CAVITE – Patay ang isang hinihinalang drug pusher makaraang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad habang 37 ang dinampot sa ikinasagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito.
Kinilala ang napatay na si Joel Enriquez, alyas “Bano” ng Brgy. Muzon 1, Rosario, Cavite.
Ayon sa ulat ni P/SSgt. Ellezer Tagalog ng Rosario Municipal Police Station, dakong alas-12:20 nitong Miyerkoles ng madaling araw nang magkasa ng buy-bust operation sa Brgy. Ligtong 2 sa nabanggit na bayan ngunit nakatunog na pulis ang katransaksyon kaya nakipagpalitan ng putok ang suspek na nagresulta sa kanyang pagkamatay.
Samantala, 37 pang umano’y mga drug pusher ang nadakip sa isinagawang magdamagang buy-bust operation sa Bacoor City, General Mariano Alvarez, Gen. Trias City, Imus City, Naic, Cavite City at Indang. (SIGFRED ADSUARA)
