2 MIYEMBRO NG DAWLA, PATAY SA MILITAR

SOUTH COTABATO – Bumulagta ang dalawang hinihinalang mga miyembro ng Dawlah Islamiya matapos na kumasa sa pagsalakay ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya sa Sitio Lagwang, Purok 5, Barangay Rubber sa bayan ng Polomolok, iniulat ng 6th Infantry ‘Kampilan’ Division nitong Martes.

Kinilala ang mga napatay na sina Emilton Abedin Ampatuan at Abdullah Sampulna Ampatuan, parehong nasa hustong gulang.

Ayon sa ulat ni 601st Brigade commander, Brigadier General Roy Galido, naglunsad ng search warrant operation ang mga tauhan ng 5th Special Forces Battalion kasama ang Polomolok PNP at ilang elemento ng security forces laban kay Emilton.

Imbes na sumuko ay nagpaputok ang mga suspek kaya gumanti ng putok ang mga awtoridad na ikinamatay ng dalawa. (BONG PAULO)

158

Related posts

Leave a Comment