1 PANG KONGRESISTA NAGPOSITIBO SA COVID-19

ISA pang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang tinamaan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 at naidagdag sa mahigit 200,000 COVID cases sa bansa.

Sa kanyang statement noong Miyerkoles ng gabi, inamin ni Northern Samar Rep. Paul Daza na nagpositibo siya sa nasabing virus noong Agosto 25 kaya nasa hindi pinangalanang ospital siya ngayon.

“Sadly, I share the news that I was diagnosed as COVID-19 positive yesterday, August 25. I am now hospitalized and look forward to being discharges upon clearance by my doctors,” ani Daza.

Ayon sa mambabatas, bago siya umuwi sa kanilang probinsya noong Agosto 8, ay nagpa-swab test muna siya ngunit negatibo ang resulta kaya nag-ikot siya sa distrito ay nakipagpulong sa local officials, community leaders at at mga ordinaryong tao.

Gayunpaman, sumama umano ang pakiramdam niya noong Agosto 16 ng gabi kaya hindi na lumabas at uminom ng gamot na nireseta ng kanyang doctor ngunit hindi bumuti ang kanyang kalagayan.

Dahil dito, nagpasya siyang bumalik sa Manila noong Agosto 24 at agad dumiretso sa isang ospital kung saan isinailalim muli sa swab test at kinabukasan ay lumabas ang resulta na positibo siya sa COVID-19.

“Following DOH guidelines, those who have been with me anytime in the few days before August 16 up to the 24th should get in touch immediately with our local health authorities. I have also instructed my staffs in Congress and Daganas field office to immediately initiate a thorough contact tracing in coordination with local officials and health authorities,” ani Daza.

Dahil dito, umakyat na sa 55 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Kamara at ika-amin na si Daza sa mga kongresista na tinamaan ng nasabing virus kabilang ang isang namatay sa katauhan ni Senior Citizen Party-list Rep. Francisco Datol Jr.

Kabilang sa nagkaroon ng COVID-19 na mga mambabatas ay sina Bulacan Rep. Henry Villarica, Deputy Speakers Mujiv Hataman at Johnny Pimentel, at Sulu Rep. Amier Tan. (BERNARD TAGUINOD)
160

Related posts

Leave a Comment