AURORA GOVERNOR SUSPENDIDO SA GRAFT

sandigan

(NI JEDI PIA REYES)

SIYAMNAPUNG araw na ipinasususpinde ng Sandiganbayan si Aurora Governor Gerardo Noveras dahil sa kasong graft.

Sa ipinalabas na resolusyon ng 6th Division ng anti-graft court, inaatasan si Noveras gayundin ang kanyang provincial legal officer na si Paz Torregosa na agad tumigil sa pagganap ng kanilang tungkulin sa oras na ipatupad ang preventive suspension.

Awtomatiko namang babawiin ang suspensyon kapag natapos na ang 90-araw.

Nag-ugat ang kaso nang kuwestyunin ang umano’y iregularidad sa kontrata ng pagpapakumpuni ng Dimalang Bridge Approach ng Casiguran-Dilasag Road.

Sinasabing pinaboran nina Noveras, Torregosa, at iba pang provincial official ang RMCR Construction sa bidding ng kontrata para sa proyekto.

Binigyang-diin naman ni Noveras sa kanyang tugon sa Sandiganbayan na hindi siya dapat na masuspinde dahil nabigong malinaw sa reklamo kung paanong nadehado ang gobyerno sa kontrata. Hindi na rin naman aniya siya makaka-impluwensya sa imbestigasyon o sa pahayag ng mga testigo dahil naisumite na sa Court of Appeals ang mga documentary evidence at affidavit ng mga saksi.

Gayunman, sinabi ng Sandiganbayan na ang 90-preventive suspension ay obligadong ipatupad sa ilalim ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

“The presumption is that unless the accused is suspended, he may frustrate his prosecution or commit further acts of malfeasance or do both,” saad ng korte.

 

Read More

P200-B FORFEITURE CASE IBINASURA NG SANDIGAN VS PAMILYA MARCOS

(NI ABBY MENDOZA)

PANIBAGONG forfeiture case na nasa P200-bilyon laban sa pamilya Marcos at crony nito ang ibinasura ng Sandiganbayan dahil sa kawalan ng ebidensya.

Ito na ang ikaapat na civil case  laban sa mga Marcoses na ibinasura ng graft court ngayong taon.

Matatandaan na 3 pang forfeiture case ang naipanalo ng mga Marcoses dahil din sa kawalan ng ebidensya kabilang dito ang P102B  noong Agosto,  P1-billion noong September  at P267.371M noong October 14, 2019.

Sa 58 pahinang desisyon ng Sandiganbayan sinabi nito na ang pagbasura sa kaso ay dahil sa kabiguan ng prosekusyon na patunayan ang alegasyon laban sa mga Marcoses at kawalan ng mga matitibay na ebidensya.

“Wherefore, premises considered, for failure of the plaintiff to prove its allegations by preponderance of evidence, the subject complaint filed against defendants Estate of Ferdinand Marcos, Imelda Marcos  is hearby dismissed,” nakasaad sa desisyon.

Ayon sa Sandiganbayan, bulto ng documentary evidence na iprinisinta sa prosekusyon ay pawang mga photocopies na ang karamihan ay hindi na mabasa.

Ang nasabing kaso ay isinampa noong 1987 laban sa mag- asawang Ferdinand at Imelda Marcos at mga anak na sina Imee, Bongbong at Irene.

Nais ng PCGG na marekober ang P200 billion na ill-gotten wealth ng pamilya, kabilang dito ang P976M  bank deposits Security Bank and Trust Company; P711M bank deposits sa Traders Royal Bank;P18M residential property sa Leyte; P33M sa agricultural land sa Leyte;P1.6B B shares of stock sa PLDT; US$ 292 M foreign bank deposits; US$ 98M investments sa Estados Unidos at United Kingdom; mga alahas at mga painting.

“On a final note, the Court acknowledges the atrocities committed during Martial law under the Marcos regime and the ‘plunder’ committed on the country’s resources. However, absent sufficient evidence that may lead to the conclusion that the subject properties were indeed ill-gotten by the Marcoses,” ayon pa sa Sandiganbayan.

 

Read More

EX-MAYOR SA FERTILIZER SCAM KULONG SA GRAFT

BATAS-1

(NI ANNIE PINEDA)

NAHATULAN ng pagkakakulong ng Sandiganbayan ang dating alkalde sa kasong graft na may kinalaman sa fertilizer scam.

Sa desisyon ng Sandiganbayan 3rd Division na nilagdaan nina Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang at Associate Justice Bernelito Fernandez, napatunayan guilty sa kasong graft si dating Butuan City Mayor Leonides Theresa Plaza kasama ang pitong iba pang opisyal ng nasabing lokal na pamahalaan ng nasabing lungsod.

Ang pito ay kinilalang sina Salvador Satorre, Adulfo Llagas, Arthur Castro, Rodolfo Evanoso, Bebiano Calo, Danilo Furia, at Melita Galbo.

Nag-ugat ang nasabing kaso taon 2014 fertilizer fund scam dahil sa pagbili 3,333 bote ng liquid fertilizers mula sa Feshan Philippines, Inc. sa halagang P1,500 bawat isa na mas mataas sa halagang 1,000 porsiyento.

Lumabas din sa pagsisiyasat ng Office of the Ombudsman at ng Commission on Audit na ang nasabing mga fertilizer ay walang ipinagkaiba ang kalidad sa mga fertilizers na nagkakahalaga lamang ng P120 hanggang P125 bawat litro.

Nagkaroon din ng sabwatan ang alkalde at mga ospiyal na akusado at mapadali ang proseso sa pagpapalabas ng naturang pondo.

Dahil ito, pinatawan ng pagkakakulong ng 10 taon ang mga akusado at habambuhay na diskuwalipikasyon humawak ng kahit anong posisyon sa gobyerno.

Bukod rito, pinagbabayad rin si Palza P4.5-milyong multa sa pamahalaan lokaL ng Butuan City.

 

Read More

MASBATE EX-MAYOR HINATULAN NG 20 TAONG PAGKAKAKULONG 

(NI ABBY MENDOZA)

DAHIL sa kabiguan na i-liquidate ang P26.5M cash advances, pinatawan ng 20 taong pagkakakulong ng Sandiganbayan Seventh Division ang dating alkalde ng Masbate matapos mapatunayang guilty sa kasong malversation of public funds.

Si Milagros Masbate Mayor Bernardito Abado ay hinatulang guilty at pinatawan ng parusang  pagkakakulong ng 12 hanggang 20 taon, bukod dito  ay diskuwalipikado na din si Abapo na makapagtrabaho sa anumang tanggapan ng gobyerno at inatasan ito ibalik sa gobyerno ang nasabing halaga.

Binigyang bigat ng Sandiganbayan sa pagdedesisyon sa kaso ang kabiguan ni Abapo na ipaliwanag kung saan at paano nagastos ang P26.5 milyong cash advance nito sa kabila ng makailang beses na demand letter ng Commission on Audit (COA) to account for the public funds.

“In this case, there is no doubt that accused Abapo failed to overcome this prima facie evidence of guilt. He failed to explain why despite a considerable period of time, his cash advances remained to

be unliquidated much less, to restitute the amount upon demand,” nakasad sa 29-pahinang desisyon ng graft court.

Bilang depensa sinabi ni Abapo na nagawa niyang i-liquidate ang nasabing cash advance subalit ang kanyang ginawang report ay hindi pala umabot sa Office of the Treasurer matapos na mamatay ang kanilang municipal administrator.

Hindi  kinatigan ng Sandiganbayan ang alibi ni Abapo at sinabing bilang public official ay tungkulin nito na mayroon siyang mga kopya ng mga liquidation papers.

 

Read More

‘DI SA AKIN NAPUNTA ANG P25-M — PADACA

(NI KIKO CUETO)

INAMIN ni dating Isabela governor Grace Padaca na na-shock siya sa naging desisyon ng anti-graft court kaugnay sa umano’y ‘misuse’ ng P25 million na agricultural funds na inihaing kaso laban sa kanya.

“Sa akin ba napunta ang P25 million, hindi sa magsasaka? Ibinigay na po namin ang mga ebidensiya, ganyan pa rin ang nangyari that’s why I did not even know what to say, what to think, what to feel,” sinabi ni Padaca sa panayam sa DZMM.

Nitong Biyernes, hinatulan ng Sandiganbayan 3rd Division si Padaca ng guilty sa kasong malversation and graft, at nasentensyahannng jail term.

Aabot sa 14 na taong pagkakabilanggo ang kakaharapin ni Padaca.

Si Padaca, ay isang dating broadcaster, at 2008 Ramon Magsaysay Awardee for government service.

Tinalo niya noon ang incumbent governor mula sa Dy clan, na kilalang political family.

“Sabi ko later kay Atty. (Rogelio) Vinluan na parang ang sama-sama ko naman, parang ang dami ko namang kasalanan when the only thing that I did regarding the P25 million fund is noong pinirmahan ko po ‘yung tseke para i-release na sa NGO na magma-manage nito, para ipautang sa mga magsasaka at para singilin after the anihan… wala na akong naging role after that,” sinabi nito.

“Because it was so hard to imagine for me ‘yung ganitong [this] scenario pero [but] it happened. I was too shocked, I’m numbed. Ganun ang epekto sa akin (That was the effect on me),” dagdag ni Padaca.

Ipinaliwanag din niya kung ano nangyari sa P25-million fund.

“‘Yung mga [ebidensiya na] dinala namin mukhang hindi naging importante sa pagtingin ng hukuman,” sinabi niya.

Sinabi pa ni Padaca na sa lahat ng transaksyon, lagi siya sumasangguni sa Sangguniang Panlalawigan.

“‘Yun po ang naging papel ko, na humingi ng authority sa Sangguniang Panlalawigan, they gave it to me, they ratified the MOA, I released the check, the check was managed by the NGO,” sinabi niya.

 

Read More

LEYTE MAYOR KINASUHAN SA INISYUNG PERMIT SA SABUNGAN

sandigan

(NI ABBY MENDOZA)

DAHIL sa paggamit sa kanyang posisyon, kinasuhan sa Sandiganbayan ng Office of the Ombudsman ang dating alkalde ng Babatngon, Leyte matapos bigyan ng permit ang isang sabungan nang walang isinumiteng kumpletong requirements.

Si dating Babatngon Mayor Charita Chan ay nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay sa Presidential Decree No. 1802 (Creating the Gamefowl Commission) at paglabag sa isang local cockfighting ordinance.

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires malinaw na ginamit ni Chan ang kanyang posisyon para pagbigyan ang isang negosyante.

Nabatid na noong 2009 ay binigyan ni Chan ng permit to operate ang negosyanteng si Nicomedes Ade para sa isang sabungan sa lalawigan.

Ito ay sa kabila ng nauna nang na-deny na mabigyan ng mayor’s permit ang negosyante dahil kulang-kulang ang mga requirements nito kabilang na ang building permit, location at vicinity map, building plan at certification na ang sabungan ay malayo ng 200-meter radius sa mga residential at commercial areas.

Inirekomenda naman ng Ombudsman ang P30,000 piyansa laban kay Chan.

 

Read More

9 EURO GENERALS LUSOT SA GRAFT

sandigan

(NI ABBY MENDOZA)

PINAWALANG sala ng Sandiganbayan ang siyam na general ng Philippine National Police(PNP) na una nang kinasuhan ng graft at technical malversation dahil sa paggamit ng P10 milyon confidential fund bilang kanilang travel at contingency fund nang dumalo sa isang Interpol Assembly sa Russia noong 2008.

Sa 55-pahinang desisyon ng Sandiganbayan Second Division sinabi nito na nabigo ang prosekusyon na patunayan beyond reasonable doubt ang kasong isinampa laban kina dating PNP Comprotller Police Major General Eliseo Decena Dela Paz, at mga generals na sina Tomas Rentoy III,  Ismael Rafanan, Orlando Pestaño, Samuel Rodriguez, Emmanuel Carta, Romeo Ricardo,  German Doria at Jaime Garcia Caringal.

Kasabay ng pagbasura sa kaso ay iniutos din ng Sandiganbayan na ibalik ang kanilang bail bonds at alisin ang kanilang pangalan sa Hold Departure Order.

“The prosecution bears the burden to establish the guilt of the accused beyond reasonable doubt. It is the prosecution’s duty to prove each and every element of the sense charge in order to warrant a finding of guilt for the same. The prosecution failed to sufficiently establish the essential elements of the crimes charge and to overcome the presumption of innocence in favor of the accused. Accordingly, the case against the accused are hereby dismissed,” nakasaad sa desisyon.

Nag-ugat ang kaso noong 2008 nang makumpiska kay Dela Paz at asawa nito ang may 105,000 euros (P6.9M) at P2.9M na pawang hindi nila idineklara nang magtungo sila Russia kasama ang iba pang akusado para dumalo sa Interpol General Assembly.

Depensa ni dela Paz na travel at contingency fund ng kanilang delagasyon ang bitbit nilang pera subalit iginiit ng prosekusyon na ito ay confidential funds ng PNP.

Sa desisyon ng graft court sinabi nito na hindi  napatunayan ng prosekusyon na nagkaroon ng undue injury sa gobyerno ang  kaso dahil naibalik ang pera at walang ipinalabas na  Notice of Disallowance gayundin ay napatunayan na isang official activity ang dinaluhang Interpol Assembly. Hindi  rin umano napatunayan ng prosekusyon na ang ginastos ng mga heneral sa interpol assembly ay hindi covered expenses.

 

Read More

EX-MAYOR KULONG NG 104 TAON SA GRAFT

sandigan

(NI ANNIE PINEDA)

HINATULAN ng Sandiganbayan ng higit sa 104 na taon pagkakakulong ang dating alkalde dahil sa mga kasong graft at malversation.

Sa desisyon ng Sandiganbayan Fourth Division, guilty si dating Ilocos Sur Sta. Catalina mayor Carlos Asuncion sa 8-bilang ng kasong graft at 4 na bilang ng kasong malversation of public funds.

Nag-ugat ang nasabing kaso nang magdonate umano ng P400,000 si Asuncion sa isang non-government organization na kinuha nito sa tobacco excise tax collection ng nasabing bayan.

Dahil dito, pinatawan ng 6 hanggang 10 taon na pagkakabilanggo si Asuncion sa bawat bilang ng kaso nitong graft samantalang anim na taon na pagkakabilanggo ang parusa nito sa bawat bilang ng kasong malversation.

Sinabi pa ng korte, bigo si Asuncion na idepensa ang sarili at naipakitang sapat na ebidensiya para pasinungalingan ang akusayon laban sa kanya.

Pinagbawal na rin humawak ng kahit na anong posisyon sa gobyerno ang dating alkalde.

Kasama rin sa mga pinatawan ay sina Mamelfa Amongol, Rosita Ragunjan, Virginia Rafanan at Genoveva Ragasa ng Bayanihan ng Kababaihan na kaparehong parusa at pinagbabayad ng P400, 000 na katumbas ng kanilang ginastos na pondo na galing sa municipal share sa tobacco excise tax collections ng bayan noong 2012 kahit hindi inaprubahan ng konseho o ng kahit anong budget ordinance.

Napatunayan din na ang Bayanihan ng Kababaihan ay hindi kasama sa mga magsasakang nagtatanim ng tabako.

 

Read More

PULIS, SUNDALO SA MORONG 43, ABSWELTO

morong43

(NI ABBY MENDOZA)

IBINASURA  ng Sandiganbayan 7th Division ang kaso laban sa mga opisyal ng militar at pulisya na kinalaman sa kaso ng  Morong 43 noong 2010.

Sa  desisyon ng graft court, kinatigan nito ang demurrer to evidence na inihain ng mga akusado.

Ayon sa Sandiganbayan, walang sapat na ebidensya na magsasabing guilty beyond reasonable doubt ang mga akusado.

Ang mga opisyal na una nang kinasuhan ng paglabag sa  Republic Act 7437 o Rights of Persons Arrested, Detained or Under Custodial Investigation ay sina  Lt. Gen. Jorge Segovia, retired Maj. Gen. Aurelio Baladad, Brig. Gen. Joselito Reyes, Col. Cristobal Zaragoza, Police Supt. Marion Balonglong, Police Supt. Allan Nobleza, at Army Major Jovily Cabading.

Inutos din ng graft court na alisin na sa hold departure order ang mga akusado.

“The bond posted by accused for their provisional liberty during the pendency of these cases are ordered cancelled and returned to said accused, subject to any liability of bond. The Hold Departure Order (HDO) issued against accused in these cases is hereby recalled,”nakasaad sa 39 pahinang desisyon.

Inaresto ang 43 health workers na tinawag na Morong 43 matapos akusahang mga miyembro ng New People’s Army sa Morong, Rizal noong 2010 dahil sa illegal possession of explosives.

Napakawalan din ang Morong 43 matapos ang 10 buwan kasunod ng pagbawi ng Department of Justice (DoJ) sa kaso laban sa kanila.

 

 

Read More