12-ANYOS BINARIL NG STEPFATHER

CAVITE – Binaril ng isang lalaki ang 12-anyos na anak ng kanyang kinakasama nang aksidente nitong mahugot ang plug ng tv habang nanonood ng paborito niyang serye ang suspek noong Biyernes ng gabi sa Brgy. Alapan 1-B, Imus City.

Kinilala ang suspek na si Reynaldo Managan y Nerosa habang ang biktima ay si Marian Angelica Fortoes y Palarca, kapwa residente ng Blk. 4, Lot 31, Molave St., Westwood ng nabanggit na lugar.

Ayon kay Michelle Palarca, ina ng biktima, dakong alas-7:00 ng gabi nang magalit ang suspek nang aksidenteng mahugot ng biktima ang plug ng tv.

Humantong ito sa mainitang pagtatalo ng suspek at ni Michelle hanggang sa kumuha ng baril si Managan at pinaputukan ang biktima.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang suspek dala ang baril na ginamit sa pagpapaputok.

Agad namang naisugod sa pagamutan ang biktima upang malapatan ng lunas habang pinaghahanap ng Imus CPS ang naturang suspek. (CYRILL QUILO)

222

Related posts

Leave a Comment