PAGTAAS NG AIRFARE SISILIPIN NG KAMARA

HINDI pa man ganap na nakababangon ang turismo, panibagong dagok ang hinaharap ng sektor bunsod ng pagpapataw ng airline companies ng umento sa pasahe ng mga pasahero sa eroplano.

Sa inihaing resolusyon ni Ilocos Sur Rep. Ronald Singson, kailangan aniyang isalang sa imbestigasyon ng Kamara ang mga airline company kaugnay ng mga hakbang na para sa kanya’y lubos na nakakaapekto sa sektor ng turismo.

Para kay Singson, angkop lamang na bumalangkas ng batas na kakastigo sa airline companies na hayagang binabalewala ang umiiral na air transportation fare regulation.

“Data shows that local air travel bookings have been surging since many local destinations have loosened COVID-10 restriction and reopened borders,” ani Singson sa kanyang House Resolution 307.

Bagamat walang malinaw na datos na ipinrisinta ang mambabatas hinggil sa antas ng dagdag-pasahe sa mga eroplano, may mga impormasyon aniya siyang nagbibigay kumpirmasyon sa malawakang pagtataas ng airfares a mga biyahe sa lahat ng probinsya – kabilang ang mga tourist destinations tulad ng Boracay, Cebu, Bohol, Siargao at Palawan.

Ayon pa kay Singson, bagamat totoong apektado ang airline industry sa krisis sa langis na dulot ng digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia, naniniwala aniya siyang higit pa sa angkop na airfare adjustment ang ipinataw ng mga airline companies.

Bukod sa airline companies, kabilang sa mga nais isalang ng kongresista sa imbestigasyon ang Civil Aeronautics Board (CAB) na may kapangyarihang kumatig o magbasura ng mga petisyon para sa dagdag-pasaheng singil sa mga eroplanong pag-aari ng mga airline companies. (BERNARD TAGUINOD)

152

Related posts

Leave a Comment