2 CHINESE ARESTADO SA P1.768-B SHABU

TINATAYANG umabot sa P1.768 billion na halaga ng droga ang nakumpiska sa dalawang Chinese national sa isinagawang joint anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) katuwang ang AFP Task Force: Noah, Team Navy, PNP 4A at local police, sa magkahiwalay operasyon sa Quezon City at Cavite.

Sa ulat na ibinahagi ni PDEA Public Affair Office chief, Director Derrick Carreon, bandang alas-10:30 ng umaga ikinasa ang operasyon sa area ng Maria Clara St., Banawe, Quezon City

 Sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, nasa 40 kilos ng hinihinalang shabu ang nakuha sa pag-iingat ng isang Cai Jia Zhu alyas “Anson Chua”, 41-anyos, at isang Toyota Corolla

Bandang alas-11:30 ng umaga, isa pang anti-illegal drug operation ang inilunsad sa Blk. 19, Lot 13, Phase 3, Fullana St. cor.  Soriano St., Avida Residences, Santa Catalina, Molino-Paliparan Road, Dasmariñas, Cavite.

Nakuha ng mga awtoridad ang 220 kilos ng hinihinalang shabu mula sa suspek na kinilalang si Hail Lin, 41-anyos.

Ang nakumpiskang ilegal na droga sa dalawang suspek, sa kabuuan ay umabot sa P1.768 billion. (JESSE KABEL)

130

Related posts

Leave a Comment