ANGKAS SA MOTOR PATAY SA PAMAMARIL

BATANGAS CITY – Patay ang isang babae matapos na pagbabarilin habang naka-angkas sa motorsiklo sa Batangas City, Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Mary Ann Pupuli na idineklarang dead on the spot.

Batay sa report ng Batangas City Police, naka-angkas si Pupuli sa motorsiklong minamaneho ng kanyang ka-live-in nang mula sa likuran ay pagbabarilin ng isang suspek na sakay sa nakabuntot na motorsiklo.

Tinamaan ng dalawang bala sa likod ang biktima na nalagutan ng hininga bago maisugod sa ospital. (NILOU DEL CARMEN)

177

Related posts

Leave a Comment