2 KILO NG SHABU HULI SA ZAMBOANGA

ZAMBOANGA CITY – Tinatayang dalawang kilo ng hinihinalang shabu na may street value na umaabot sa P13.6 million ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PDEG) sa ikinasang anti-narcotics operation sa nasabing lungsod.

Ayon kay PDEG Director PBGen. Eleazar Matta, nakumpiska ang ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operations nitong Biyernes ng madaling araw sa Barangay San Jose Gusu ng nasabing siyudad.

Naniniwala si Gen. Matta na malaking kawalan sa merkado ang nasabat nilang droga at pagkakadakip sa itinuturing na bigtime drug personality na responsable sa pagpapalaganap ng illegal drug trade sa lungsod at mga kalapit bayan.

Kasalukuyang nasa Zamboanga City Police Office Station 11 custodial facility ang suspek para sa temporary detention at sa pagsasampa ng kaukulang kaso. (JESSE KABEL RUIZ)

147

Related posts

Leave a Comment