19 PULIS MAYNILA SIBAK SA KOTONG

PORMAL nang sinibak ng liderato ng Manila Police District (MPD) ang 19 nilang tauhan dahil sa talamak na pangongotong sa mga truck driver sa bahagi ng Quiapo, Maynila.

Sa ipinarating na report kay Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar,  bukod sa 19 tauhan ng Carlos Palanca Police Community Precinct (PCP), laglag din sa pwesto ang station commander na si Police Major Bernardino Diaz Venturina.

Ang ginawang hakbang ni MPD Director Police Brig. General Leo Francisco ay tugon sa kahilingan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na imbestigahan ng MPD ang sumbong ng mga jeepney drivers at UV Express hinggil sa pangongotong ng mga pulis.

Nabatid na P10 kada driver sa bawat biyahe ang kinokolekta ng nabanggit na presinto.

Lumalabas din sa imbestigasyong matagal nang kalakaran sa nasabing lugar ang ginagawang pangingikil ng mga tauhan ng Carlos Palanca PCP.

Pansamantala namang ipinalit kay Venturina bilang OIC si Police Lt. Eric  Casuncad  at dalawang team  o 14 na pulis mula sa District Mobile Force Battalion (DMFB). (JEFF TUMBADO)

199

Related posts

Leave a Comment