BANGKAY na nang matagpuan ang dalawang lolo sa mga lungsod ng Malabon at Navotas noong Linggo.
Dakong 7:24 ng umaga nang matagpuan sa 300 Gov. A. Pascual St., Brgy. San Jose, Navotas, ang labi ng senior citizen na si alyas “Dodong”.
Walang sugat sa katawan o ano mang palatandaang dumanas ang matanda ng karahasan.
Samantala, habang nagpapakain ng kanilang panabong na manok ang saksing si Roland Padarunon, 53, sa C4 Road, Brgy. Tañong, Malabon City dakong 2:30 ng hapon, nakita niyang hindi na humihinga ang biktimang si alyas “Johnny,” nasa 60 hanggang 65-anyos, habang nakahiga.
Iniulat ni Padarunon sa barangay at pulisya ang natuklasan, at lumitaw sa ocular investigation na walang sugat o ano mang palatandaan ng karahasan sa katawan ang biktima. (ALAIN AJERO)
