2 BOMBA NATAGPUAN SA CAVITE

CAVITE – Dalawang bomba ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon.

Napag-alaman, natagpuan ang isang bomba sa bayan ng Amadeo habang sa bayan ng Maragondon naman ang isa pa.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Arvin Balbuena, isang tawag ang natanggap ng Amadeo Police Station mula kay Kagawad Noel Advincula Salaban at sinabing isang bomba ang natagpuang sa isang bakanteng lote sa Brgy. Salaban ng naturang bayan dakong alas-10:00 noong Huwebes ng umaga.

Habang nahukay naman sa isang bahagi ng kalsada sa Brgy. Bucal 1, Maragondon, Cavite ng ilang construction worker ang isang bomba dakong alas-2:45 noong Huwebes ng hapon.

Agad namang kinordon ang lugar ng mga operatiba ng Explosive Ordnance Division (EOD) at nabatid na isang mortar ang natagpuan.

Ang dalawang bomba ay nasa pangangalaga na ng EOD. (SIGFRED ADSUARA)

101

Related posts

Leave a Comment