(NI ROSE PULGAR)
NANAWAGAN ang Laban Consumers na dapat ipaalam sa publiko ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) ang mga brand ng 15 natuklasang produkto ng suka na nagtataglay ng kemikal na umano’y makasasama sa kalusugan.
Ayon kay Vic Dimaguiba, pangulo ng Laban Consumers, sa halip na magpatawag ng pulong sa iba’t ibang ahensya, mas mahalaga na ipabatid sa publiko ang mga sukang dapat na iwasan.
Kasunod nito pinayuhan ni Dimaguiba ang publiko na huwag munang bumili ng suka na walang brand sa mga pamilihan.
Magugunitang kamakailan ay iniulat ng PNRI na may 15 na klase ng suka na ibinebenta sa merkado ang nagtataglay ng synthetic acetic acid na nakasasama sa kalusugan ng tao.
Bagama’t nagbabala sa publiko ay hindi naman tinukoy ng ahensya ang mga brand ng sukang nagtataglay ng nasabing kemikal.
Aniya, kinakailangan na isapubliko ang mga tatak o pangalan ng mga nasabing suka upang maiwasan na mabili ng mga mamimili.
