133K ALIENS NAG-FILE NG 2022 ANNUAL REPORT SA BI

NAKAPAGTALA ang Bureau of Immigration (BI) ng mahigit sa 133,000 foreign nationals na naghain ngayong taon ng kanilang annual report na isinagawa noong Enero hanggang Marso 1.

Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni BI Alien Registration chief, Atty. Jose Carlitos Licas, inihayag niya na may kabuuang 133,557 foreigners ang nakiisa sa 2022 annual report.

Ang annual reporting of aliens ay isinagawa sa unang 60 calendar days ng bawat taon na alinsunod sa mga probisyon ng Alien Registration Act of 1950. 

Ang aliens na may hawak na valid immigrant at non-immigrant visa na inisyu ng BI ay nakamandato na gumawa ng annual report.

Ayon kay Licas, ang bilang ng reportees ay bahagyang tumaas mula sa 130,148 aliens na nag-file ng report noong 2021.

Sinabi pa niya na ang mababang bilang ay inaasahan ngayon na nagkataon sa pagtaas ng COVID-19 cases dahil sa nakahahawang Omicron variant. (JOEL O. AMONGO)

156

Related posts

Leave a Comment