DEPLOYMENT NG SUNDALO SA ME PINIGIL

SUNDALO-8

PINIGIL kahapon ni Defense Secretary Delfin N. Lorenzana ang plano ng gobyerno na mag-deploy ng dala-wang batalyon ng sundalo sa Middle East kaugnay ng repatriation ng Overseas Filipino Workers bunsod ng US –Iran tension.

Ayon kay Lorenzana, ito ay bunsod ng posibleng peligro sa sitwasyon sa mga bansang pupuntahan bukod pa sa makasisikip ang mga sundalo sa barkong pagsasakyan ng mga ililikas na OFWs.

Pahayag pa ni Lorenzana na siya ring chairman ng committee on the repatriation of Filipinos in the Middle East, iminungkahi nila kay Pangulong Duterte  na huwag nang ituloy ang deployment ng Philippine Marines at Philip-pine Army.

“DFA, Sec. Cimatu and the DOLE commented that it may not be wise to send uniformed servicemen to the Middle East due to the sensitivities of the countries there,” paliwanag pa ng kalihim.

Dahil dito ay napagpasyahan na magpadala na lamang ng small contingent o kumpanya ng sundalo sa halip na dalawang batalyon at kailangan na hindi sila armado at nakasibilyan lang.

Samantala, may 12 OFWs mula Baghdad, Iraq ang nakatakdang lumipad patungong Doha, Qatar at doon sasa-kay ng Qatar Airways flight patungong  Manila. Naantala lamang umano ang uwi ng OFWs dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal. (JESSE KABEL)

Read More

SUNDALO BAWAL NANG GAWING ESCORT

SUNDALO-8

UPANG hindi na magamit bilang private armies o sekyu ng mga politiko at iba pang personalidad ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines ay hindi na sila papayagan na maging security escort o bodyguards ng government at civilian officials.

Ito ang layunin ng inilabas na panibagong guidelines ng Department of National Defense (DND).

Base sa inisyung pahayag ni Defense Spokesperson Director Arsenio Andolong, sa bagong Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Executive Order 98 (EO 98) Series of 2019 ni Pang. Rodrigo Duterte,  hindi na papayagan ang mga military pesonnel na magsilbing bodyguards ng mga government at civilian officials.

Paliwanag ng tagapagsalita ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa, ang mga sundalo ay maaari lamang maging security escort sa mga entitled civilian offices at officials bilang aide-de-camp, military assistants o military administrative assistant base sa paiiraling IRR.

Hindi na umano palalawigin pa ang assigment o details ng mga military personnel na nakatalaga bilang bodyguards o security aide/escort ng mga politiko o VIPs.

Para makatupad sa sinumpaang mandato ay ipinauubaya na sa Philippine National Police (PNP) ang pagbibigay ng security service/escort sa mga nasabing indibidwal.

Ayon kay Andolong, mag-iisyu rin ng magkahiwalay na rules and regulations ang DND at DILG para sa agarang implementation ng EO 98.

Ang mga maaari lamang magkaroon ng military assistants sa ilalim ng bagong IRR ay ang Senate president, Speaker of the House, national security adviser at NICA director general. (JESSE KABEL)

Read More

PAANO MAGING SUNDALO?

sundalo-5

(Ni JG Tumbado)

Karaniwang pangarap ng mga batang lalaki ang maging sundalo sa pagtuntong nila sa tamang edad. Naroon kasi ang paniwala nila na ibang responsibilidad ito at tunay na karangalan ang magsilbi at maprotektahan ang bansa.

Sa kabila ng mga kontrobersya na naipupukol sa Armed Forces of the Philippines (AFP), mataas pa rin ang tiwala at respeto ng mga tao sa nasabing puwersa ng militar ng Pilipinas. Ito ay dahil ang bigat ng mandato at tungkulin ng AFP na panatilihing ligtas ang lawak ng nasasakop na teritoryo ng bansa ay hindi matatawaran.

Sa mga nagnanais na maging sundalo ng AFP, alamin ang mga bagay na ito.

SUNDALO-6Mayroong tinatawag na commissioned at non-commissioned officers sa AFP. Ang commissioned ay ang mga may ranggong tinyente pataas o ang mga sumasalang sa hiwalay na pagsasanay para maging opisyal. Ang mga non-commissioned ay ang ranggong sarhento.

Upang maging opisyal ng AFP, may ilang opsyon na makuha ito: magsanay ng apat na taon sa Philippine Military Academy (PMA); at kumuha ng short course ang mga nakapagtapos ng bachelor’s degree.

Kung nais na pumasok sa PMA, kailangan munang maipasa ang requirements at entrance examination. Bahagi ng requirements ay ang mga sumusunod:

  1. Natural-born Filipino citizen;
  2. Physically fit at may good moral character;
  3. Walang asawa at hindi pa naikakasal;
  4. Naipasa ang PMA entrance examination;
  5. Walang kasong administratibo o kriminal;
  6. Nakapagtapos ng high school o ga-graduate nang hindi lalagpas ng Hunyo ng taon matapos na makakuha ng pagsusulit para sa Grade 12;
  7. May taas na 5 talampakan sa babae at lalaki; at
  8. May edad na 17 hanggang 22 taon.

Sa ilalim naman ng Officer Candidate Course, kailangang matugunan ang mga sumusunod na requirements:

  1. Mayroong baccalaureate degree;
  2. Natural-born Filipino;
  3. May edad na 21 hanggang 29 na taon;
  4. Walang asawa at hindi naikasal, walang anak;
  5. May taas na hindi bababa sa limang talampakan (152.4cm);
  6. May good moral character;
  7. Physically, mentally at psychologically fit para sa active military service;
  8. May Armed Forces of the Philippines Service Aptitude Test (AFPSAT), raw score na 71 o mas mataas pa;
  9. Pasado sa Army Qualifying Exam (AQE) at Special Written Exam (SWE) ng Philippine Army; at
  10. Pasado sa Physical Medical Exam at Physical Fitness Test sa Philippine Army.

Sa papasok sa AFP sa ilalim ng Officer Preparatory Course, kailangan ang mga sumusunod:

  1. Commissioned sa Reserve Force bilang second lieutenant;
  2. May edad na 31 taon sa petsa ng Called to Active Duty;
  3. Physically, mentally at psychologically fit para sa active military service (P1 profile);
  4. Mayroong baccalaureate degree;
  5. May taas na hindi bababa sa limang talampakan sa babae at lalaki;
  6. May good moral character;
  7. Mayroong AFPSAT raw score na 71 o pataas;
  8. Pasado sa (AQE) at SWE ng Philippine Army; at
  9. Pasado sa Physical Medical Exam at Physical Fitness Test ng Philippine Army.

May kaakibat na kompensasyon at allowances ang bawat kadete ng PMA sa panahon ng kanilang pag-aaral at pagsasanay.

Ang kada buwan (monthly gross) na kompensasyong tinatanggap ng isang candidate soldier ay nasa P33,327; ang Private (enlisted personnel) ay P37,038; ang Officer Candidate ay P41,696 at ang 2Lt (Call to Active Duty) ay P49,906.

Bukod pa sa mga benepisyo, kabilang din ang mga sumusunod:

  1. Insurance at healthcare benefits;
  2. Billeting at housing privilege;
  3. Seguridad sa trabaho;
  4. Leadership at iba pang skills trainings;
  5. Oportunidad para sa career advancement batay sa performance;
  6. Oportunidad na makapag-graduate studies sa lokal o abroad; at
  7. Oportunidad na mamuno sa Army.

Asahan nang hindi magiging madali ang mga pagsasanay na pagdaraanan ng mga sasabak sa AFP. Ngunit bunsod na rin sa pagtutok ng gobyerno na maitaas ang sweldo at benepisyo ng mga sundalo, matutumbasan na nito ang pagsasakripisyo ng mga awtoridad upang manatiling ligtas, protektado at malaya ang mga Filipino at ang bansa.

KASAYSAYAN NG PHILIPPINE ARMY

Ang Armed Forces of the Philippines (AFP) o Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay ang military forces ng bansa, Ito ay may tatlong pangunahing sangay: ang Army, Navy at Air Force.

Ang Army ay ang pangunahin, pinakamatanda at pinakamalaking sangay ng AFP.

Mga labanan bago pa ang mga pananakop

KRIS-ARMASNagsimula ang puwersang panlupa sa bansa bago pa man ang pananakop ng mga Kastila at mga Amerikano. Sa panahong yaon, ang mga tao at mga barangay na nagmula sa iba’t ibang rehiyon ay bumuo ng sarili nilang mga armadong grupo na pangunahing binubuo ng mangangaso at mga mandirigma. Nagsisilbi ang mga ito bilang tagapagtanggol ng mga tribo o bilang mga sundalo na mga pinadadala sa pakikipagbakbakan sa mga kalabang barangay. Sa ibang pagkakataon ang mga tao ay bumubuo ng mga alyansa para makaatake sa mas malakas na mga kalaban. Ang mga gina­gamit noong armas ay tulad ng kris at kampilan, blowguns, at lantaka. Ang warfare instruments ng mga puwersang Filipino ay nagbabago sa paglipas ng panahon.

Pagsubok sa puwersang Filipino

Noong Abril 27, 1521, nasubukan ang ating puwersang panlupa. At sa pagdating ng mga Kastila nangyari ang hindi inaasahan sa Mactan, Cebu. Dito nagsimula ang Battle of Mactan kung saan dito nagsukatan ng puwersa mula sa grupo nina Lapu-Lapu at Magellan. Ipinakita ng insidente ang pinagsamang lakas ng mga pwersang panlupa ng mga Filipino na kinumpleto ng mga elemento ng unang hukbong pandagat. Ang pwersa ni Lapu-Lapu ay hindi pa pormal na inorganisa bilang isang Hukbong Filipino noong panahong iyon ngunit ang kasalukuyang Philippine Army ay sinimulan nito ang matapang at mapagmataas na pwersa ng mga mandirigma ng bansa.Puwersa para sa kalayaan

Ang kagitingan at hindi masukat na puwersang Filipino ay nabuo pa lalo sa pagkakaroon ng samahan noon na Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan, o ang Katipunan. Ito ang samahang binuo noon ni Andres Bonifacio na naging daan sa pagkakaroon natin ng Revolutionary Philippine Army.

Nakipaglaban din noon si Heneral Emilio Aguinaldo laban pa rin sa mga Kastila.

At noong Hunyo 12, 1898 ay nakamtan ng mga Filipino ang kasarinlan dahil na rin sa mga sundalong lumaban sa mga mananakop na mga Kastila.

Read More

DAGDAG-SAHOD NG PULIS, SUNDALO MATATANGGAP NA

(NI BETH JULIAN)

GOOD news!

Inaasahang matatanggap na ng mga sundalo at mga uniformed personnel ang kanilang inaasam na dagdag sweldo.

Ayon kay Budget and Management Officer in charge Janet Abuel, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang national budget no. 576 na nagsisilbing panuntunan  para sa second tranche ng naturang dagdag sahod.

Paliwanag ni Abuel, dapat ay noong Enero pa ito naipatupad pero naantala ito dahil sa pagkabinbin ng pagpasa sa 2019 national budget.

Gayunpaman, naka-retroactive naman ang naturang dagdag sahod simula Enero 1, 2019, kaya walang dapat na ipag alala.

Sakop ng dagdag sahod ang lahat ng law enforcement agencies maging ng law enforcement personnel ng Philippine National Police (PNP).

 

Read More

PULIS, SUNDALO NA ‘GOONS’ NG POLITIKO BINALAAN NI DU30

PNP100

(NI BETH JULIAN)

MAHIGPIT na nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na mananagot sa kanya ang mahuhuli nitong sumusuporta at nagsisilbing ‘goons’ sa mga tumatakbong kandidato ngayong May 2019 elections.

Kaya nanan pinayuhan ng  Pangulo ang mga sundalo at pulis na manatiling neutral o nasa gitna at huwag papanig kaninuman sa mga tumatakbong kandidato.

Binigyan-diin ng Pangulo na hindi trabaho ng mga sundalo at pulis na magsilbing ‘alalay o goons’ ng mga politiko dahil ang trabaho ng mga ito ay magpanatili ng law and order o magpatupad ng batas, kaayusan nang walang takot at kinakampihan.

Ayon sa Pangulo, sa halip ay iniutos nito sa mga pulis at sundalo na magsilabas at paigtingin ang pagwasak o pagbuwag sa mga organized crime group at mga sindikato ng ilegal na droga pati na ang mga organized kidnapping syndicate.

Read More