOD TUMBASAN NG SIPAG

Presidential Spokesperson Salvador Panelo

POSITIBO ang Malakanyang na magsisilbing panghikayat ang panibagong adjustment sa suweldo ng mga kawani ng pamahalaan para doblehin pa nila ang kanilang sipag at mas maging dedikado sa kanilang pagtatrabaho sa ngalan ng serbisyo publiko.

Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo kasunod ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Salary Standardization Law of 2019 na una nang sinertipikahan ng Presidente na urgent.

Kung tutuusin aniya ay hindi na rin nagpapahuli ang tinatanggap na kompensasyon ng mga taga-gobyerno sa sinusuweldo ng mga nasa pribadong sektor.

Aniya, ito ang dahilan kung bakit may mga nahihikayat na lumipat na magtrabaho sa pamahalaan habang ang mga nagtatrabaho na sa gobyerno ay minabuting manatili sa government office.

Epektibo na ngayong buwan ang unang tranche ng dagdag sahod para sa mga government employee habang makukumpleto ang kabuuan ng Salary Standardization Law of 2019 sa taong 2023.

Tinatayang nasa 1.4 milyong government employees ang makikinabang sa nilagdaang SSL of 2019 ni Pangulong Duterte.

Itinatakda ng batas na magkakaroon ng apat na tranches ang pagbibigay ng salary increase sa mga empleyado na magsisimula ng January 2020 hanggang 2023.

Kabuuang 34.2 bilyong pisong pondo ang inilaan ngayong 2020 para maitawid ang unang tranche ng pay hike para sa government employees. (CHRISTIAN DALE)

Read More

DAGDAG SAHOD SA NURSE, MATATANGGAP SA ENERO 

TIYAK nang makatatanggap ng dagdag na sahod ang mga government nurses sa pagpasok pa lamang ng taong 2020 o simula sa Enero.

Ito, ayon kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, ay dahil kasama sa inaprubahang P4.1 trillion 2020 national budget ng Senado ang pondo para sa dagdag sweldo ng mga nurse.

“They don’t have to wait six months or another year. By January, once we enact the GAA (General Appropriations Act) for 2020, ang salary upgrade nila is taken care of,” saad ni Lacson.

Ipinaliwanag ni Lacson na sa approval nila ng P4.1-trillion national budget, isinaalang-alang na nila ang desisyon ng Korte Suprema na kumikilala sa probisyon sa Philippine Nursing Act of 2002 na ang minimum base pay ng government nurses ay hindi bababa sa Salary Grade 15 o P30,000.

Nabatid na ang P3 bilyong pondong kailangan para sa implementasyon ng kautusan ng Korte Suprema ay magmumula sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF).

Dahil dito, binigyang-diin ni Lacson na hindi na kailangan pang magpasa ng panibagong batas para sa availability ng pondo na ibibigay ng Department of Budget and Management (DBM).

Read More

DAGDAG-SAHOD, BARYA LANG — SOLON 

wage55

(NI BERNARD TAGUINOD)

NANGANGAMBA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na barya lang ang ibibigay na dagdag na sahod sa lahat ng mga empleyado ng gobyerno sa pamamagitan ng Salary Standardization Law (SSL).

Sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang Kapulungan ng Kongreso ng bagong SSL law upang maitaas ang sahod ng lahat ng empleyado ng gobyerno.

Subalit ayon kay ACT Teacher party-list Rep. France Castro, huwag aniyang umasa ng malaking dagdag na sahod dahil sa pahayag mismo ni Duterte na “a little big bigger” o hindi kalakihan ang itataas na sahod ng mga government workers.

“We are dismayed with the statements of President Duterte of stating another promise with the increase in salaries for teachers and all other government employees,” ani Castro.

Sinabi ng mambabatas na posibleng mas maliit sa P2,000 na dagdag na sahod ng mga public school teachers at mga ordinaryong manggagawa sa gobyerrno sa loob ng apat na taon o mula 2016 hanggang 2019 sa ilalim ng SSL 4.

Malayung-malayo aniya ito sa P10,000 na hinihingi ng mga ito na dagdag na sahod para sa mga public school teachers at mahigit P6,000 para sa mga ordinaryong empleyado ng pamahalaan.

“A little bit bigger’ is very far from the doubled salaries he gave to uniformed personnel. ‘A little bit bigger’ will not be enough for a decent living wage for teachers that shoulder the shortages in school facilities and materials,” ayon pa kay Castro.

Dahil dito, sinabi ni Castro na tuloy na ang laban para sa disenteng sahod umano, hindi lamang ng mga public school teachers, nurses at iba hangga’t hindi sila pinapakinggan ng gobyerno.

“Hangga’t hindi naibibigay ng gobyerno ang sweldo na disente at nakabubuhay sa kanyang mga empleyado lalo na sa mga guro, patuloy na ipaglalaban ang nakabubuhay na sahod, karapatan at mga benepisyo,” ayon pa sa lady solon.

Read More

DAGDAG-SAHOD NG PULIS, SUNDALO MATATANGGAP NA

(NI BETH JULIAN)

GOOD news!

Inaasahang matatanggap na ng mga sundalo at mga uniformed personnel ang kanilang inaasam na dagdag sweldo.

Ayon kay Budget and Management Officer in charge Janet Abuel, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang national budget no. 576 na nagsisilbing panuntunan  para sa second tranche ng naturang dagdag sahod.

Paliwanag ni Abuel, dapat ay noong Enero pa ito naipatupad pero naantala ito dahil sa pagkabinbin ng pagpasa sa 2019 national budget.

Gayunpaman, naka-retroactive naman ang naturang dagdag sahod simula Enero 1, 2019, kaya walang dapat na ipag alala.

Sakop ng dagdag sahod ang lahat ng law enforcement agencies maging ng law enforcement personnel ng Philippine National Police (PNP).

 

Read More

ANDAYA SUSUGOD SA SC; DIOKNO PIPITPITIN

andaya

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAGHAHAIN ngayong umaga sa Korte Suprema ng Writ of Mandamus si House Majority Leader Rolando Andaya Jr., para obligahin ang Department of Budget and Management (DBM) na ituloy ang 4th tranche ng Salary Standardization Law (SSL) 4.

Ito ang inanunsyo ng tanggapan ni Andaya ukol sa kanyang ihahaing petisyon sa Korte Suprema ngayong alas-11:00 ng umaga dahil ipinagpaliban ang 4th tranche ng SSL 4 dahil hindi pa naipapasa ang 2019 national budget.

Ang mandamus ay isang hudisyal na remedyo sa anyo ng isang utos mula sa isang superyor na korte, sa anumang korte ng korte ng pamahalaan, korporasyon, o pampublikong awtoridad, na gawin ng ilang partikular na batas na ang katawan ay obligado sa ilalim ng batas na gawin, at kung saan ay sa likas na katangian ng pampublikong tungkulin, at sa ilang mga kaso isa sa isang tungkulin ayon sa batas. Hindi ito maaaring ibilang upang pilitin ang isang awtoridad na gawin ang isang bagay laban sa batas na probisyon.

Unang nagbanta si Andaya na dalawang linggo na ang nakakaraan na maghahain ito ng mandamus kapag hindi ni-release ni Secretary Benjamin Diokno ang ikaapat at huling bahagi ng SSL 4 ng mga empleyado ng gobyerno.

Unang ipinatupad ang SSL 4 sa pamamagitan ng Executive Order (EO). No.201 na inilabas ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III noong Pebrero 19, 2016, para sa dagdag na sahod ng mga empleyado ng gobyerno.

Ngayong taon ang huling pagtataas ng sahod ng mga empleyado ng gobyerno kasama na si Pangulong Rodrigo Duterte subalit ipinagpaliban ito ni Diokno dahil hindi pa naipapasa ang 2019 national budget na nagkakahalaga ng P3.757 Trillion.

Ayon kay Andaya, may pondo ang SSL 4 sa ilalim ng reenacted budget o ang paggamit sa 2018 budget par sa SSL 4 na P100 bilyon kaya walang dahilan para hindi ito irelease ni Diokno.

 

 

 

 

Read More

DIOKNO PIPIGAIN SA DAGDAG-SAHOD

diokno200

(NI NOEL ABUEL)

MAY panawagan si Senate Minority Leader Franklin Drilon kay Pangulong Rodrigo Duterte at Executive Secretary Salvador Medialdea na agad aksyunan ang pagharang ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa pagpapatupad ng ikaapat na bahagi ng Salary Standardization Law (SSL).

“Siguro ang mga abogadong kagaya ko are in the better position to say whether it is constitutional or not,”  ani Drilon.

Sinabi pa nito na may sapat na batayan upang ipatupad ang dagdag sahod dahil nakasaaad ito sa Executive Order ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Maliban pa dito, kahit pa umano reenacted ang budget ng unang bahagi ng 2019, nakasaaad naman sa 2018 National Budget ang paggamit ng pondo sa ilalim ng Miscellanous Personnel Benefit Fund (MPBF).

“May batas authorizing the salary standardization increase, ‘yan po ay pinirmahan ni dating Pangulong Noynoy Aquino bago siya umalis. 2nd, meron pong savings, sa 2018 malaki ang savings sa MPBF na isang lump sum amount na nakalagay sa 2018. Ako ay sigurado na di pa nauubos ito,” paliwanag pa ni Drilon.

Dahil dito, hindi umano maaaring i-hostage ni Diokno ang mga senador at apurahin ang approval ng 2019 National Budget.

“Dapat po pakialaman ng Pangulo ito, di lang po si Sec. Diokno ang dapat mangasiwa kundi si Sec. Medialdea. Nananawagan kami kay Sec. Medialdea to review this act of Sec. Diokno,” giit ng senador.

“Hindi pwedeng i-hostage ang delay sa approval ng 2019 budget, di po tama yan at di dapat gawin,” dagdag nito.

Ganito rin ang panawagan ni Senador Bam Aquino kung saan hindi umano katanggap-tanggap na patuloy ang pagmamatigas ng DMB na ilabas ang nasabing pondo.

 

 

 

Read More