BULACAN – Tatlong bangkay, kabilang ang dalawang babae at isang lalaki, ang natagpuang nakaposas at tadtad ng tama ng bala sa ulo sa Plaridel Bypass Road sakop ng Brgy. Malamig, sa bayan ng Bustos sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga
Base sa inisyal na report ng pulisya, ang mga biktima ay natagpuan dakong alas-5:00 ng umaga habang duguang nakahandusay sa nabanggit na lugar.
Ang mga ito ay hinihinalang mga biktima ng summary execution dahil sa mga tama ng bala sa ulo at nakaposas ang mga ito.
Sinasabing pinagbabaril habang nakaposas ang mga biktima sa mismong lugar dahil sariwa pa ang dugo ng mga ito sa kanilang ulo at katawan.
Ang mga biktima ay tinatayang nasa edad 30 hanggang 50-anyos, at pawang nakasuot ng face mask.
Ayon kay Bulacan Police director, Col. Lawrence Cajipe, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon para mabatid ang pagkakakilanlan ng mga biktima at ang posibleng motibo sa krimen. (ELOISA SILVERIO)
394
