LAGUNA – Pumalo sa record-high na 13,288 ang kabuuang bilang ng mga nahuli sa loob lamang ng isang maghapon kaugnay ng samu’t saring paglabag sa modified enhanced community quarantine (MECQ) guidelines sa lalawigan.
Kabilang sa mga nahuli ang 1,535 indibidwal na walang suot na protective face masks; 2,164 naman ang mga silat dahil sa hindi tamang pagsuot nito habang 4,262 ang walang face shields at 3,472 naman ang nasita dahil mistulang headband ang paraan ng pagkakasukbit nito sa ulo.
Hindi pa rin naiiwasan ang pagsasagawa ng mass gathering sa probinsya kung saan nahuli ang 184 katao, bukod pa sa 1,671 na huli dahil sa kabiguang dumistansya sa isa’t isa.
Sa kabuuang bilang ng mga nahuli, 12,204 kataong lumabag ang binigyan ng warning habang multa naman ang ipinataw sa 898 na indibidwal.
Samantala, 218 katao naman ay inatasang mag-community service sa kanilang lugar.
Paalala ni Laguna Provincial Director Colonel Serafin Petalio II – “It is not only the government’s fight to end this pandemic. It is everybody’s concern. Cooperation among us is the key to stop the spread and transmission of the virus. Laguna PNP together with the local government will continue to do our job to enmity this disease.” (CYRILL QUILO)
264 