SEN. PACQUIAO NAPAGKAMALANG PRESIDENTE NG PINAS

MANNY PACQUIAO

SAKSI AKO copy(NI KC GUERRERO)

Sabi sa pralala ng Eddy Awards ng The Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), large diversity ang ni-represent ng kanilang 7 nominees for major categories.

Mas malawak at malaki ang pagkakaiba-iba ng mga nominado sa Star Awards for Movies.

Sampu ang Star Awards nominees:

Ogie Alcasid, Nonie Buencamino, Paolo Contis, Dingdong Dantes, Eddie Garcia, Coco Martin, Daniel Padilla, Piolo Pascual, James Reid, Vic Sotto.

Sa Eddys:

Paolo Contis, Christian Bables, Eddie Garcia, Carlo Aquino, Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Daniel Padilla.

Inisnab ng Eddys ang Ogie, Coco, Vic at James.

Labanan ito ng mga millennials at mga subok ng magagaling na veterans.

###

Sa ginanap na piging ni Sen. Manny Pacquiao sa mga incoming new lawmakers at sa mga nagbabalik sa Senado, kitang-kita na happy ang lahat. May super-majority na sa Senate.

Ang PDP-Laban PR Man/Manager Arnold Vegafria (mentor ng Pacquiao clan and avid supporter/producer ni newly-elect Sen. Ronald Bato dela Rosa) ay siya ring nag-produce ng Bato, The Movie.

This is also a celebration for a Change Is Coming for the country which will become the New Federal Government of the Philippines with Manny Pacquiao as the new president or the new Prime Minister.

Sa coverage na ng viral PeryodikoFilipino Inc. Hollywood and foreign correspondent for Sports na si Dr. Ponciano Melo, akala ni Evan Turner (player ng Portland Trail Blazers) ay si Manny Pacquiao ang presidente ng Pilipinas!

Visit John Melo sa YouTube o Facebook at mapapanood ninyo ang mga viral materials sa makulay na buhay ng correspondent ng Diaryo Bomba at SAKSI Ngayon sa buong North America.

###

DAHIL nakantiyawan ako ng kapwa editor, nakapagtanong ako sa gwaping na singer na Chicago-based, si Nick Vera Perez sa presscon na ginanap sa Rembrandt Hotel. Looking for love pa rin si Nick. Handsomest bachelor kumbaga.

Sobra-sobra ba ang income niya as nurse kaya afford niyang mag-give-back sa mga kababayan niya sa Pilipinas?

Maluha-luha si Nick sa tanong ko.

Reminiscing siya ng hirap ng kanyang ina sa pagsuporta sa kanyang edukasyon sa UST.

Naging instant idol namin si Nick dahil madamdamin ang kanyang version ng Martin Nievera song na “Be My Lady.”

Kaya manonood  kami ulit ng kanyang  special guesting sa Funny One More Time show ng mga Pinoy comics like James Caraan, Mak Navarez, Sergio Belarus at Anthony Andres sa May 23, 2019, 8 p.m. sa After Twelve Kitchen and Bar sa 128 Mindanao Avenue, Quezon City.

See you there!

Tatawag talaga ako kay new bff  Sec. Salvador Panelo at ire-recommend ko itong si Nick Vera Perez na  maging ambassador to the World from the Philippines representing all the loving mothers.

Aba naman, ang kanyang nationwide tour sa Pinas ay pagpapahalaga sa kanyang pinakamamahal na mother, Vicitacion Tan.

 

 

Please follow and like us:
Read More

DUTERTE NASA MAAYOS NA KALAGAYAN  SA BAHAY PANGARAP

DUTERTE

(NI CHRISTIAN DALE)

TINIYAK ng Malakanyang na nasa Bahay Pangarap sa Malacañang Park lamang si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ang Bahay Pangarap ang Official Residence ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, marami umanong pinipirmahan na papeles at dokumento si Pangulong Duterte.

“There is no truth to the rumor circulating that President Rodrigo Roa Duterte is confined in Cardinal Santos Medical Center in San Juan.

The President is in his residence at the Palace signing papers,” ani Panelo.

Nakausap niya si Pangulong Duterte kung saan ay hindi naman nito kinumpirma o itinanggi na nagpunta siya sa Cardonal Santos Medical Center sa San Juan City.

” I just talked to him, he is neither confirming nor denying that he went to the hospital,” lahad nito.

Nauna rito, kapwa sinabi naman nina dating Special Assistant to the President (SAP) at senatoriable Bong Go at Executive Secretary Salvador Medialdea na ‘not true’ ang balita.

May sitsit na dinala umano sa Cardinal Santos si Pangulong Duterte kung saan “coded blue” ang nasabing ospital.

Sinasabi pa na umano’y blocked off din umano pati parking lot ng Cardinal Santos.

Samantala, humingi naman ng paumanhin si PSG spokesperson Captain Zeerah Lucrecia na hindi nito masasabi kung nasaan ngayon si Pangulong Duterte.

Ang tanging tiniyak lamang niya ay maayos ang kalagayan nito.

“Ma’am my apologies. I hope you understand that due to security protocols, we can not divulge the President’s location. However, we can assure you, that the President is well and good,” ayon kay Capt. Lucrecia sa isang text message.

Please follow and like us:
Read More

PANELO: SANDRA CAM MAAARING MAG-RESIGN KUNG GUSTO NIYA

SANDRACAM13

BINUWELTAHAN ng Malacanang ang pasabog ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board director Sandra Cam sa pagsabing malaya siyang makaaalis sa pwesto kung hindi na niya masikmura ang korupsiyon sa ahensiya.

Hindi na rin umano niya kailangan pa ang aksiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin siya sa pwesto, ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo.

Isang press conference ang ipinatawag ni Cam noong Huwebes at hiniling nito sa Pangulo na sibakin na siya sa pwesto dahil umano sa mga katiwaliang nagaganap.

Ayon sa report, sinabi ni Cam na may P10 bilyon ang nawawala dahil sa Peryahan ng Bayan project.

Hinihimok din umano siya ng kapwa niya mga director na baligtarin ang PCSO Board Resolution 83 na kikila sa bagong opisyal ng Speedgame Inc. na nagsasagawa ng operasyon ng Small Town Lottery sa Pangasinan.

Sinabi ni Cam na may utang pa ang Speedgame sa ahensiya ng aabot sa P132 million. Hindi rin umano gumagawa ng hakbang ang PCSO na kolektahin ang utang ng mga STL operators.

Sinabi naman ni Panelo na isapormal ni Cam ang kanyang reklamo at isumite ito sa

Presidential Anti-Corruption Commission upang maaksiyunan ito.

Maaari rin siyang magsampa ng kaso laban sa mga tiwaling opisyal ng PCSO at isumite ito sa PACC.

Tiniyak naman ng Palasyo na magsasagawa ng imbestigasyon sa mga alegasyon ng korupsiyon sa PCSO.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

VICTORY PARTY NG ADMIN BETS MALABO

duterte500

(NI BETH JULIAN)

OUT of character.

Ganito isinalarawan ni Presidential spokesperson Salvador Panelo si Pangulong Rodrigo Duterte nang usisain kung magbibigay ito ng victory party sa mga nanalong kandidato ng administrasyon nitong nagdaang eleksyon.

“Malabong mangyari yan, out of character ang Pangulong Duterte sa ganyang usapin, hindi naman mahilig yun sa ganun. Workaholic si Presidente,” pahayag ni Panelo.

Giit ni Panelo, kahit maging sa mga kapistahan o anumang okasyon ay hindi maaasahan ang Pangulo maliban lamang kung may mga importante itong kausap na may kaugnayan sa trabaho at kung hindi naman ay mas nais pa nitong manatili sa bahay.

Base sa official tally ng Comelec nitong May 15,  pawang mga kaalyadong kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte ang namamayagpag sa Senado saan walo sa 12 slot sa Senado ang napunta sa mga pro-Duterte habang ang apat ay sa mga independent candidate.

“Makikita na indikasyon iyon na marami pa rin ang sumusuporta sa pamumuno ng Pangulo,” ani Panelo.

Nakapasok sa magic 12 sina administration senatorial candidates at dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, dating PNP chief at NBP director Bato dela Rosa, Francis Tolentino at Koko Pimentel habang ang mga guest candidates ng administrasyon ay sina Cynthia Villar, Pia Cayetano, Sonny Angara at Imee Marcos.

Samantala, wala pa namang ideya si Panelo kung kukunin ng Pangulo o itatalaga nito bilang Cabinet members ang mga talunang kandidato ng administrasyon para iluklok sa mga bakanteng puwesto.

“Hindi ko pa alam, but there are many ways of serving, hindi lamang naman eh dapat appointed ng Pangulo,” katwiran pa ni Panelo.

Please follow and like us:
Read More

‘ALEGASYON NA ‘MASSIVE CHEATING’ ASAHAN SA TALUNAN’

bayan muna12

(NI BETH JULIAN)

ASAHAN  na.

Ito ang tugon ng Malacanang sa alegasyon nina Bayan Secretary-General Renato Reyes at Neri

Colmenares na may nangyaring massive cheating o talamak na dayaan sa katatapos lamang na 2019 national elections.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, pagkatapos ang pagkatalo ng ilang anti-Duterte candidates nitong nagdaang halalan gaya nina Reyes at Colmenares na agad na kinuwestyon ng mga ito ang Duterte magic na nagpabagsak sa maraming left-leaning party-list groups at  kanilang mga kandidato sa pagka-senador.

Iginiit ni Panelo na ang pagkatalo ng mga ito ay nagpapakita ng indikasyon na hindi na pinaniniwalaan ng taumbayan ang kanilang mga adbokasiya laban sa war on drugs, extra-judicial killings, South China Sea, one-man rule, at iba pa na pilit na ipinapasok sa isipan ng taunbayan.Filipino.

Bunsod nito, sinabi ni Panelo na dapat nang magsilbing wake-up call ang pagtanggi na ng mga Filipino sa mga ipinaglalaban ng mga ito para sa kanilang mga pagkilos at aksyon.

“Unfortunately, Mr. Reyes, instead of throwing in the towel and yield to the resounding voice of the electorate, opts to throw his false and malicious narratives at the Duterte administration. Lahat naman ng mga sinabi niya ay wala man lang kaakibat na ebidensiya at salat sa katotohanan,” wika pa ni Panelo.

“Isa pa, half ng komisyoner ng Commission on Elections ay appointees ni dating president Noynoy Aquino. In fact, supporters of the administration candidates remain vigilant to protect their votes from being altered. Kailaman ay hindi makikiaalam ang Pangulong Duterte sa eleksyon,” dagdag pa ng kalihim.

Pahayag pa ni Panelo na ang tinutukoy na “Duterte Magic”, ay nangangahulugan ng total package ng ‘sterling performance at good governance’ na ibinigay ni Pangulong Duterte sa mga Filipino.

Dito, ayon kay Panelo, umaasa ang Malacanang na mapagkumbabang tatanggapin ni Reyes ang kanyang pagkatalo.

Itinuturing ding maling strategy ng mga ito ang pag-atake sa mga non-candidate President na nananatiling  popular sa mga tao at nakapagtala ng 81% public satisfaction rating pabor sa administrasyon sa kasagsagan ng kampanya.

“It triggered a backlash against the opposition candidates. They should have presented an alternative platform of governance and discussed how their brand of politics would be much better than the kind that the administration candidates would provid,” wika pa ng tagapagsalita.

“The sovereign voice has spoken. We urge the opposition, the critics and the detractors to bow to the majesty of the rule of the majority, lest we are swept away by the rampaging tidal waves of change,” panawagan ni Panelo sa mga oposisyon.

 

Please follow and like us:
Read More

POLITICAL DYNASTY NASA KAMAY NG BOTANTE

panelo 200

(NI BETH JULIAN)

NASA kamay ng mga botante ang pagpapatuloy ng pagtigil na ng sistema ng political dynasty.

Ito ang paniniwala ng Malacanang sa gitna ng pagkagiba ng mga kilalang angkan ng mga politiko sa nagdaang eleksyon.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, magkakaiba ang paniniwala ng mga Filipino sa political dynasty.

Aniya, iba ang dynamics sa local elections dahil ang mga residente o constituents ang mas nakaaalam kung ano at sinong opisyal ang makabubuti para sa kanila.

Ayon kay Panelo, kung maayos naman ang pamumuno ng angkan ng politiko sa kanilang termino ay walang balakid at tiyak na ibabalik sila sa puwesto ng taumbayan.

Pero kung hindi naman maganda ang performance o ipinakitang serbisyo ng isang angkan ng politiko ay aayawan sila mismo ng kanilang residente at tiyak na hindi na iboboto pa.

Kaugnay nito, ipinauubaya na rin ng Palasyo sa susunod na Kongreso kung magsusulong ito ng mga hakbang o panukalang batas laban sa political dynasty.

Please follow and like us:
Read More

PALASYO UMAPELA SA MGA POLITIKO

dutert100

(NI BETH JULIAN)

UMAPELA ang Malacanang sa mga kandidato mula sa iba’t ibang partido na panatilihing maging tapat, maayos, mapayapa at kapani-paniwala ang halalan sa bansa ngayong Mayo 13.

Kasabay nito, hinikayat din ng Malacanang ang mga botante na  makiisa at gamitin ang karapatan na iluklok ang nararapat na manungkulan para sa ikabubuti ng kanilang lugar at ng bansa.

“Nananawagan kami sa lahat ng Filipino na may karapatang bumoto na pairalin ang kanilang kapangyarihan na mag-participate in this healthy democratic exercise as we call on all candidates across the political spectrum to ask their supporters to observe an honest, orderly, peaceful and credible elections reflective of the people’s genuine will,” pahayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo.

Ayon kay Panelo, nakahanda na sa halalan ang may 36,000 eskuwelahan para gamitin bilang polling precincts at may 230,000 guro naman ang tatayo bilang  electoral boards at technical support para sa halalan sa Lunes.

Naglunsad na rin ang PNP ng National Election Monitoring Action Center upang i-monitor ang sitwasyon ng lahat ng  polling centers mula Camp Crame, kabilang na ang pagdating ng vote counting machines (VCMs), pagbibilang ng balota at pagdi-deliver ng mga  ballot boxes.

 

Please follow and like us:
Read More

6-7 % ECONOMIC TARGET KAYANG MAABOT — PALASYO

panelo

(NI BETH JULIAN)

KUMBINSIDO ang Malacanang na maaabot ng gobyerno ang anim hanggang pitong porsiyentong economic target para 2019.

Sa kabila ito ng naitalang pagbagal ng GDP gross o sa ekonomiya ng bansa sa unang tatlong buwan ng 2019 na sumipa lamang sa 5.6 percent.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nawawala ang economic momentum ng pamahalaan lalo na ngayong wala nang problema sa pambansang budget.

Kumpiyansa si Panelo na magtutuluy-tuloy na ang mga proyektong pang imprastraktura ng gobyerno na inaasahang makapag aambag ng pagpalo sa lokal na pagangailangan.

Ayon pa kay Panelo, natugunan na rin naman ng economic managers ang isyu ng inflation.

Bukod sa pagkaantala ng 2019 budget, nakaambag din umano sa mabagal na paglago ng ekonomiya ang El Nino sa bansa na lubhang nakaapekto sa maganda sanang galaw ng mga produktong pang agrikultura.

 

 

Please follow and like us:
Read More

‘BIKOY’ MAY KASABWAT; KREDIBILIDAD WASAK — PANELO

panelo15

(NI BETH JULIAN)

NANINIWALA ang Malacanang na may kasabwat si Peter Joemel Advincula para sirain ang pamilya Duterte.

Ito ang reaksiyon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, matapos lumutang sa Integrated Bar of the Phippines (IBP) si Advincula na nagpakilalang si alyas Bikoy.

Gayunman, ayon kay Panelo, tila hindi namamalayan ng IBP na nagagamit sila ng  isang manloloko sa katauhan ni Advincula.

Giit pa ng opisyal, sumingaw ang baho ni Advincula matapos mabatid na marami itong criminal records tulad ng large scale estafa, illegal recruitment at pagnanakaw.

Ito ay patunay lamang na kuwestyunable ang kredibilidad ni Advincula.

 

Please follow and like us:
Read More