THE SECOND COMING OF JULIAN ESTRADA

0

PAGKATAPOS  mag-workshop sa Star Magic ang kanilang batch noong 2013 ay isinabak kaagad ang tambalang Julian Estrada at Julia Barretto sa aktingan.

Sobrang kilig kami noong April 27, 2013 Sabado nang mapanood namin sa  Wansapanataym ang episode na “Si Bokbok Ang Batang Mapanubok.”  Sina Julian at Julia ay gumanap bilang Ian and Lily.

Pagkatapos magpakilig, nag-lie-low si Julian sa showbiz. Nag-aral. Nag-pursue ng career sa music. Ang  deejay na Julian  ang sinundan namin nang nawala siya sa pag-arte noong edad seventeen.

Ano kaya ang nangyari kung nagtuloy-tuloy ang relasyon nila ni Julia?

Pagkatapos ng pitong taon, heto balik-akting si Julian.  Nakapag-first day shooting na siya sa pelikulang “Coming Home” na entry sa unang Metro Manila Summer Film Festival 2020.

Kasama niya sa pelikula ay dad niya sa tunay na buhay na si Ex-Senator Jinggoy Estrada, ang multi-awarded actress na si Sylvia Sanchez, Edgar Allan Guzman, Martin del Rosario, ang uncle niyang si Jake Ejercito at ang beauty queen na si Ariella Arida.

Sa ikalawang pagkakataon na susubukan ni Julian ang acting, sana ay maging tuloy-tuloy na ito.

Baka nga siya ang forever ni Julia Barretto? O siya ang lucky charm o magbibigay ng direksiyon sa career na tinatahak ng una niyang ka-loveteam. Nakitaan naming ng lalim sap ag-arte si Julian kaya bet naming siya for stardom. Sa pangalawang pagkakataon, sana maibigay niya ang hilig ng mga tagahanga. Sana mas talbugan niya ang grandpa Erap niya at Dad Jinggoy na parehong very profound kung  aktingan ang pag-uusapan.

Read More

MYRTLE SARROSA ALAGA NG REGAL KAHIT STAR MAGIC TALENT

myrtle44
0

(NI RK VILLACORTA)

ACCOMMODATING si Myrtle Sarrosa sa amin. Tsumika siya kahit hindi pa presscon proper para magkuwento ng update tungkol sa kanyang career at lovelife.

Second movie ng dalaga itong Ang Henerasyong Sumuko Sa Love na isang barkada movie under Regal kung saan may five-year contract siya kina Miss Roselle Monteverde at Mother Lily.

“I’m thankful kina Mother at Miss Roselle for this opportunity. Not all ay nabibigyan ng ganitong chance and break. Inalagaan ako ng Regal kahit I’m with Star Magic,” sabi niya.

Sa movie she plays the role of Junamae na isang promodizer na karelasyon ng boyfriend niya na si Hadji (Albie Casino) na very opposite sa karakter ng boyfie niya na isang hopeless romantic.

“I’m the practical girl. Hindi ma-emote. Hindi naniniwala na ang pagmamahalan ay may “forever”. Takot si Junamae sa salitang “commitment”. Basta mahal kita, mahal mo ako, mahal natin ang isa’t isa. Basta no label. But in real life, magkabaliktad naman ang karakter niya kay Junamae.

Si Myrtle ay in love sa isang non-showbiz guy.

“Wala siyang pakialam sa showbiz. Wala siyang alam pero he understands my work, me as an artista,” sabi ng dalaga. Hindi seloso ang Mr. Loverboy ni Myrtle.

Pero ewan ko kung hindi pa siya magseselos kapag napanood niya ang tinatapos na movie ng girlfriend niya na The Annulment (also from Regal) na magpapaseksi na siya.

In the film, she plays the other woman, while si Lovi Poe naman ang legal wife na knowing Lovi, kung paseksihan din lang naman, walang inuurungan na eksena ito sa kanyang mga pelikula.

Keri ba ni Myrtle na tapatan or higitan at makipagsabayan kay Lovi sa kaseksihan sa movie nila?

“Kinausap ako ni Miss Roselle. She explained to me about my role. Daring for me pero I accepted it dahil maganda.

“Magiging maganda naman ang gagawing execution ng camera works. Basta I trust Miss Roselle for this role,” pagtatapos niya.

EDITOR’S NOTE: Myrtle graduated cum laude with a degree in Broadcast Communication from the University of the Philippines.

Read More