ARESTADO ang tatlong babaeng kubrador umano ng Lotteng sa Navotas City noong Biyernes ng gabi.
Kinilala ang mga dinakip na sina Sheryl Ann Guinto, 30; Sabina Ricafrente, 63, at Anna Sapalo, 30, pawang mga residente ng lungsod.
Ito ay makaraang may magnguso sa mga parak ukol sa talamak na operasyon ng “Lotteng” sa Area 1, Brgy North Bay Boulevard South, Dagat-dagatan.
Alas-8:25 ng gabi noong Oktubre 21 ay sumalakay ang mga parak at nadakip ang suspek at nakumpiska ang listahan ng taya, dalawang lotteng stub, isang ballpen at P940 tayang salapi. (ALAIN AJERO)
